Chapter 8

29 4 0
                                    

Another normal day nanaman and as usual school days haysss..... Mas maaga ang schedule namin sa Monday dahil may flag ceremony pa kami.

Pag dating ko sa school ay pumunta ako sa locker ko dahil ilalagay ko doon ang gamit ko. Nag lakad-lakad nanaman ako dahil napaaga ata yung pag punta ko sa school. Habang naglalakad-lakad lang ako ay pinatawag ako ng Vice President sa school namin na si John. Pumunta na agad ako sa room ng officers at nakita ko syang nag hihintay.

"Angela pwede bang ikaw muna ang gumawa ng mga ito? Maaga daw kasi uuwi mamaya si Kenneth eh." sabi ni John sakin.
"Ok lang naman." sabi ko sakanya.
"O sige lalagay ko lang dito ang mga papers para mamaya dito mo na lang kunin." sabi ni John.
"O sige bye!" sabi ko sakanya agad dahil mag sisimula na ang flag ceremony.

*Skip da classes... So...Lunch time na*
Lunch time na at pumunta na ako sa table naming mga officers at kumain doon.
"Oo nga pala...Bakit mapapaaga uwi mo? Ngayon lang yun ah...." sabi ni Alex kay Kenneth.
"Basta private life ko na yon." sagot ni Kenneth kay Alex.

Hindi na nagsalita pa si Alex dahil may point naman doon si Kenneth.
So after lunch ay hindi kami dumiretso sa klase kundi sa office namin dahil kailangan namin mag meeting para sa upcoming na Sportsfest.
Iba rin ngayon ang sitting arrangement namin eh. Nasa tabi ni Henry si Kenneth pero ngayon katabi ko na si Kenneth. Triny kong mag focus sa works namin pero hindi ko kaya dahil katabi ko si Kenneth eh!!! So what naman?? Ay nako ewan ko! Basta ginawa ko na ang mga arrangement para sa Sportsfest at yung mga iba naman ay iba yung inarrange.

Dismissal time na namin ngayon. Kailangan namin mag stay ng late until matapos namin ang papers pero sabi ni Kenneth ay mapapaaga ang uwi nya ngayon. So dagdag sa work.

Usually 3:30 Ang uwi namin eh... Aabot na sana ako ng dismissal time pero kailangan ko rin tapusin yung paperworks na dapat si Kenneth ang gumagawa.

After 30 minutes past, finally natapos ko na rin ang work ko at uuwi na ako. Pagkauwi ko sa bahay ay hindi ko aakalain kung ano na yung nakita ko. Nandoon si Kenneth na may dalang mga bag at nandoon rin ang nanay ko.

"Anak, aalis muna ako ahh....Babalik rin ako. Si  Kenneth muna mag aalaga sayo dito ah...." sabi ng nanay ko.
"Nay kelan ka babalik?" tanong ko sakanya.
"Hindi ko rin alam eh...Basta promise ko sayo na babalik ako." sagot ng nanay ko.
Niyakap ko sya bago sya umalis at yun... Umalis na sya.

"A-Angela? Asan yung room mo dito? Sh-share na tayo ng room." sabi ni Kenneth sakin.
"Nasa itaas sa first room." sabi ko sakanya.
Umakyat na si Kenneth dala dala ang mga bag nya. At ako naman nanonood ng kahit anong Anime. Pero mahilig ako sa mga action, spiritual anime, sad love story anime, at comedy kasi cool iyon.

A Few Minutes Later, bumaba na si Kenneth na nakapambahay. Ang cool ni Kenneth pag naka sando lang omg!!!! Ahhh! Bat iniisip ko iyon? Stop it dirty minded jerk! Napansin ko na hindi pa ako nag bibihis kaya pag baba nya ay umakyat na ako para magbihis.

Kenneth's POV
Maganda-ganda rin pala tong bahay ni Angela. Hehehe... A Few Minutes Later, nakita ko si Angela nakapambahay. Ahh!! Ang cute nya hindi ko na kaya!! Kaya nanood na lang ako ng mga anime para ma cool off ako.

Angela's POV
Tapos na ako magbihis at tinabihan ko na si Kenneth sa sofa at nanonood kami doon ng anime. Your name ang pinapanood namin. Habang nanonood ay nilabas ko yung cellphone ko na ang phone case ay si Mitsuha galing sa your name. Nakita kong nilabas rin ni Kenneth ang phone nya si Taki ang nasa phone case nya. Namumula nanaman ata ako kaya tinago ko na lang ang phone ko at nanood ng anime.

