Chapter 35: Lame
Kiellum's PoV
Nakakainis! Bakit ba ang tanga tanga ko, bakit ako sumama sa kanya kagabi, tss baka kung hindi ako nagising agado baka nagtagumpay na yung baliw na babaeng yun na pikutin ako, at talagang nilasing nya pa ako. Pag babayaran nya ang pag attempt ng kabaliwan nya sa akin.
Ang sakit tuloy ng ulo ko bwisit, nadagdagan pa ng bago kong secretary na hindi ko alam Kong anu ba ang tumatakbo sa utak at nag de day dreaming ng maaga, hindi ko na alam kong anu na ba ang nangyayari sa sarili ko ngayon, napaka iritable ko, ang igsi ng pasensya ko, kaylangan ko ng pang pa relax, 'kalma kie, kalma muna.'
Maya maya pa pumasok na ang maganda kong secretary, halata sa mukha nya na dumidistansya sya sa akin, dahil siguro sa nasabi ko kanina.
"Sorry about what happened a while ago." panimula ko, ewan ko ba pero parang na guilty ako sa ginawa ko sa kanya kanina.
" Okay lang po Sir kasalanan ko din naman po." hindi pa rin sya makatingin sa akin ng deretso, natakot ko siguro sya sa pag sita ko kanina.
Isa pa din sa naka dagdag stress ko ay ang mga natuklasan ko sa kanya.
Juanna Maria Inocencia Flores, ang nag iisang heiress ng pinaka matagumpay na pharmaceutical company sa buong asya, hindi ko alam kong anu ba ang dahilan nya kong bakit kinailangan nyang mag apply bilang personal secretary ko.
Hindi ko din naman masasabi na isa syang ka kompetensya sa negosyo sapagkat napaka layo ng koneksyon niyon sa company ko. At ang mga dahilan nya ang kailangan kong alamin sa madaling panahon, nakapagtataka lang kasi ang credentials nya kaya pina background check ko sya ayon na rin sa protocol pero mas mahigpit sa kanya.
"Ahm Miss Flores may appointment ka ba after office hour?" tanong ko sa kanya, sisimulan ko na ngayon ang pagtuklas sa kung anu man ang dahilan nya kung bakit sya nag apply dito sa company ko. May pagka bigla akong na silayan sa mga mata nya pero naglaho din naman agad at napalitan ng pagtataka.
"Wala naman po Sir, bakit nyo po natanong?" atubiling tanong nya sa akin.
"Pwede mo ba akong samahang mag dinner?" tila namang may dumaang angel sa pagitan naming dalawa, she's staring without blinking at me, with puzzled face on her.
Hindi pa rin sya nakasagot kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.
"So ano sasamahan mo ba ako?" ulit kong tanong sa kanya, at parang natauhan na din sya sa kanyang pgkaka himbing.
"Ahm Sir, pwede ko naman po kayong samahan, pero bakit po ako?"
"Wala kasing gustong samahan ako lahat sila mga busy, Saka peace offering ko na din sayo about sa mga nasabi ko sayo kanina."paliwanag ko sa kanya sana makalusot ang napaka lame kong dahilan.
"Sir, I told you it's okay, and I know it's really my fault, you don't have to do that."
Parang nahihirapan pa yata akong malaman ang mga kailangan kong alamin ah, Tsk hindi talaga sya basta bastang babae.
"No, I insist." tipid kong sagot sa kanya, ewan ko ba nakaka bobong kausapan tong babaeng toh nawawalan ako ng mha idadahilan.
"If that's what you want Sir, dinner with you tonight it is."yun napapayag ko din dapat pala pwersahan na lang mas madali pa, pero baka nakahalata sya pag ganun, malalaman at malalaman ko rin ang motibo mo Miss JMIF.
*****
JM's PoV
Bakit ba kasi ang bipolar ni Kiellum my loves, pagkatapos nya akong galitan at ipahiya sa sarili, bigla biglang magiging mabait.
BINABASA MO ANG
Yesterday, Today, and Tomorrow
RomanceSa kasalukuyang buhay natin ngayon, mahirap ng maniwala sa love lasts forever, pero hindi natin aakalaing sa titagal tagal ng panahon simula pagkabata hanggang sa present time ay may isang tao na patuloy pa ring nagmamahal sa isang babae na nag ngan...