Chapter 1: The Party

210 8 2
                                    


Chapter 1

Kahit na wala pa kong readers, nagpapasalamat parin ako sainyo! Hahahaha!

******

"Ma'am ready na po ang lahat" Napaangat ako ng ulo nang marinig ang sabi ni Luisa ang inutusan kong mag ayos sa birthday party para sa pinsan ko. Ngayon ang araw ng birthday nito. Natutuwa ako dahil kahapon ko lang sinabi sakanya ito pero naayos na nya kaagad. Kaya nga sakanya ko ito inassign dahil alam kong mabilis itong magtrabaho.


"Good to hear that, Luisa. Good job. Mag ready na tayo dahil 1 hour nalang ay magsisimula na" Nandito narin sa resort sila Ate Jenna. Kaya nagkukulong ako ngayon dito sa office ko dahil baka makita nila ako. Yeah, nagtatago ako. Gaya nga ng sabi ko, hindi pa ako handang magpakita sakanila.


"Yes, ma'am"


Naghanda narin ako para mamaya. Plano ko kasing sa isang tabi lang ako habang nakatingin mula sa malayo. Sisiguraduhin ko lang na maayos ang party dahil kung palpak, si Kuya Lyndon ang mapapahiya. Malaki ang utang na loob ko kay Kuya Lyndon kaya hindi ko hahayaang masira sya sa ibang tao. I owe him my life. We owe him our lives. Kung wala sila, hindi ko alam kung nasaan kami ngayon ng anak ko.


Sila rin ang nandyan nung mga panahong naglilihi ako. Yes, sa sobrang supportive nila ni Ate Jaymee, kahit gustong kong kumain ng strawberry na kailangan ay galing pa sa baguio, pumupunta pa sila doon para lang maibili ako. Kaya malaki ang pasasalamat kong sakanila ako humingi ng tulong.


Nasa venue na kami ni Luisa. Chineck ko lang sakanya kung okay na ba ang lahat pati ang emcee at pati narin ang celebrant. Nang masigurado ko, tumungo ako sa isang sulok at doon pumwesto. Nanonood lang ako habang paparami na ang tao. Lahat sila ay mababakas sa mukha ang excitement at saya.


Nagsimula ang party nang maayos. Hanggang sa pinapasok na si Ate Jenna na tuwang tuwa sa mga nangyayari ngayon sa birthday nya. Nakatingin lang ako sakanya. Wala naman syang ginagawa ngayon na nakakagalit pero galit ang nasa isip ko ngayon. Galit ako sakanya sa lahat ng ginawa nya. Sa lahat ng nangyare, nagiging masaya pa sya ngayon. Agad kong pinunasan ang luhang biglang kumawala mula sa mga mata ko.


Tumayo ako at tumakbo papalabas. Hindi ko sya kayang makita nang matagal. Bumabalik ang lahat ng sakit sa akin. Lahat—


"S-Sorry" Pinunasan ko muna ang luha ko bago tumingin sa nakabanggaan ko.


Agad napahinto ang mundo sa pag-ikot at pati ang pagtibok ng puso ko. "S-Shenna?"


"L-Luke" Yumuko ako at akmang tatakbo paalis pero pinigilan nya ako. Hawak hawak nya ang braso ko kaya napatingin ako dito.


"Shenna! Ikaw nga!"


Ano nang gagawin ko? Si Luke na bestfriend ni Kyle nandito sa harapan ko! "S-Sinong Shenna?"


Mukhang nagulat ito sa sinabi ko. Tiningnan ko sya ng blangko at tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko. "Excuse me pero hindi ko kilala yung sinasabi mo"

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon