CHAPTER 37 THIS IS IT

94 3 0
                                    

Chapter 37: This is it...

Skyler's PoV

On the way na kami ngayon ni Tyler para mag pasukat ng gagamitin naming tux para sa kasal nila ni Eanna, as boys muna kami ngayon, kaming mga boys kasi ang naka schedule sa mananahi na recommended ni Aenna, although hands on talaga ito para sa kasal ng kapatid nya.

"Skyler maalala ko pala nakapag sabi ka na ba kay Aenna ng feelings mo?" pukaw ni Tyler sa akin, nakasakay kasi sya sa passenger seat at ako ang nag da drive.

Isa pa din yun sa inaalala ko, parang dehado talaga ako kay Aenna kaya nga hanggat maari di ko pinapalalim yung nararamdaman ko sa kanya na pwedeng mag lead sa akin for getting hurt.

"Hindi pa eh, ewan ko ba pero parang wala talaga syang interes sa akin."

"Panu mo malalaman kong hindi ka magta try na sabihin sa kanya, ganyan na lang ba kayo? Ganyan ka na lang ba pakikiramdaman mo na lang sya?" tinamaan ako sa sinabi ni Tyler, tss akala ko sya na ang greatest torpe dahil sa ilang taon nyang tiniis yung nararamdaman nya for Eanna, pero hindi pala, ako pala yung mas torpe sa aming dalawa dahil sa ka torpehan ko nagiging negative thinker na ako, at sa katorpehan ko na duduwag ako, o sadya lang talagang duwag ako. Haisst hindi ko na maintindihan ang mga sumasagi sa isipan ko.

Duwag nga siguro ako.

"Kumilos ka na hanggat di pa huli ang lahat. Wag mo kong gayahin na muntik ng maunahan." pabiro ng sabi sa akin ni Tyler; oo alam ko naman talaga na possibleng ganun nga ang mangyari kong magpapatuloy pa ako sa ganito, pero ramdam na ramdam ko naman kasi na tamang parang kapatid lang talaga ang turing nya sa akin.

Kaya nga hanggat maari pinipigilan ko tong nararamdaman ko, di na ako nag attempt na palalimin pa.

"Hindi ko na alam bro, kasi sa totoo lang hanggat maaari pinipigilan ko na yung kung anu pa man yung pwede kong maramdaman sa kanya na mas higit pa sa nararamdaman ko ngayon, kasi hindi man nya sabihin sa akin directly, ramdam ko eh, ramdam ko na hindi naman nya ako mahal ng gaya ng nararamdaman kong pagmamahal sa kanya." mahaba kong paliwanag sa kanya, tinap na lang nya ang balikat ko bilang sagot nya.

"Isa pa ayoko namang ipilit ang sarili ko sa kanya, kasi kong sakali mang pagbigyan nya ako pero alam ko namang hindi sya sa akin sasaya, anu pa ang magiging silbi nung pagmamahal kong pinaglalaban sa wala, hindi ba?"

"Naiintindihan kita, wag kang mag alala alam naman natin na may tamang babae na nakalaan para sa atin, hindi man sya yun dadating at dadating na lang yun."

Natahimik na kaming dalawa, habang ako'y inaaliw ang utak sa pakikinig sa music sa stereo para ma divert ang utak ko kahit papaano, para na din hindi na masyadong sumagi sa isip ko ang suliranin ko kay Aenna.

Kiellum's PoV

Na i discuss ko na sa kanya ang dapat kong ipagawa, kahit pa na sabihing may hidden agenda ako sa kanya, totoo din naman na may agenda akong dapat sabihin sa kanya na related sa company, pero oo front ko lang yun, dahil ang kailangan ko talagang tuklasin ay ang kanyang agenda kong bakit mas pinili nyang magtrabaho sa akin, and the reason behind that.

Nag ke kwentuhan lang kami ng kung anu anu, napalitan ko na din ang iniinom namin na wine to scotch, oo hard ang scotch pero mainipin ako kaya kailangan ko na mag madali, okay lang naman din sa kanya by the way.

Pansin ko medyo tipsy na sya dahil na rin sa pamumula ng kanyang mga pisngi, hindi siguro sya sanay uminom, naisip ko na lang.

JM's PoV

Medyo napaparami na rin ang naiinom namin ni Kiellum, drinking buddy lang yata siguro ang kailangan nito ngayon, dahil na rin sa mga suliranin na kinakaharap nya sa kanyang kompanya base na rin sa kine kwento nya sakin, pero bakit ako ang napili nyang kainoman? Nandyan naman ang mga kaibigan nya na mas gugustohin pa nyang maging kainoman kesa sa akin, talagang malakas ang pakiramdam ko na may nilulutong kong anu itong si Kiellum na posibleng sa huli ay pag sisihan ko rin, pero kong sya rin lang naman ang magiging main subject ng posible kong pag sisisihan, I think he's my sweetest regret, in that way it's not a regret at all.

Yesterday, Today, and TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon