“Hmmmm…!” Hindi ako makapagsalita.
Bitawan mo ko!
“ Maribel?”
Kaboses nya ang principal.
Naramdaman kong tinangal ng lalaki ang kamay nya sa bibig ko.
Inikot nya ako paharap sa kanya.
“ Ha…..hi…..” Tanging nasambit ko.
Patay na naman ako nito!
Nagsalubong ang mga kilay nya at tumingin lang sakin.
Napagod na siguro sya sa kakabanta.
He crossed his arms on his chest.
“ Come “
Pinapasok nya ako sa loob ng cottage.
Dumiretso sya sa kusina at kumuha ng tasa.
“ Dito ka ba nakatira?” Tanong ko.
“ Hindi ba halata. Im obviously on my sweats. “ Sagot nya nang hindi lumilingon.
Suplado naman nito.
Anyway, nakasando at jeans lang pala sya. Don’t make me ellaborate please. Baka pagpawisan ka din.
Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa. Medyo basa ang buhok nya kaya nagkulay brown ang red streak na part nito.
Aba, bakit? Sya lang ba may karapatan tumitig?
Im still wondering kung pano ang lalaking ito na kasing edad ko lang ay naging principal ng school nato.
“ What?” Tanong nya. Naramdaman pala nya ang pagtitig ko.
“ Wala lang. Nagtataka lang ako kung pano ka naging principal.”
Hala! Nasambit ko talaga. Pwede bang bawiin!
This time, lumingon sya sakin at ngumiti.
My heart skipped a bit.
Seems like, he already mastered the Art the Academy is talking about.
“I graduated at Harvard at the age of 16. And my family has connections and capital, madali lang para sakin magtayo ng school Ms. Castro if that’s what you’re wondering about. “
“Bakit nagtayo ka ng school na ganito? Are you a heartbreaker?”
Isa pa! Dyos ko naman Maribel, ginigisa mo na sarili mo nyan eh!
“I was. I am. And I will still be. “
“Bakit?”
“Because I want to.”
“ Bakit gusto mo?”
“ Dahil kailangan ko.”
“Hindi ko maintindihan.”
“You don’t have to understand. “
Lumapit sya sakin at binigyan ako ng tea. Kulay pula ito at may rose petals sa katabi ng cup.
“You also want to become one of us. You have your reasons, I have mine. For now, that’s everything you have to know. ”
Ininom ko ang binigay nya sakin. Masarap.
Tama ang hinala ko, it taste like rose and green tea.
“ Sya nga pala. Sino nagtanim ng mga bulaklak dito?”
Curious talaga ako. That’s one of the things I like at the Academy. It’s not everyday na makakakita ka ng mga halaman at bulaklak, lalo na sa Manila.
“You should sleep now Ms. Castro. Baka hindi ka magising mamaya sa dawn activity. Just a friendly advice, hindi ako nagbibiro sa banta ko sayo kanina Maribel.”
Ano?? Teka, may ganun ba talaga!?
Tumingin ako sa orasan. Its 12:10 Midnight.
“That rose tea will help you sleep.”
“Sorry nga po pala kanina ha? Hindi ko sinasadyang mabato kita ng gunting. “
“ I don’t accept sorry Maribel. It’s not written on my vocabulary.”
Ang labo talaga nitong lalaking to. Kala ko pa naman nagkakaintindihan na kami!!!
Kala mo ha! Pag nagging heartbreaker na ako, magtutuos tayo!!
“ Ok po Mr…….” Hindi ko pa pala alam ang pangalan nya!
“Zeus Leon Araneta. Some call me King.”
Palabas na ko ng pinto nang marinig ko syang nagsalita ulit.
“ Minus 10 points sa activity grade mo for trespassing, less 5 points for throwing me a scissor. You have 85 remaining points for tomorrow.”
Matapos nun ay tinulak nya ko palabas at sinarado na ang pinto.
Anooo!!!!!!!!!!!! Pano pa ako makakahabol nyaaan!!!!!!!!!!!!
>>>>>>>>>>>>>>>>>TOOOOOTOOOOOROOOTOOOOTTTTOOOOOOOOOOOOOTTTOOOOOOOOOT<<<<<<<<<<<<<<<<<<TOOOOOOOTHH TOOOOROOOOTTTTTHHHH TOOOOTH <<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
Nagising ako sa ingay ng parang sirang torotot! Paulit ulit ito sa pang-gigising.
Sino ba naman ang makakatulog pa sa ganitong ingay!!!
Tumingon ako sa orasan. Its 4am in the morning.
Today is the first Dawn activity sa Players Academy.
Wish me luck!! !
BINABASA MO ANG
"Players Academy" COMPLETED❤ ( editing )
RomanceKapag nakatanggap ka ng isang inbitasyong makapasok sa isang prestilyosong school sa Manila. Tatangapin mo ba ang offer? Eh Pano kung isa pala itong paaralan para MAGPAIBIG AT MANGWASAK NG MGA PUSO? ❤