CHAPTER 36 NO HESITATION

89 5 3
                                    

Chapter 36: No Hesitation...

JM's PoV

Naguguluhan talaga ako sa ina akto ni Kiellum, bakit bigla biglang yayayain nya akong mag dinner na, oo na hindi ko tinanggihan, tanggi pa ba ko eh chance ko na toh, isa sa mga pangarap ko

toh,  at natupad nga ang isa sa mga pantasya ko, pero hindi ko naman inakala na masusundan pa ang fulfillment ng mga pantasya ko ng yayain naman nya akong sumama sa condo nya, alam ko naman na there's something, something I can't explain about him, pero bahala na yang something na yan.

Hindi naman ako mangmang para hindi mahalata na may nilulutong kong anu si Kiellum sa mga pinapakita at ginagawa nya ngayon sa akin. And that's my new task to find it out.

Papasok na kami ng building ng condo nya na unfortunately eh condo ko rin, binati kami ng guard na halata sa mga mata ang pagtataka, medyo ka close ko kasi si manong guard at lagi kaming nag babatian pag pumapasok o lumalabas ako ng building, nilakihan ko sya ng mata para wag ng mag tanong pa kasi halata naman sa hitsura nya na gusto nya akong tanungin at mabuti na lang at naintindihan nya ang inakto ko sa kanya, medyo may pagka chismoso kasi tong si manong guard, chos, haha.

Habang naglalakad kami sa lobby hinawakan nya ako sa braso ko, napapitlag ako sa ginawa nya Tila kasi nakuryente ako sa init ng mga palad nya sa braso ko, napangiti naman ako sa loob loob ko sa isiping,

'shet lang hinawakan ako ni Kiellum ko.'

Nandito na kami sa loob ng condo nya, umupo muna ako sa white couch nya, malaki itong unit nya kumpara sa unit ko, at dinaig nya pa ako sa sobrang linis at organize ng unit nya, wooden brown white and black ang kulay na makikita mo sa paligid.

Nakita kong dumeretso sa mini bar si Kiellum, maya maya pa'y bumalik na ito na may dalang dalawang kopita at wine, ipinatong nya sa center table.

Hindi ko naman napigilan ang aking matabil na dila na mag komento patungkol sa aking mga nakikita.

"Sir, sigurado po ba kayong ikaw ang nakatira dito?" pagbibiro ko, alam na alam ko naman na sya ang nakatira pero hindi talaga kapani paniwala na ang isang bokalista na rocker ay ganito ka ayos at kalinis sa mga bagay bagay.

"Psh, at sino naman ang inaakala mo na nakatira dito? Eh nakita mo naman na ako ang nagbukas ng lock diba."

Tila iritado na naman itong poging bipolar na ito, bakit na naman kaya?

"Sorry naman po Sir nagtatanong lang eh."

"I told you to call me Kiellum."

"Sorry again Kiellum."

Sinalinan nya ng red wine ang dalawang kopita at ang isa ay ibinigay sa akin.

"Kiellum anu nga pala yung i di discuss mo sa akin." pagbasag ko sa katahimikan. Mataman naman syang tumungin sa akin tingin na nakaka ilang, feeling ko kasi inuuri nya ako in his way of staring toward me. And it gives me a goosebumps inside.

Inabot nya sa akin ang isang kopita, umalis muna sya at pumasok sa isang kwarto hindi din naman nagtagal at bumalik na din sya, may dala dala syang envelope.

"Na re sched ang board meeting by next week, and I need you to revised this, sa lahat ng empleyado ko ikaw ang pinagkakatiwalaan ko dahil sa ikaw ang personal secretary ko." inabot nya sa kin ang envelope, tiningnan ko ito.

Sales, net worth, assets ito ng company. Pero ang ipinagtataka ko bakit kailangang i revised?

"Siguro nagtataka ka kung bakit kailangang i revised, hmp halata naman sa expression mo eh, I'll explained it to you, there's an anomaly in my company one of the board member illegally shifting cars from other country then selling it by company's name, and I don't want to be involved in illegal transaction. That's why I want you to do that, in that way it will caused a shaking in his illegal business. Did you got my point?"

Yesterday, Today, and TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon