Chapter 34: Preparation...
Third Person's PoV
Naging busy na ang mga sumunod na araw nina Eanna at Tyler, after ng successful surprised wedding proposal.
They were preparing for they're upcoming wedding, four months from now. Lahat ay excited sa kasal ni Tyler at Eanna, bumalik na din muna Enzo sa France, at ganun din si Aenna sa New York.
Si Aenna ang magiging designer ng gown na susuotin ni Eanna sa wedding day nya, at syempre pati ang mga damit ng entourage si Aenna na ang bahala, papayag ba naman ito na hindi pagusapan ang grand wedding of a lifetime ng mahal nyang kakambal na si Eanna.
"Mahal ko ready ka na ba?" tanong ni Tyler kay Eanna, aattend sila ngayon ng seminar sa cathedral na pagdadausan ng kasal nila.
"Oo mahal, tara na?" inalalayan nya si Eanna papunta sa kotse na naghihintay sa drive way nila Eanna.
Ipinag bukas sya ni Tyler ng pintuan sa passenger seat. Pagsakay nito sa driver seat inayos nya ang pagkakasuot ng seat belt ni Eanna, kahit na sa simpleng sweet nothings nito para kay Eanna nakaka touch ng sobra, ganyan sya mag alaga kay Eanna, kaya feeling ni Eanna secured na secured sya kay Tyler. At pinaparamdam talaga ni Tyler kay Eanna kung gaano nya ito kamahal.
"Mahal ko, may pupuntahan pala tayo mamaya." pukaw ni Tyler kay Eanna.
"Saan mahal ko?"
"Basta mamaya mo malalaman, I love you mahal ko." paglalambing ni Tyler, halata namang kinilig si Eanna, nag blush kasi ka agad ang pisngi nya.
"I love you too mahal ko." sagot naman ni Eanna, hindi pa rin nawawala ang pagkaka blush ng kanyang mga pisngi, dahil pa rin sa lambingan nila ni Tyler na talaga namang kinikilig sya, sagad to the bones.
"Oi ang mahal ko kinikilig." biro ni Tyler sa kanya.
"Hindi kaya, guni guni mo lang yun Tyler." ganting pang aasar naman ni Eanna dito.
"Sus, tanggi pa eh tayo na lang namang dalawa, ang pula pula mo na nga eh. Kaya alam ko, na talagang kinikilig ka."
Feeling naman ni Eanna prang hinog na kamatis na sya na malapit ng sumabog dahil sa init na nananalaytay sa mukha nya.
"Hindi nga sabi eh." tanggi pa rin ni Eanna sabay palo sa braso ni Tyler ng mahina.
"Okay sabi mo eh, I love you mahal ko, mahal na mahal kita." ganyan ka sweet si Tyler may I love you na, may kasama pang mahal na mahal kita.
"I love you too Tyler Wind, mahal ko." sagot naman ni Eanna.
Inabot ni Tyler ang kaliwang kamay ni Eanna at hinawakan ito ng mahigpit habang nag da drive. Napangiti naman si Eanna sa simpleng mga gawi ni Tyler na ginagawa at pinapakita sa kanya.
Alam naman na ni Eanna na bahagi na talaga ng buhay nya si Tyler simula ng ipagkatiwala nya dito ang kanyang puso, at inaamin man nya sa sarili nya na hindi nya kayang wala si Tyler sa buhay nya, na mi miss nya ito ka agad, tila hindi kompleto ang araw nya kung hindi nya ito makikita at maririnig ang boses, si Tyler ay bahagi na ng sistema nya, na kung sakaling mawawala kahit kelan ay hindi na sya magiging buo pa kailan man.
Natatakot man sya sa kakaibang naidudulot ng pag ibig sa kanya, dahil lahat ng nararamdaman nya ay bago sa kanya, hindi nya pinigilan ang sarili nya o ang nararamdaman nya, dahil ayaw nyang magsisi sa huli na hindi man lang nya binigyan ng chance ang sarili nya na maging masaya. Sabi nga sa motto nya, love is not love without pain.
Natapos na ang seminar nila, at kasalukuyang bumabyahe, hindi pamilyar si Eanna sa rotang tinatahak nila.
"Mahal ko, saan tayo pupunta?" takang tanong nito kay Tyler.
BINABASA MO ANG
Yesterday, Today, and Tomorrow
RomanceSa kasalukuyang buhay natin ngayon, mahirap ng maniwala sa love lasts forever, pero hindi natin aakalaing sa titagal tagal ng panahon simula pagkabata hanggang sa present time ay may isang tao na patuloy pa ring nagmamahal sa isang babae na nag ngan...