CHAPTER 2
Chapter 2:Accidentally Bump’n
At the cafeteria...
Eanna Margaux PoV
Kagagaling ko lang sa locker ko para kumuha ng pera lunch na kasi 1 ½ hrs din ang lunch break namin. Nauna na si Nicole para makapag hanap na ng pe pwestuhan namin, on the way na ako sa canteen ng...
Kablaggg...
Natumba lang naman ako patalikod dahil sa may tatanga tangang bumangga sa’kin, actually, natumba KAMI, at ang awkward pa ng position namin naka ibabaw sya sa’kin, kaya pinag titinginan na kami ng mga dumadaan sa hallway papuntang canteen.
“Anu ka ba naman kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo!, dinaig mo pa ang hinahabol ng sampung kabayo. Next time gamitin mo naman yang mga mata mo! Stupid!” inis na inis kong sabi ang sakit kasi ng pag ka fall off ko,
“Miss ang harsh mo naman magsalita!, mag so sorry sana ako kaso what did you called me? STUPID?, who’s look stupid sating dalawa na hahara hara dito sa hallway at may I remind you there’s this rule we should always KEEP RIGHT when we were walking in this hallway, but then where you think you are right now?” nag pa linga linga ako at sa to my dismay nasa left side ako ng hallway, pero kahit na napaka arogante naman nya, nakakalimot tuloy ako sa mga reminder ni kuya.
“Excuse me Mister, baka pwede naman na tumayo ka na at umalis dyan sa ibabaw ko, ang gaan gaan mo kaya.” Sarcastic kong sabi sa kanya, agad naman syang tumayo at na realize ang awkward position namin kanina. At ng mapagtanto nya na pinag titinginan na kami at pinagbubulungan na ng mga nadaan, namula sya, wait what? Nag ba blush talaga sya? Tinulungan naman nya ako tumayo habang pulang pula sya.
Bigla naman akong nagbalik sa realidad galing sa pagka amaze ng nasaksihan ko na pamumula ni Mr. Unknown ko pa kung sino sya, at saka ko naman nakinig ang mga bulong bulungan ng mga bubuyog este mga tao sa paligid ko.
Who’s that stupid girl? Bakit nya binangga si Mr. Hunter Folkner?sabi ng isang babae na matabil ang dila hindi naman maganda. Ako stupid eh kung sila kaya ang tangahin ko.
Naku, baka sya mase sante...sabi naman ng isang lalaki na cute sana kaso kapos sa height, grabe na ang pagka laitera ko ngayong araw ah.
Naku dapat lang yan sa kanya, tatanga tanga.sabi din ng isang babae na mukhang rabbit dahil sa ngipin nya sa unahan dalawang malaki ba naman,dapat lang din siguro sa’yo yang itsura mo kasing sama ng bunganga mo.
Di ba nya kilala si Mr. Folkner naku stalker siguro ni Mr. Folkner?sabi naman ng isang babae na naman na mukha namang kawayan sa katangkaran, Eh, ako kilala mo ba ako? Mga ichoserang palaka talaga kayo.
Hay naku, bakit ba ang daming makikitid ang utak ang nag e exist dito sa mundong ibabaw? Kung di lang dahil sa mga reminder ni kuya papatulan ko na sila eh, but I love dad and kuya Enzo so I won’t do anything to them, I don’t want to be a disgrace to the family. I only have daddy and kuya na lang so kaylangan ko pagingatan.
“So, Hunter Folkner pala ang name nya.”bulong ko sa sarili ko
“Miss may sinasabi ka ba dyan?” tanung ni Hunter pala ang name.
Di ko na lang pinansin ang tanung nya, naglakad na lng ako papunta sa cafeteria, gutom na gutom na kasi ako at medyo bad trip na din.
“Wait, related ba sila ng Vice President nitong company na si Uncle Arthur?”bulong ko na naman sa sarili ko habang patuloy pa din sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Yesterday, Today, and Tomorrow
RomanceSa kasalukuyang buhay natin ngayon, mahirap ng maniwala sa love lasts forever, pero hindi natin aakalaing sa titagal tagal ng panahon simula pagkabata hanggang sa present time ay may isang tao na patuloy pa ring nagmamahal sa isang babae na nag ngan...