Lumapit ako sa table kung nasaan si Stephen.
Hinila ko ang isang upuan at ibinagsak ang folder sa table habang hindi tumitingin sa kanya.
“Maribel….” Sambit nya habang nakatingin parin sakin. Marahil ay nagtataka rin sya sa ginagawa ko. Well, hindi naman sya nagiisa.
“ Hwag ka magassume. Nandito lang ako dahil kailangan kong sundin ang principal.”
“ Masaya parin ako.” Stephen.
This time napatingin ako sa kanya. Grabe. Hanggang ngayon ba ganito parin sya? Hindi parin ba sya nagsasawang paikutin ako?
“ Just shut up Stephen. “ Hindi ko napigilang lumabas sa bibig ko. Wala na akong pakialam ngayon kung napahiya o nasaktan ko ang ego nya.
Nanatili lang syang nakatingin.
“ Sige na, let’s start this damn interview. “
“ Ok…” Stephen.
Binuksan ko ang folder at binasa ang unang tanong na nakasulat.
“What did you feel about being the no. 1 student in the academy last semester?”
“ I was happy to be number 1, but broken as well.”
Kailangan ko bang mag why? Wala namang follow up question.
“ Why?”
“Because I hurt someone important to me.”
Next question.
“ Who is your inspiration for getting the top spot?”
Hindi sya sumagot.
“I’ll repeat the question, who is your inspiration…..”
“ Ikaw Maribel….”
Nasuntok ko ang kamao ko sa table.
“ Please answer properly Stephen, gusto mo ba talagang ito ang mapublish sa school paper?”
“ I don’t care. They can publish anything they like. “
“What are your secrets for reaching the top spot?”
“ Dedication, Commitment, Passion, and Vision. I think those are the things that moved me to study hard and exert much effort in my subjects. “
BINABASA MO ANG
"Players Academy" COMPLETED❤ ( editing )
RomanceKapag nakatanggap ka ng isang inbitasyong makapasok sa isang prestilyosong school sa Manila. Tatangapin mo ba ang offer? Eh Pano kung isa pala itong paaralan para MAGPAIBIG AT MANGWASAK NG MGA PUSO? ❤