Tyler Wind's PoV
Napalingon ako sa side nina mama, at nakita ko si Eanna na ka aalis pa lang sa may table namin sinundan ko sya ng tingin. Maya maya pa kinumusta ako ni Kiellum.
"Tyler Wind Folkner, kumusta na ang badboy na doctor?"at talagang enimpasize pa talaga nya yung word na badboy. Pero honestly na miss ko din ang tripings namin nitong Kiellum na'to, pero nung nalaman ko kanina kay Skyler na nanliligaw pala 'to kay Eanna nakaramdam ako ng insecurities at inggit.
"Hmp, I'm good, badboy na psycologist." ganti kong bati sa kanya.
"Nag bago na ako, hindi na ako yung dating Kiellum Smith." oo nagbago ka na nga hindi ka na ganung ka angas gaya ng dati siguro dahil kay Eanna, iba talaga si Eanna kaya nyang baguhin ang mundo in no effort.
Nag tataka siguro kayo kung bakit parang may malalim kaming pinagsamahan ni Kiellum, oo matindi talaga ang pinagsamahan namin ni Kiellum pero hindi nyo pa ngayon ang tamang panahon para malaman nyo.
Pinakilala sa'kin ni Kiellum ang mga ka band member nya na nakilala kong sina Zassy at Yuan, nakipagkamay ako sa kanila.
"Siguro nga nagbago ka na talaga." walang ganang sagot ko sa kanya, wala ako sa mood makipag huntahan sa kanya, iniisip ko si Eanna san kaya sya nagpunta?
"Uncle Joaquin, saan po pumunta si Eanna?" hindi ko na napigilang tanung kay uncle Joaquin gusto ko na kasing makausap si Eanna miss na miss na miss ko na sya.
"Pumunta sya sa locker nya hijo." sagot sa'kin ni uncle at bumalik na ulit sa pakikipag usap kay papa.
Nagpa alam naman muna ako sa mga kasama ko sa table at sinundan kung saan pumunta si Eanna, pero bago ko pa man sya maabutan napansin ko na parang may mali, medyo patigil tigil si Eanna sa paglalakad at sa ilang sandali umuppo ito sa isang bench malapit na sa may entrance napansin ko din na medyo nanginging ang mga kamay nya habang minamasahe ang ulo nya, at na alala ko naman bigla ang kundisyon nya base sa nakikita ko baka inaatake sya ng symptoms nya kaya hindi na ako nagdalawang isip na lapitan sya at tabihan, pero hindi pa din nya minumulat ang mga mata nya kaya nagsalita na ako.
"Eanna okay ka lang ba?" nagulat ko yata sya kaya napamulat sya bigla at umupo ng tuwid.
"Okay lang ako lilipas din ito." halata naman sa kanya na nahihirapan sya sa nararamdaman nya.
"Nasan na ba ang mga medicine mo?" nag aalala na ako sa kanya.
"Nasa locker ko pupunta na nga ako dun para uminom eh kaso inatake nga ako kaya pinapalipas ko muna saglit."
"Anu bang locker number mo saka akin na yung susi mo ako na kukuha just wait for me here okay?" at hindi na naman na sya sumagot at inabot na lang sa'kin ang susi nya naka indicate na din naman dun yung locker number nya kasi card ang ginagamit na susi dahil di swipe ang kandado nila.
Tumakbo na ako papasok at mabuti na lang may direction ang papunta sa locker room ng girls kaya madali akong nakapunta dun. Nakita ko naman ka agad ang locker ni Eanna kasi nasa may bungad lang nagmadali na akong kinuha yung med kit nya at lumabas na din. Pagka kita ko sa kanya nakaupo pa din sya pero hindi na nakapikit ang mga mata nakatingin sya sa ibang dereksyon kaya hindi nya ako ka agad napansin.
"Eanna ito na uminom ka na." pukaw ko sa kanya madali din naman na ininom nya ang mga gamot nya.
"Salamat ha, pasensya ka na ha ngayon na nga lang tayo nagkita naging pabigat pa ako sa'y-."
"Okay lang yun, saka wag mo nga sabihin sa'kin na pabigat ka kasi kahit kelan hindi ka nagig pabigat sa'kin" pagtatapos ko sa iba pa nyang sasabihin. Hindi sya sumagot kaya nag patuloy ako sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Yesterday, Today, and Tomorrow
RomanceSa kasalukuyang buhay natin ngayon, mahirap ng maniwala sa love lasts forever, pero hindi natin aakalaing sa titagal tagal ng panahon simula pagkabata hanggang sa present time ay may isang tao na patuloy pa ring nagmamahal sa isang babae na nag ngan...