Chapter 5

51 6 0
                                    

Pag kapunta ko sa school ay syempre naman may sasalubong sakin.

"Bess!!" sabi ni Clara sakin.
Tumingin sya sa uniform ko at nagulat sya dahil uniform ng mga officers ang suot ko.'
"Officer ka na?!? Ano ang position mo???" sabi ni Clara saakin.
"Assistant Secretary" ang sabi ko sa kanya.
Narinig na namin ang school bell kaya wala na kaming oras makipag usap dahil late na kami.

*After ulit ng klase at lunch break na*
Hindi sila lumalapit sakin including Clara dahil dapat magkakasama ang officers na kumain. Diba weird? Naririnig ko rin na nagbubulungan nanaman sila.

"Hi first assistant secretary!" sabi sakin ng Vice President na si John.
"Bihira mag karoon ng babaeng officer dito. Actually, ikaw ang first dito nung naging president si Kenneth dito eh...." sabi sakin ng Treasurer na si Henry.

Parang feeling ko weirded out yung mga girls at boys na rin sa palagid eh.... Kung nandito si Shin ay bad news dahil sya ang makakakuha ng source ng power dito.

"Crush mo ba si Kenneth?" tanong sakin ng Auditor na si Alex.
Narinig ko na rin sa iba na shipper talaga si Alex. Pero sa tanong nya na yun ay kinilig ako at napatingin ako baba habang namumula ang mukha ko.
"H-hoy! Wag mo sya g-ganyanin!" sabi ni Kenneth sakanya na namumula rin.

Kenneth's POV
Ok lang kung hihigupin ni Angela ang magic source ko dahil sa good atmosphere kasi mahal ko sya. Inabutan ko si Angela ng malamig na tubig at hindi ko namalayan na baso ko pala iyon na naibigay ko sa kanya.

Angela's POV
Ininom ko agad ang malamig na tubig kasi pulang pula na ang mukha ko at hindi ko namalayan na kay Kenneth pala ang baso na ininuman ko. Lalo pang pumula ung mukha ko. Damn you Kenneth! Pinapakilig mo ako! I'm glad you're not Shin...

Hindi ko napansin na nakatingin samin si Clara at umalis na iyon dahil sa galit at selos.
Habang yung iba naman ay galit ata saakin.
Sana nga wala dito si Shin.
So tapos na ang lunch break at pumunta na agad kami sa klase namin.

*Dismissal Time*
Kailangan ko mag stay ng late as an officer's job dahil lahat kami ay gagawa ng paperworks.
Habang papunta ako sa room ng mga officers sa third floor ay may humila sakin. Tatlo sila at kasama na rin dun si Clara. Tinali nila ako sa upuan sa isang abandoned classroom.

"Hi Angela" sabi saakin ni Clara.
Haysht! Wala akong magic! At kung meron man ay hindi ko magagamit sa kanila iyon dahil ako nga ang "God of Life".
Habang kinidnap nila ako ay may nakita akong flashback na mamatay na ang tatay ko nun. Well, hindi sya ang totoong tatay ko dahil diba nga kinukuha kami galing sa Earth. Pero sya na nag alaga sakin nung bata palang ako. Sya rin yung previous "God of Life".

"Tay!" sabi ko.
"Anak, mamamatay na ako. Alagaan mo na ang palasyo natin habang wala ako ah?" sabi sakin ng tatay ko.
"Tay! Wag kang magsasabi ng ganyan!" sabi ko sakanya hang umiiyak ako.
"Ito ang realidad Hannah... Basta talunin mo si Shin at wag kang mag traydor ah.... Pag nag traydor ka ay hindi na ikaw ang "God of Life". Maghahanap na sila ng iba sa Earth ulit at ma eexecute ka." sabi ng tatay ko.
"T-tay pano nila malalaman kung traydor ako" tanong ko habang umiiyak parin.
"Magiging red ang powers mo na may halong kadiliman at magiging ikaw ang the "Fallen God of Life." sabi ng tatay ko at namatay sya.
"Tay!!!!!!!!" iyak ako ng iyak pero wala naman akong nagawa dahil patay na sya.
*End of flashback*

"So...Surprised ka ba?" sabi ni Clara sakin na nakatawa lang.
"Clara bakit mo to ginagawa?" tanong ko sakanya.
"Bakit? Kasi diba "crush" mo si Kenneth pero hindi mo naman sinasabi! At natandaan mo yung sinabi ko sayo diba? Akin lang sya!" sagot sakin ni Clara.
"Diba sinabi ko sayo?!? Hindi ako interesado sakanya! At sige! Hindi ako takot mamatay ngayon!" sabi ko sakanya.

May kinuhang kutsilyo ang isang babae at isasaksak nya sana sakin na biglang dumating si Kenneth.

"Tigilan nyo yan!" sigaw ni Kenneth sakanila.
Tumakbo na sila palabas at tinanggal na ni Kenneth yung tali ko. Kasama ni Kenneth ang mga iba pang officers.
"Habulin nyo yung tatlong yon" sabi ni Kenneth at hinabol na nila iyon.
"Ok ka lang?" sabi ni Kenneth sakin.
"Oo. Thank you." sabi ko sakanya. Niyakap ko sya ng mahigpit dahil sa takot.
'Dear Kenneth, Muntik na ako maging "Fallen God of Life". Pero, dahil sayo ay naligtas mo ako. Ngayon kailangan ko nalang hanapin si Shin. Kailangan ko syang mapatumba para sa kapayapaan ng mundo natin.' sinabi ko sa isip ko.

"Tara na!" sabi ni Kenneth sakin.
Pumunta na kami sa room ng mga officers at nakita namin na nandun na ang mga babae na nagtangkang patayin ako. Nakatali sila doon sa room nakaupo na rin dun ang mga officers.
"Nandito na ang lovebirds!" sabi samin ni Jack.
"Huh?" sabi ko naman.
Umupo na kami ni Kenneth doon.
"A-ano ba ang nakikita mo dyan sa hampas lupang babaeng yan? Madami pang mas magandang babae dyan eh!" sabi ni Clara.
"Oh...If you all think that i need someone who is pretty edi sana madami akong "ex" at "ex assistant secretaries" I see a different side to her and she meets my expectations" sabi ni Kenneth kay Clara.
"Ano ang meron sya na wala kami?!?" sabi ni Clara.
"Hindi sya takot mamatay. Right Honey?"
'Honey?!?!?!' napaisip ako dahil nakakaconfuse ung sinabi sakin ni Kenneth.
"Hindi rin naman kami takot mamatay ah!" Sabi ni Clara.
Kinuha ni Kenneth ang box cutter at tinapat nya sa batok ni Clara at kinabahan sya.
"You see? You are not worthy. Send them to the faculty." Sabi ni Kenneth.

Pinunta na nila sa faculty ng mga iba pang officers.
Gumawa na kayo ng paperworks at pagkatapos nun ay inuwi na ako ni Kenneth sa bahay ko as usual.

God SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon