Chapter 3

70 7 0
                                    

Tapos na ang klase. May club pa pala ako. So magsisimula daw ang club in 1 hour. So nag tour muna ako sa school dahil hindi ko pa masyado alam yung place at wala na si Clara dahil magkaiba kami ng club.
So una kong napuntahan sa may bandang entrance ay ang faculty. So naglakad pa ako ng malayo layo dahil puro lockers ang daanan.

Yung pagdating ko sa bandang dulo dahil na explore ko na yung iba ay nakita ko ay isang abandoned classroom. Nakita ko dun si Kenneth.

"Kenneth okay ka lang? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.
"Ay wala lang. Tara! Mag basa muna tayo habang naghihintay tayo sa literature club!"
"Literature club ka rin?" tanong ko.
"Oo. Tara!" sabi nya sakin.

Pumunta kami sa library at kasama ko si Kenneth.

Kenneth's POV
Muntik na ako mahuli ni Angela. Bakit ayaw gumana ng magic ko?

Angela's POV
Ano kayang ginagawa ni Kenneth doon?
Pag katapos kong mag isip kung anong ginagawa ni Kenneth doon sa abandoned classroom ay sa wakas nakarating rin kami sa library. Umupo kami sa bandang dulo ng room.

"I'll be back okay?" ang sabi ni Kenneth sakin.
Umalis si Kenneth para mag hanap ng book na babasahin namin. Habang hinihintay ko si Kenneth, naririnig ko ang mga tao sa paligid ko na nag bubulungan. Pagkatapos nun ay nakita ko si Kenneth na may hawak-hawak na libro. Ang title na iyon ay God Spirits. Hmm interesting.

"Tungkol saan yang book na yan?" tanong ko kay Kenneth.
"Tungkol to sa mga God Spirits sa atmosphere." ang sagot sakin ni Kenneth.
'Ahhh alam ko na' sabi ko sa sarili ko.
"Ano yon?" tanong ni Kenneth saakin.
"Ahh...wala magbasa na tayo" sabi ko sakanya.
Nag basa na kami.

Parehas lang naman ng content sa totoong buhay pero akala ng mga tao ay fictitious lang yung book. Parehas yung content dahil alam ng publisher na totoo kami. Kasi ang publisher ng book ay ang isang traydor. Siya ay isa sa mga katauhan ko na na in love naman sa isang katauhan ni Shin. So yung relationship nila ay isang sekreto lamang dahil hindi tanggap ang ganoong klaseng relasyon. Kaya gumawa sila ng book tungkol sa anong nangyayari sa mundo namin at pinadala sa Earth dahil daw baka may tumulong pero wala. Walang tumulong dahil akala nila ay fictition iyon.

Yung nalaman namin iyon ay pina execute namin agad silang dalawa. Pero pag ang Gods na mag kaaway ay na in love sa isa't isa ay ma eexecute sila pati papatayin rin ung mga anak nila if ever meron. Pagkatapos non ay may bago ulit ipapanganak na itinakda na God Spirit. Kukuha sila sa Earth. Ilalaglag nila ang bata at ipapadala iyun sa atmosphere.

Narinig ko na nag ring ang school bell. Ibig sabihin ay literature club na.
"Tara na!" sabi saakin ni Kenneth.
Pumunta na kami sa literature club.

Kenneth's POV
Aghh!!! Naiinlove na ako kay Angela! Kung sakali man na sunduin agad ako ng mga katauhan ko ay kailangan kong protektahan si Angela.

Angela's POV
Tapos na ang literature club so pauwi na ako ng biglang lumapit sakin si Kenneth.
"Iuwi na kita" sabi ni Kenneth sakin.
"Ok na ako. Uuwi na ako magisa" sabi ko sakanya.
"Sige na pleasseee." sabi ni Kenneth.
"Sige na" sabi ko.
So inuwi ako ni Kenneth hanggang dumating kami sa bahay ko. Ahem! I mean bahay ni Angela.
"Ok dito na ako. Bye Kenneth!" sabi ko kay Kenneth.
"Ok bye!" sabi ni Kenneth.
Pagkatapos non ay umalis na si Kenneth.

God SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon