“Ms. Castro are you ok?”
Nagising ako sa ulirat! Kyaaaa! Natulala ako bigla. Tiningnan ko ang lalaking nasa harap ko just to realize na hindi sya si King kundi isang lalaking around 30 years old. He is wearing eyeglasses pero hindi matatago nun ang karisma nito at malakas na personalidad.
Hindi si King…..hindi sya….ano bang nangyayari sayo Maribel!
Napansin kong ang third dance ko ngayong gabi ay si Dr. Palero ang Medical Coordinator ng School.
“ Ahh……..ok lang po ako….sorry... napansin ko lang pong ang ganda ng salamin nyo …halatang bago…” Lumunok ako sa pagsisinungaling.
“That’s good. Thanks for the compliment, youre right. I just bought it from Italy yesterday, I thought kailangan na kitang dalhin sa clinic. “ Ngumiti na si Dr. Palero at kinuha ang kamay ko. “ Shall we?”
“My pleasure Sir…” We danced under the music of Allure: “Last Dance”, hoping na hindi nalang ako nagising sa daydream ko kanina.
Honestly Im secretly wishing na sya talaga ang last dance ko ngayong araw….
Si Mr. Leon Zeus Araneta….hindi ko lang alam kung san nila nakuha yung King.
May isa pa akong tanong…sino naman kaya ang nagsponsor ng damit ko for tonight?
Kung andito sya, siguro naman lalapitan nya man lang ako para batiin.
Pagkatapos ng sayaw ko with the School Doctor, dumiretso ako sa table namin nila Andrea. Nakita kong wala doon si Andrea at si Carlo lang ang nandun. Maya maya pa, tinabihan sya ni Samantha, and student-council president at isa sa spice girls ng academy.
Bumulong si Carlo kay Samantha at tumawa naman ito ng malakas. Sa totoo lang kung titingnan mo, bagay silang dalawa- Two of the most promising students in the academy together.
Im just hoping na hindi muna bumalik si Andrea dito sa table.
Dahil sa nakikita ko…alam kong masasaktan sya…
Lumapit ako sa table at umupo sa tabi nilang dalawa. Napansin naman ako ni Samantha at binati ako.
“ Hi Maribel! Nice to see you…you look wonderful!” Samantha.
“ Thank you…” I smiled.
Alam ko namang mabait si Samantha kaya lang di parin maalis saking mainis ng kaunti dahil kaibigan ko si Andrea.
“ Oh sige Carlo, Maribel, mauna na ako… pupunta na partner mo dito…do well. “ She flashed a striking smile and left.
Nakita kong tumigil narin ang lahat sa pagsasayaw at umakyat na ulit ang host sa stage.
>>>>>>>>>> “ Nag-enjoy ba kayo Heartbreakers?” <<<<<<<<<<<<<
BINABASA MO ANG
"Players Academy" COMPLETED❤ ( editing )
RomanceKapag nakatanggap ka ng isang inbitasyong makapasok sa isang prestilyosong school sa Manila. Tatangapin mo ba ang offer? Eh Pano kung isa pala itong paaralan para MAGPAIBIG AT MANGWASAK NG MGA PUSO? ❤