Chapter 14

75 0 0
                                    


"Kumain ka pa. Ito oh" napangiti ako nang dagdagan ni ate Jenna ang pagkain sa plato ko.

"Ang dami ko nang nakain"

"Sige lang. Para lumakas ka na at makabawi naman ako sayo"

"Tita, can you please get po that plate?" Pakiusap ng anak ko sa tita nya.

Nakangiting inabot ni Jenna ang plato na may lamang chicken at nilagyan nito ang plato ni Kyienne.

"So anak, ito na talaga ang gusto mo?" Tanong ni tito Carl.

"Yes Dad. Mas malapit po sa church and malaki naman at maganda ang view"

Tinanong ako ni Jenna about sa venue na maganda kaya sinuggest ko ang resort nila kuya Lyndon dito sa Bataan.

Dito narin sila ikakasal sa malapit na church. Naisip ko kasing maganda ang view dito, maganda ang venue at may mga swimming pools pa at katabi din nito ang dagat.

"Maganda ang taste ni Shenna a. Kaya ito ang pinili namin noon na pagsagawaan ng birthday surprise namin sayo. Bukod sa si Lyndon ang may-ari, maganda ang service nila dito" Ngiting ngiti na sabi ni Tita Linda.

"Yes, ma'am. At magiging madali po ang pag-aayos namin dahil nandito po ang buong team namin noon ni Ma'am Shenna. Ano po ang motif na gusto nyo?" Tanong ni Luisa na nasa tabi ko ngayon. Nasa kaliwa ko sya at nasa kanan ko ang anak ko. Nasa tabi naman nya si Kyle at katapat namin si Tita Linda, Tito Carl at ate Jenna.

"I want silver. At kung pwede, may touch of silver din ang gown ko?" Tanong ni Jenna.

"Akala ko ba, gusto mong ikaw ang pumili ng gown mo? Nakakita na tayo diba?" Tanong naman ni Kyle.

"Parang ayoko na kasi non. I want elegant and nice gown na babagay sa white rose boquet ko. Parang ang pangit naman kung puro white diba?"

"Sabagay po, may point kayo. Kailan ko po makikita ang groom? Baka may ibanh suggestion pa po sya" napatingin ako kay Luisa. May gusto sya kay Luke diba?

"He's on his way na. Kasama nya ang parents nya para masukatan na din sila ng masusuot nila" tumango naman si Luisa at parang nagningning ang mga mata nya nang malamang papunta na si Luke.

"Mama, where's tita Jaymee, Tito Lyndon, Lola Mommy and Baby Lynlyn?" Tanong nya sa akin kaya napaisip ako.

"Pupuntahan natin sila mamaya, baby. Don't worry, susunduin natin sila" Mukhang natuwa naman si Kyienne sa sinabi ng Daddy nya.

Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito. Naramdaman ko nanaman ang pagtibok ng utak ko.

"Are you okay, Shenna?" Nag aalalang tanong ni ate Jenna sa akin.

"M-masakit ang ulo ko"

"Ihatid mo na muna sa kwarto nyo si Shenna, Kyle. Pagpahingahin mo muna. Baka napagod sya sa byahe natin kanina"

Aayaw pa sana ako dahil nakakahiyang iwanan sila dito pero wala akong nagawa nang lalong sumakit ang ulo ko.

"Magpahinga ka na muna dito. May gagawin pa kasi kami nila Tito Carl. Okay ka lang ba dito mag-isa?" Tanong ni Kyle pagkahiga ko sa kama.

"O-okay lang. Sige na puntahan mo na sila. Ihatid mo nalang dito mamaya si Kyienne pag maggagabi na" tinanguan nya ako sa at hinalikan sa noo.

"Matulog ka muna. Iloveyou, my Queen"

Nginitian ko lang sya bago sya lumabas sa kwarto. Ipinikit ko naman ang mata ko.

"Bakit kumakalat sa University na nililigawan mo ko?"

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon