Our honeymoon ends after two months, napakasaya namin ni Tyler, excited na din ang family namin sa pag uwi namin, hindi na kami makapag hintay sa sasabihin namin sa kanilang surprise, bukod kasi sa mga pasalubong namin sa kanila may mas maganda pa silang matatanggap mula sa amin, na for sure ikakaligaya nila.
"Hon, are you happy?" tanong ko kay Tyler na wala na yatang balak pakawalan ang kamay ko, malapit na kaming mag touch down, bitin man para sa amin ang two months, pero kailangan na din naman naming umuwi, mag sisimula na ang pagigi kong housewife sa pinaka mamahal kong si Tyler.
"I am the happiest man alive, having you in my life, and you made me contented and proud because in less than a year I will be a father to our first born."
I saw adoration and loving in the eyes of my beloved husband while saying that, and yes he will be a father, coz Im already 3 weeks pregnant. That will be our surprise to our family when we got home, and surely they will be delighted.
Pag labas namin sa arrival area, si Skyler at Aenna ang nag hihintay samin, nakangiti silang pareho na halos umabot na sa tenga nila, ang oa lang talaga ng dalawang ito.
"Welcome home, Mr. and Mrs. Folkner, how was the trip?" bati agad ni Skyler sa amin, ang oa pa ng pagiging formal nya, halata naman na parang nag papatawa lang saming dalawa ni Tyler.
"Tigilan mo na nga yan Skyler, ang feeler mo talaga, well sissy, kumusta?" kinastigo naman agad ni Aenna si Skyler, hay as usual wala pa ring pinag bago ang dalawa, sabagay two months lang naman kaming nawala.
Nagpatuloy kami sa kumustahang mag kapatid habang si Tyler at Skyler naman ay nakasunod samin dala dala ang mga bagahe namin, sa labas ay nag iintay na ang sasakyan namin pauwi. Agad kaming sumakay, sa bahay namin ni Tyler kami uuwi kung saan nag hihintay sa amin doon ang mga parents namin.
"Talaga bang se separate na kayo sa amin Eanna? Pwede naman siguro na doon na lang kayo sa bahay natin tumira. Ako lang naman ang nandoon saka si daddy at Althea."
Hanggang ngayon pinu push pa rin ni Aenna na sa mansyon pa rin kami tumira ni Tyler, ganun din ang parents ni Tyler, pero hindi nga pumayag si Tyler, ang sabi nya pa wala kaming titirahan ni both side, mas gusto nya na may sarili kaming bahay na dapat namang talaga."Napag usapan na natin ito Aenna, nakaka hiya naman kay daddy kong doon pa kami, but don't worry pupunta naman kami madalas doon."
Sumimangot na lang si Aenna bilang tugon sa akin, tatawa tawa na lang si Tyler at Skyler sa naging tugon ni Aenna."Aenna, kung gusto mo naman ikaw na lang ang tumira sa amin, Hahaha." bigla namang sabat ni Tyler, ngumiwi naman ngayon si Aenna habang mas lalong lumakas ang pag tawa ni Skyler, ang lakas lang talaga nitong asarin si Aenna, kaya naman matalim na tingin ang iginanti nya kay Skyler na nagpatahimik dito.
"Ayoko nga sa inyo, I've rather chose to be in State alone kesa naman araw araw akong mainggit sa inyo."
"Tayo na lang kaya ang mag sama." seryosong sabi ni Skyler, na ikinagulat ko, habang si Tyler ay poker face lang, nag hurumentado na naman tuloy si Aenna.
"Skyler tigilan mo ako ng mga ganyan ganyan mo ha, kung ikaw rin lang naman wag na."
"Ay ganun, ikaw pang choosy ha? Sabagay wag na nga siguro kasi baka alilain mo pa ako, ang sadista mo pa naman."
Napa tingin ako kay Aenna para sa kanyang reaksyon, nay nakita akong lungkot sa kanyang mga mata sa isinagot ni Skyler pero saglit na saglit lang sapagkat ikinubli nya ito kaagad at napalitan na naman ng nag pupuyos na inis kay Sky inabot nya pa ang distansya nilang dalawa para mahampas si Skyler, naka ilag naman ito, kaya lalong nainis si Aenna, I wonder nung umalis naman kami ni Tyler okay pa sila, what's the sudden thing happened while where away?
