Nalunod ako sa mga mata nya.
Ang pareho ring tingin na nagpatibok ng puso ko noon.
Ang maamo nyang mukha na nagparamdam sakin na lagi akong ligtas kapag magkasama kami.
Pero ang mata rin nyang nanlamig nang iniwan nya ako.
>>> FLASHBACK<<<<<
“ Stephen! Tingnan mo to oh! “
Third Year High School niligawan ako ni Stephen at naging kami. Fourth year naman sya.
Kababata ko sya noon, ni hindi man lang ako nagkainteres sa kanya.
Pero isang araw umamin nalang syang mahal nya ako.
He was the sweetest thing that ever happened in my life.
He gives me flowers, chocolates, care and love. Walang makakapantay nun.
It was the best feeling in the world.
“ Ano yun Mab ko?”
Ayan tinawag na naman nya ako ng ganyan! Nakakalusaw kaya.
Nakakakilig, mas lalo kong nararamdaman na inaangkin nya ako bilang sa kanya....
“ Parang maganda ditong pumasok noh? Ateneo de Manila…hehe siguro marami akong makikilala ditong nasa top of the society. Kaya lang mahal siguro ang tuition dito. Ano sa tingin mo Stephen? “
“Hmmm…” Stephen.
Nakangiti lang sya habang tumitingin sa brochure na pinakita ko.
“ Kaw Steph? San ka magaaral ng Senior High? Gragraduate ka na this March diba?”
“ I have a school in mind. “ Hinawi nya ang buhok na tumakip sa mata ko at hinalikan ako sa noo.
Namula naman ako. (////./////)
“ Anong school??” Excited na tanong ko naman.
“ Basta, someday you will know.”
Then he kissed me on the lips.
It’s heavenly and sweet.
“Let’s break up. “ Bungad sakin ni Stephen sa waiting shed kung san madalas nya akong sinusundo galling sa school.
Malamig ang mga mata nya.
Madilim ang paligid.
Umuulan ng malakas at basang basa na rin ang damit nya.
Maitim ang ilalim ng mata nya. Hindi ko alam kung anong dahilan.
At kung bakit ito ang bungad nya sakin ngayon.
“ Ano?” Tanong ko nang may pagtataka.
“ Maribel lets break up. Ayoko na. “
Para akong binagsakan ng isang napakalaking bato na mas mabigat pa sakin.
Ang lalaking minamahal ko ng halos dalawang taon.
Ang lalaking nagparamdam sakin kung gano ako kaespesyal….
Ay sya ring lalaking magsasabi sakin ng ayoko na?
“ Hindi ko maintindihan Stephen, please explain.” Naramdam kong nangilid na ang luha ko.
“ Maribel. Just quietly go away. Wag mo nang saktan pa ang sarili mo. “ Walang emosyong sagot nya sakin.
“ Stephen….” Hinawakan ko sya sa braso. Hinila ko sya. Pumatak na ang luha ko.
Hinawi nya ang kamay ko at dahan dahang inilagay iyon sa tagiliran ko.
Will this be the last touch?.....Between us?
“I don’t want to love you anymore. Goodbye Maribel. “ At tumalikod na sya sakin.
I left my friends for him. Simula ng naging kami, iniwasan na ako ng mga kaibigan ko, dahil
naniwala sila na ginamit ko ang grupo para maging kami.
And I thought friendship lasts forever. And so I thought love also does.
Hinabol ko sya sa daan at niyakap sya sa likod habang umiiyak. Hoping that he will at least look back and tell me everythings ok.
Pero umalis parin sya at iniwan ako sa ulan.
Tama nga ang sabi nila…..” The greater the love…..the deeper the betrayal”
>>>>END OF FLASHBACK!<<<<
Kaya tinatanong nyo ako ngayon kung sasakay ako sa kotse ng lalaking ipinagtabuyan ako dati…
Well….hindi na no! Manigas sya!
Ang ginawa ko??
Sinipa ko ang kotse nya ng malakas!! Saka ako tumalikod sa kanya at tumakbo paalis.
Dyos ko. Isang minuto nalang po!!
Makahanap pa kaya ako ng kotse nito???????????
Kagat kuko akong naghintay ng isa pang kotse na sasagip sakin.
''''whoshh''''''''''''''''''whosh''''''''''''''''''''''''whosh'''''''''''''''
Dinaanan na ako ng maraming hangin pero wala paring tulong na dumadating.
Ito na! Five, four, three, two……….
>>>>>>>>…..Ihhhhhhhhhhhkkkkkkkkk<<<<<<<<<<
Dumating ang isang limousine na may tatak na Maybach Landaulet. Wow, nakakalula at nakakasilaw sa puti, kukunin naba ako ni Lord??! Wag naman po!
Tumigil ito sa harap ko. Kusang bumukas ang pinto ng kotse sa harap.
At ang laman?
“ Time is Up “. Kitang kita ko ang pagkurba ng linya sa gitna ng kanyang baba at nakangiting mga labi.
The King came for me.
Did he?.....
BINABASA MO ANG
"Players Academy" COMPLETED❤ ( editing )
RomanceKapag nakatanggap ka ng isang inbitasyong makapasok sa isang prestilyosong school sa Manila. Tatangapin mo ba ang offer? Eh Pano kung isa pala itong paaralan para MAGPAIBIG AT MANGWASAK NG MGA PUSO? ❤