001- Start of Nightmare

3.2K 116 52
                                    

Player's Academy.Ang pinakamahal, pinakaexclusibo at pinakamisteryosong school sa Manila. 

Ang guess what. Nasa tapat ako ngayon ng school na'to. 

I cant believe Im here. Syempre naman noh. 

Ordinaryong tao lang naman ako.

Teacher si Mama, si papa naman nagtatrabaho sa munisipyo. 

Katiting lang naman ang kinikita nila doon. 

Halos 300 lang nga daw taon taon ang tinatanggap dito. So 600 students lang lahat-lahat ang mag-aaral sa buong school year.  

Isa pa. Wala naman talaga sa plano ko ang pumasok dito. 

Kung di lang dahil sa sulat na natanggap ko nung isang buwan. 


*****FLASHBACK****

"Paaaa!! Maaa!!" Tawag ko sa mga magulang ko para bumaba sila ng hagdan. Nagtataka kasi ako sa natanggap kong sulat. Hindi naman ako nagapply sa pangalan ng ganitong school. Player's Academy? Weird name. 

Nakita kong bumaba si mama. Si papa pala ay nasa kusina at nagkakape. 

" Ano iyon Maribel? " Sigaw ni Papa sa kusina. Nararamdaman kong naglalakad narin sya palapit sakin. 

" Tingnan nyo po to. Inapply nyo ba ko sa isang school ng di ko alam??" 

Lumapit si Mama at tiningnan ang sulat na hawak ko. 

" Naku anak, magandang balita yan...may school ka na sa senior high!"

Tumaas ang isa kong kulay. Pag naaalala ko ang mga eskwelahan, parang nahihilo ako. 

Ayoko ng maalala ang high school life ko. 

At ngayon panibagong school year?

" Wow anak totoo ba yan!!? Galing sang school?" Lumapit narin sakin si Papa habang hawak parin ang kapeng iniinom. 

"Hmmm..." Tiningnan ko ang papel at pinagmasdang muli ang pangalan ng school na wari ba ngayon ko lang narinig. 

" Players Academy? "

" Wow. Players Academy..........ano anak!!! Pakiulit??" Papa.

"Players Academy po. " Ulit ko. 

Nabuhos ni papa ang iniinom na kape at para bang napaso. 

Napasigaw kami ni Mama. 

"Pa naman!!!"" 

Nagpunas si Papa ng bibig at ngumiti ng abot tenga. 

" Nak!! Nakapasok ka sa Players Academy!!! Lilipat ka anak, gaganda future mo dyan!!! " 

" Po??" Ano daw? Ni hindi ko nga kilala yung school ehh.

" Anak, maniwala ka sakin. Maniwala ka sakin."

———————End of Flashback—————————


Kaya ayan andito ako ngayon sa tapat ng...

ARRRHHHH!!!!! 

Ano yun!! Biglang may humila ng bag ko! Snatcherrr!!!!? 

Lumingon ako at nakita ang isang chinitong lalaki. In fairness pogi naman. 

" Hi! Welcome to Players Academy. " Ngumiti ang lalaki sakin ng sobrang tamis.

" Hi? Kaya lang, pwede ba hwag ka mangugulat? Akala ko magnanakaw ka na eh. " Hinablot ko agad ulit ang bag ko sa kanya at ngumiwi.

"Players Academy"  COMPLETED❤ ( editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon