“ Anong problema mo Zeus!! “ Sigaw ko sa gulat na gulat na mukha ni Mr. Araneta. Ano pa bang gusto ng lalaking to? Umalis na nga ako sa academy para hindi ko na sya makita tapos makakasalubong ko lang pala sya dito sa mall at sinuntok pa nya ang tatay ko? Sobra na talaga!
Hinimas himas ko ang mukha ng papa ko naku grabe, magang maga ang pisngi nya. Huhu. Kawawa naman si Papa. Nawalan ito ng malay marahil sa pagkagulat. Hindi ko to mahahayaan.
Tiningnan ko ng matalim si Zeus at lumapit ako sa kanya. Pinatikim ko sa kanya ang isang mabigat na suntok sa mukha. Medyo sumakit ang kamao ko pero tama lang yun.
“ Nakakapikon ka na! Bakit mo ginawa yun?” Tanong ko sa kanya pagkatapos ko syang suntukin. Nakita kong nakayuko lang sya at parang sising sisi sa ginawa nya.
“ Im sorry……”
“ Yan nalang ba ang laging sasabihin mo? Sorry! Marami nang nangyari Zeus! Marami ka nang nasira. “ Kasama na ako dun.
Bumalik ako sa papa ko, inalalayan sya sa balikat at sinubukan syang alsahin. “ Tulong po!” Sigaw ko…
Lumapit si Zeus at tinangkang alsahin ang papa ko pero pinaalis ko ang kamay nya. “ Hindi ko kailangan ng tulong mo. “ Ako.
“ Please shut up for now Maribel. Please call this number. “ Binigay nya sa akin ang cellphone nya at nakalagay doon ay Dr. Jeffrey Alarcon. “ Tell him to go to your address. “
Matapos nun ay inalalalayan na ni Zeus si Papa sa balikat at inilakad ito para makalabas ng mall. Tinawagan ko ang doctor sa telepono at sinagot naman nito iyon. Sinabi ko sa kanya ang address ng bahay. Tinanong din nya ang pangalan ko at pagkatapos nun ay hindi na sya nagtanong ulit.
Si Zeus naman ay isinakay na si Papa sa taxi. Sumunod naman ako at sa katabi ako ng driver sumakay. Kagat kagat ko ang kuko ko habang nasa byahe. Kabadong kabado talaga ako. Pano kung may mangyaring masama kay Papa?
“The doctor is near this area, he’s there as soon as we arrive. “ Sinagot naman ni Zeus ang tanong na kanina parin bumabagabag sa akin.
Hindi na ako sumagot. Galit ako, galit na galit ako sa kanya.
Pagkarating namin sa bahay ay naroon na nga ang doktor. Pinagtulungang dalhin ng taxi driver at ni King si Papa. Inihiga nila ito sa sofa. Kinamayan na muna ng doktor si King at pagkatapos nun ay inexamin na nito si Papa.
Alalang alala naman si Mama kaya hindi sya mapakali. Palakad lakad sya sa kusina papunta sa sala para kumuha ng mga bagay bagay. Hindi narin sya nakapagtanong sakin kung ano ang nangyari dahil sa pagaalala.
Lumapit ang doktor kay Mama at may iniresetang gamot. Kinuha naman iyon ni King at marahil ay aakuin na nya ang pagbili ng gamot. Aba buti naman, kung di dahil sa kanya hindi magiging ganito si Papa noh!
Maya maya pa, gumising na si Papa hawak hawak ang kanyang kaliwang pisngi.
BINABASA MO ANG
"Players Academy" COMPLETED❤ ( editing )
RomanceKapag nakatanggap ka ng isang inbitasyong makapasok sa isang prestilyosong school sa Manila. Tatangapin mo ba ang offer? Eh Pano kung isa pala itong paaralan para MAGPAIBIG AT MANGWASAK NG MGA PUSO? ❤