Pumasok na ang pick up sa malaking gate ng bahay namin ni Tyler, nag hihintay sa amin ang parents namin kasama si Althea, I miss Althea so much, noong nasa honeymoon kami ni Tyler madalas makipag facetime sa amin si Althea, at na kwento nya na may nanliligaw daw sa kanya, blooming sya ngayon, sinagot na kaya nya?
"Welcome home!" maligayang bati ng mommy ni Tyler sa amin, they welcomed us with a warm embraced.
"Kumusta ang honeymoon? Nag enjoy ba kayo?" tanong ni daddy.
"Opo nag enjoy kami, last stop namin is Davao." panimula kong kwento sa kanila habang papasok na kami sa may dining area, tanghali na din kasi kaya sa dining area na kami tumuloy para mag lunch.
"Kong tinanggap nyo na kasi ang trip to Maldives na regalo namin sa inyo, mas mag eenjoy kayo doon, imagine the beaches there." sabi ng mommy ni Tyler sa amin habang tila parang nag pa fantasize, she's really in love in that place, nag bakasyon kasi sila doon, na kwento nya sa amin yun noong bago pa man kami ikasal ni Tyler dahil nga inoffer na nya sa amin na ang gift nila sa amin ay trip to Maldives, na kaagad naming tinanggihan, kasi may plano na talaga kami noong mga panahon na yun ni Tyler.
"Mom, we'll going to consider your offer on our next vacay, so just reserved it or maybe Skyler will take it." makahulugang sagot ni Tyler sa mommy nya, napatingin naman ako sa kanya at alam ko na kaagad ang ibig nyang sabihin, para kaming mga ewan dahil sa simple naming usapan na kami lang ang nagkaka intindihan.
Tumuloy na kami sa dining area para magsalo salo ito na rin ang hinihintay naming tamang oras para I announce sa kanila ang maganda naming balita, I imagined their reaction in my head, it will be a blast for them, having a new family member in nine months time really excites me. Tumingin sa akin si Tyler habang busy ang lahat sa pagkain at pagkwe kwentuhan, alam ko naman na ang ibig sabihin ng tingin nyang yun na its about time na para malaman nila, kaya naman tumango ako sa kanya,sagot ko sa tingin nyang nakaka kilig.
"Family, Eanna is three weeks pregnant." Sabi ni Tyler, na ikinatahimik ng lahat, as in tumahimik silang lahat literally. Napa ngiti ako ng napaka lapad, their reactions is really priced less, this what I was talking about.
"What now family? Is this the reactions we deserved from all of you?" Tatawa tawang tanong ni Tyler, mommy nya ang unang naka moved on sa announcement namin.
"OH my GOD, its just that, oh no, magiging mamita na ako, I'm so excited." Exaggerated na reaction ni mommy. Tila naman nataohan na ang lahat, bakas na bakas sa kanila ang excitement.
Hindi naman nagpahuli si Aenna na sya daw dapat ang gagawa ng mga wardrobe ng kanyang beloved niece, as in niece talaga gusto nya ng baby girl pero kung baby boy naman daw okay lang din. Kaya naman nagtalo na naman sila ni Sky dahil nephew ang gusto nito.
"Hindi na lang kaya kayo ang gumawa ng sa inyo ng hindi nyo pag awayan ang magiging anak namin." Kastigo ni Tyler sa dalawa, na ikina ngiwi ni Aenna sabay irap ng mata kay Sky.
"Di bale na lang." Mataray na sagot ni Aenna.
"Aba't ikaw pa talaga Ang choossy sa ating dalawa." Bago pa man magka super saiyan sa dining table inawak na sila ni daddy.
Sa sobrang saya at excited ng buong pamilya namin, binabalak na ka agad ng parents namin ang baby shower, sila na daw ang bahala, hindi na kami naka angal dahil ipinapa alala na naman ng daddy at mommy ni Tyler ang tinanggihan naming trip to Maldives.
P.S.
Hiatus no more...
enjoy 😘
BINABASA MO ANG
Yesterday, Today, and Tomorrow
RomanceSa kasalukuyang buhay natin ngayon, mahirap ng maniwala sa love lasts forever, pero hindi natin aakalaing sa titagal tagal ng panahon simula pagkabata hanggang sa present time ay may isang tao na patuloy pa ring nagmamahal sa isang babae na nag ngan...