"Sinong kausap mo?" I asked Aldrei pagkatapos nitong ibaba ang telepono.
He did not answer. Nagpatuloy lang sya sa pagddrive. Napansin kong malayo na kami sa city ng Baguio. Nakikita ko ang matatarik na daan at malagong kabundukan.
"Look Mr. Aldrei. I could imagine what happened to you. Kaya ka nagkakaganyan. But there are reasons kung bakit namin ginagawa to. It's not just everything you know. If you have time, I can tour you around and let you meet someone." I said trying to calm and console him.
" I don't need it, Miss. It's not beneficial for me. Just please shut up. I don't want to hear from you, or see you, or even talk to you." He replied.
I let out a frustrated groan.
King, please save me.
Hininto na ni Aldrei ang sasakyan at nagpark kami sa isang abandoned townhouse. Napalaki niyon at maraming pumapalibot na halaman. I saw another car parked nearby. Ito marahil ang kausap nya kanina.
He picked up his phone again and dialed a number. " Bro, andito na kami."
I facepalmed. Why is this happening?
Nagulat ako nang magbukas ang pintuan ng sasakyan sa left side ko.
" Get Out, Maribel."
I know this voice.
I looked up and saw him.
" Stephen?"
" Yes. Kilala mo pa pala ako?" Tugon nya.
Hinila nya ako mula sa sasakyan at inilabas ako doon.
" Salamat sa pag dala sa kanya, bro." sabi ni Stephen kay Aldrei.
" No problem. Teach that girl a lesson for me." He said. Then, he started his car and went away.
Tinangal ko ang pagkakahawak sa akin ni Stephen. " Ano to Stephen?! "
He forcefully held my hand again and dragged me to walk inside the house.
"You made me do this to you, Maribel." He said.
Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay iniupo nya ako sa sofa ng living room.
Ginulo ni Stephen ang buhok nya. Halata sa mukha nya ang inis. He looks so frustrated.
He looked at me. " Ano to Maribel? Akala ko ok na tayo ulit? Bakit? Bakit kasama mo na naman sya? Iniwan ka na nya Maribel! Hindi ka na dapat bumalik sa kanya! Bakit?!"
Sinipa ni Stephen ang table sa living room at bumagsak ang marble holder na nakapatong doon.
He is talking about King.
" Anong ok, Stephen? Akala mo ba babalik ako sayo? Akala ko magkaibigan na tayo ulit Stephen? I never thought na ganyan ang iniisip mo!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"We cannot be friends Maribel!"
Lumapit sa akin si Stephen at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon.
" I only loved you, Maribel. From the start, ikaw lang. At ngayong ok na ako, saka ka naman mawawala."
Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.
"I'm thankful, Stephen. Una kitang minahal. Pero naubos ako nun Stephen. Nakalimutan ko ang sarili ko nung iniwan mo ako. And I cannot love you again the way you want me to."
Hinawakan ako ni Stephen sa dalawang balikat ko. " Iniwan ka rin nya Maribel! Nasaktan ka rin nya Maribel! Pero bakit sya binigyan ng pangalawang pagkakataon? Sobrang unfair mo! Do you know that!?"
"Nasasaktan ako, Stephen!" Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nya sa akin.
Bakit nga ba? Si King, binigyan ko ng second chance?
Hindi nga ba natuturuan ang puso na tumigil na magmahal ulit?
Is heartbreak really an action, or a result?
Kung gano nga ba kalalim ang sakit, ganun din katanga ang pusong sumubok ulit sa taong nagbigay nun sayo?
Nagulat kami nang may kumalabog at bumagsak ang pintuan ng bahay.
"Maribel!!!" Narinig kong sumisigaw ang mga tao sa labas at nakita kong lumapit si King sa amin ni Stephen.
Hinila ni King si Stephen at sinuntok iyon sa mukha. Lumaban naman si Stephen at lumipad ang kamao nya sa mukha ni King.
Natauhan naman ako at lumapit sa kanilang dalawa.
"Tama na! King, Stephen itigil nyo yan!"
Dumating naman sina James, at Robi sa loob at pinigilan ang dalawa sa pagsusuntukan. Hinila nila ang dalawa at inilayo sa isat isa.
Lumapit sa akin sina Andrea at Georgina. " Ayos ka lang ba, Maribel?"
" Ok lang ako, don't worry." Sagot ko naman sa kanila.
Lumapit si James kay Stephen. "Ano bang pumasok sa kokote mo Stephen , ha!? Bakit mo kinidnap si Maribel! Nasisiraan ka na ba ng ulo??"
Kinuwelyo ni Stephen si James. " Oo! Nasisiraan na ako ng ulo. Dahil si Maribel bumalik na naman kay Zeus! Sa halimaw na lalaking yan!"
Nagtinginan sakin sina Georgina at Andrea. Nagugulat sa mga pangyayari.
Lumingon si James kay King, at bumalik kay Stephen. "Sinabi ko naman sayo dati. Maribel has him already. Give up." Bulong nya dito.
Tumayo si King at lumapit sa akin. Hinila nya ako palabas ng bahay na iyon. Hindi naman nakagalaw sila Georgina at Andrea dahil narin siguro sa gulat. Si James lang ang nakakaalam ng tungkol sa amin ni King. I stopped for a while to look at Stephen. " I'm sorry." I mouthed.
I saw his eyes water.
Bakit nga ba natin gusto parin bumalik-balik?
Kahit ilang beses na tayong sinasaktan?
BINABASA MO ANG
"Players Academy" COMPLETED❤ ( editing )
RomanceKapag nakatanggap ka ng isang inbitasyong makapasok sa isang prestilyosong school sa Manila. Tatangapin mo ba ang offer? Eh Pano kung isa pala itong paaralan para MAGPAIBIG AT MANGWASAK NG MGA PUSO? ❤