A few minutes passed.... Inaantok na si Kenneth. Hindi ko namalayan na nakatulog na si Kenneth sa sofa. Gabi na rin kaya iniinit ko na ang mga canned foods na nasa cabinet dahil kakain na ako. Tulog na kasi si Kenneth at gutom na ako. So kumain na ako ng wala si Kenneth.

Pagkatapos ko kumain ay natulog na rin ako sa kwarto ko at nilagyan ko na lang si Kenneth ng kumot sa sofa dahil malamig pag gabi.

*Kinabukasan* (lololol)
Nagising na kami ni Kenneth at nag prepare. Sabay kami umalis kasi diba parehas lang naman ang pupuntahan namin. Hehehe.

"Tara na Kenneth." sabi ko sakanya.
"Bakit ang aga?" sabi ni Kenneth.
"Maaga ako umaalis eh..." sabi ko kay Kenneth.
"Ok fine...." sabi ni Kenneth sakin.

Umalis na kami papuntang school. Pagdating namin ay pumunta na agad kami sa room namin.

"Sabay pa oh! Anyare bat ganon?" sabi ni Alex samin.
"Nakatira lang kami sa isang bahay." sabi ni Kenneth sakanya.
"No wonder kung bakit magkapares yung phone case nyo." sabi ni Henry samin.
"C-coincidence lang iyon!!" sabi ko sakanya.
"W-wag nyo nga sya guluhin ng ganyan... Ano ba kayo..." sabi ni Kenneth sakanila.

Hindi na namin pinansin sila pagkatapos non at tinuloy na namin ang work namin.
Excepted kami sa klase dahil sa klase naming 7:00AM hanggang 3:30PM ay doon na namin gagawin ang final plan namin para sa sportsfest.

*time skip....boring .-.*
Tapos na kaming mag plano para sa event at pwede na rin umuwi. Sabay na kami umuwi ni Kenneth dahil parehas kami ng bahay.
Habang naglalakad kami pauwi, hay nako surrounded by girls kami dahil kay Kenneth.

"Hi Kenneth! Party tayo mamaya!" sabi nung isang babae
"Oo nga! Mamayang gabi!" sabi naman ng isang babae.
"Sinabi ko na nga sainyo diba! Hindi ako sasama sainyo kasi hindi naman ako interesado dyan!" sabi ni Kenneth sakanila.

Pagkatapos nun ay hinila ako ni Kenneth palayo sa kanila at umuwi.
Nasa bahay na kami ngayon. Hindi ko alam kung ano nararandaman ko basta feeling weird ako ngayon.

"Angela ok ka lang" malalang tanong sakin ni Kenneth.
"O-ok lang ako." sagot ko kay Kenneth.

Kenneth's POV
Nagseselos ba sya? Ang cute nya pag nagseselos omaygad! Tinabihan ko sya sa sofa at nagtanong.

"Angela nag seselos ka ba tungkol sa kanina?" tanong ko sakanya.
"H-hindi ah!" sabi nya sakin.
Alam kong nagseselos sya eh...Kasi hindi sya ganyan.. Ngayon ko lang ata syang nakitang ganyan.
Niyakap ko nalang si Angela.

Angela's POV
Niyakap ako ni Kenneth ng mahigpit.
"B-bakit? Ano yun?" tanong ko sakanya.
"Wag ka na magselos please." sabi ni Kenneth sakin.
"H-hindi naman ah... At bakit naman? Hindi naman tayo ah!" sabi ko.

Hindi na sumagot si Kenneth at niyakap nya na lang ako hanggang sa makatulog sya.

"Nag seselos talaga ako sa totoo lang" bulong ko.
"Sabi na nga ba eh..." sabi sakin ni Kenneth.
"Gising ka pa pala?!?" sabi ko.
"Oo naman. Curious lang naman ako sa mga sinasabi mo kapag tulog ako eh." sabi ni Kenneth.

Hindi na ako nakasagot sakanya at namumula lang ako doon. Hindi ko namalayan na nakatulog na si Kenneth for real this time.
Niyakap ko rin sya at nakatulog na rin ako.

God SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon