002 - Dark Orientation

2.6K 110 32
                                    

Nagulat ako nang biglang may magsalita sa buong building. Napahawak ako sa dibdib ko. Nakakagulat kasi.

Announcement ata!

************* CALLING ALL NEW AND OLD STUDENTS OF THE ACADEMY. WELCOME TO THE FIRST DAY OF CLASSES. MAY WE INVITE YOU TO A STUDENT ORIENTATION AT MARK ANTHONY HALL AT EXACTLY 9:00 AM. AGAIN, MAY WE INVITE YOU TO A STUDENT ORIENTATION AT MARK ANTHONY HALL AT EXACTLY 9:00 AM. THANK YOU. ***************************

" Kyaaaa!!! May orientation ba? "

Wala sa schedule ko shocks!

Dumaan ako sa banyo para mag-retouch.

Akala ko pa naman may klase na kami.

Isa pang pinagtataka ko, hindi ako nagenroll pero nasa official list of students ako. Nung tinawagan ko ang office at nagtanong, sabi nila kompleto na daw lahat ng requirements ko.

Wala rin akong list of subjects.

Well, makikita natin mamaya sa orientation.

" Hi!! Pupunta ka rin ba sa Mark Anthony Hall?" Bigla kong narining mula sa likod ko.

Lumingon ako at nasa harap ko ay isang babae, new student din siguro. Puno ng freckles ang pisngi nya pero mapapansin mo naman na maganda sya kung magaayos. Medyo maikli ang buhok nya at curly sa ilalim.

" Uhmm, oo , ikaw din ba? " Sabi ko.

" Oo,pwede bang sumabay sayo?" Tanong nya.

" Oo naman, Maribel Castro pala. " Sabay ngiti ko.

" Andrea Geron. " Ngumiti naman sya pabalik.

Dumiretso na kami sa hall. Halos puno na sa loob. Medyo nahuli na kami.

Umupo na kami at tahimik lang na dumaan sa ibang estudyante.

Nagsimula ang Orientation:

Nagdasal muna ang lahat habang nakatayo.

Tapos ipinakilala ang faculty. Nakakatuwa kasi ang babata ng mga teachers at may itsura din lahat.

Sunod naman ay ang Student Council na nakilala na rin siguro ng lahat kanina.

Pumunta ang Host ng program na ang nagiisang medyo matanda sa grupo. May salamin sya at medyo nakakatakot ang boses. Malalim at malamig.

" Dear Students, May sasabihin ang principal ng school sa inyong lahat. Lets give him a round of applause."

Nagpalakpakan naman ang lahat.

Pero nagulat kami ng katabi ko ng biglang nagsara ang lahat ng ilaw at lumiwanag sa stage.

Hindi namin makita ang principal. Pero may screen sa harap.

Ano to Via Camera??

At lumabas sa screen ang isang lalaking nasa isang madilim na kwarto. Nakaupo ito sa isang turning chair pero hindi mo makita ang mukha nya.

Parang sinadya na hindi talaga sya makita.

Ito ba ang principal?

***************

" Hi My Students. " Bati nito.

" Hi Sir! " Sabay sabay naman na sabi ng lahat. Kahit medyo natatakot ako ay nakibati narin.

Naku! Sang kulto ba ko napunta??

" Welcome to the new School Year. I formally welcome you to my school and im hoping that we will have the most harmonious relationship for the whole semester. "

" For old students. Be kind to our newbies. They need guidance and help. Do you agree?"

" Yess...." Sabay sabay ulit na banggit ng lahat.

" And for all the new. You all received a letter of invitation the school sent. And Im happy that you adhere to the call. Let me send my heartfelt gratitude. "

Biglang may narinig akong tunog fireworks at may bumagsak na mga petals ng roses sa buong Hall. Sobrang dami. Sobrang ganda!

Sobrang ganda!! Seryoso!

Napanganga nalang ako sa pagkamesmerize.

Alam mo yung pakiramdam na parang ang special mo? Ganun.

Nagpatuloy na ulit sa pagsasalita ang lalaki.

" Now, let me tell you a secret. "

" This is an Academy for Senior High. A usual academic institution to educate young people for college. But....."

Biglang tumayo sa upuan ang lalaki.

" .....we all have something in common. A special potential, a rare talent to be nourished. And not everyone is called for this opportunity."

" You. Have. A beautiful Heart and a sharp mind. Thats what the institution needs. And thats why you are here. "

" You have experienced, the hardest times, the deepest scars, the most painful heartaches. And you had it at your advantage. "

" We educate that heart. We nurture that heart. We take care of that heart. It is the most precious thing for us. "

" Give us your heart, and we will give it the best memories, the best feelings forever. "

" THIS IS THE SCHOOL FOR THE HEARTBREAKERS. THE ONLY SCHOOL FOR YOU. " Madiin na sabi nya.

Nagsigawan ang lahat at nagpalakpakan! Nakakagulat! Nakakbingi.

Ang old students naman, ang iba ay naluluha pa.

Ako naman. Nalalaglag ang panga.

Ano ba tong napasukan ko? Hindi ko parin maintindihan.

Pero bakit parang kinikiliti ang puso ko ng mga sinabi ng principal ng school. Bakit parang nasasaktan din ako?

Ayoko nang maalala iyon. Ang lahat ng iyon.

Ang mga naranasan ko ng high school.

Ang mga taong nanakit sakin.

Ang lalaking iyon.

Totoo ba na aalagaan nila ang puso ko?

"Players Academy"  COMPLETED❤ ( editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon