Chapter 2

94 6 0
                                    

"Angela gising na! Malalate ka na sa eskwelahan mo!" sabi nya ulit.
'Papanggap nga muna ako.' sabi ko sa isip ko.
"Gising na po ma!" ang sabi ko.

Pagkagising ko ay pumunta na agad ako sa banyo para maligo at pag katapos nun ay kumain ako.

"Ma, aalis na po ako baka po kasi ma late pa ako eh" sabi ko.
"O sige anak mag ingat ka ah" sabi niya.
"Ok po bye!" sabi ko tapos umalis na ako.

Pumunta ako patungo sa eskwelahan. Alam ko ung eskwela dahil sa id na suot suot ko.
So ang full name pala neto ay Angela Nicole P. Santos. 1st year highschool sya.

Pag dating ko sa eskwelahan ay biglang may sumalubong sakin na babae.

"Hi bes! Tara na! Sabay na tayong pumunta sa klase baka malate tayo!" sabi nang babae.
"O sige bes!" sabi ko.
Pumunta na kami sa klase.

*After ng klase*
Lunch break na namin. 30 minutes lang pala kada klase dito. Hindi ko maintindihan dahil ngayon ko lang naman narinig yung mga ito.
Pumunta ulit sakin yung babae kanina.

"Bes kain tayo!" sabi nya.
"O sige bes!" sabi ko. Hindi ko sya matawag ng pangalan nya dahil hindi ko naman sya kilala.
Habang kumakain kami hiningi ko id nya dahil gusto ko malaman pangalan nya. Sya pala si Clara. Habang tinitignan ka yung id nya ay nakita ko sa bandang likod ng id nya ay puro lalaki. Boyband ata iyon. Pagkatapos namin kumain ay naglakad-lakad muna kami dahil hindi pa tapos yung lunchbreak.

Habang naglalakad kami ay may nakita kaming lalaki. Madaming babae ang nasa paligid nya.

"Uy bes o! Ung crush ko!!!" sabi ni Clara sakin.
"Sino ba yan?" ang tanong ko sakanya.
"Bes hindi mo sya kilala? Sya si Kenneth Roque. Popular sya dito. President rin sya sa school natin. Puro lalaki yung mga kasama niyang officers. Eh yung assistant nya dapat daw babae. Eh hanggang ngayon wala parin syang secretary assistant. Hindi ata sya intrested sa girls eh...Pero ang daming nag aaply sakanya na maging secretary assistant nya pero lahat ay hindi nya tinanggap."
"Ah...Ok" sabi ko.

'Meron naman siyang looks pero hindi ako interesado sakanya' sabi ko sa sarili ko.
Habang nakatingin ako sakanya ay bigla siyang tumingin sakin at kinawayan ako.

Kinawayan ko rin sya at nakikita kong nagseselos yung mga babae at nag bubulungan.

"Uy bes!!! Grabe!!! Kinawayan ka nya!!!" sabi ni Clara sakin.
"Eh ano naman kung kinawayan nya ko? Hindi naman ako interesado sakanya." sabi ko.
"Bihira sya kumaway noh! First time nya kayang kumaway sa isang babae! Kadalasan lalaki!" sabi neto.
"Tara na nga! Ang gulo mo eh!" sabi ko.

At sakto rin tumunog na ang school bell at bumalik na kami sa aming klase.

God SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon