CHAPTER 26 KEEP BREATHING...

192 10 11
                                    

Chapter 26: Keep Breathing...

Kiellum's PoV

Pagkagaling namin sa airport, umuwi na kami, dumiretso ako sa kwarto ko, gusto ko munang mapag isa, alam ko naman na mauunawaan ako nina Zassy at Yuan, alam nila na pag may mabigat akong problema mas pinipili ko munang mapag isa, gusto ko kasing ianalyze muna sa sarili kong pamamaraan ang problema ko, at pag okay na ako saka ko i she share sa kanila yung pinagdanaanan ko at kung gaano ako nasasaktan.

Pag pasok ko sa kwarto ko mas lalo akong nakaramdam ng kalungkutan at kahungkagan.

Isa pa hindi maganda ang pakiramdam ko, sobrang sakit na ng ulo ko feeling ko eh parang bimibiyak sa sobrang sakit, dala siguro ito ng pag iisip ko, dumagdag pa ang kalungkutang naghahari sa puso ko.

Naisip ko na naman si Eanna, sabagay wala namang oras na nawala sya sa isip ko.

Wala na talaga na talaga siguro akong pag-asa sa kanya.

Hindi ko alam kong kakayanin ko pang mabuhay kung hindi rin lang naman sya ang makakasama ko habang buhay.

Pakiramdam ko mag isa na lang ako, parang wala ng kwenta ang buhay ko, oo sabihin nyo man na ang tanga tanga ko na nagpapakatanga ako, wala na akong pakialam, ganito ako eh, ganito ko sya kamahal.

I can't  handle this feeling anymore, sobrang sakit na.

I can't take this any longer.

Ayoko na sawa na akong mabuhay, at patuloy na masaktan.

Suko na ako.

Isa lang ang paraan upang matapos na itong sakit at lungkot na lumulukob sa pagkatao ko...

Ang bigat na talaga ng pakiramdam ko, emotionally and physically.

Kinuha ko ang botelya ng gamot sa drawer ng bed side table ko.

Nanginginig na ang mga kamay ko habang nagsasalin ng gamot sa palad ko.

Hindi ko na talaga kaya.

Suko na ako.

Hindi ko na talaga matitiis pa.

Hindi ko na nabilang kong ilang piraso ba ng gamot ang nainom ko.

Ang tanging intensyon ko lang ngayon ay mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Sana umepekto na kaagad ang gamot na ininom ko.

Para makapagpahinga na ako, pagod na pagod na ako.

I noticed that I didn't change my clothes yet, basang basa pala ako, kung hindi ko pa naramdamang nilalamig ako dahil na din sa aircon, hindi ko pa maiisipang magpalit.

Pero bago pa man ako makahakbang sa kinatatayuan ko papunta sa closet ko, nakaramdam na ako ng matinding pagkahilo, at panghihina, bumagsak ako sa kama ko yun ang huli kong naramdaman, at mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na namalayan, nag passed out na ako ng tuluyan.

Third Person's PoV

Mabilis na naisakay si Kiellum sa stretcher pagka baba sa kanya sa ambulansya para maipasok sa Emergency Room.

Tumulong naman sa pagtulak ng stretcher sina Yuan at Zassy.

Pagkarating sa tapat mg E.R. hindi pinayagan ng nurse sumama pa yung dalawa sa loob.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo, off limits na po kayo sa loob, pakihintay na lang po mamaya ang doctor para malaman nyo ang findings."   paliwanag mung nurse kina Yuan at Zassy.

Yesterday, Today, and TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon