Chapter 29: Life must go on, and on, and on...
Third Person's PoV
Pagka discharge ni Kiellum sa hospital, after 5 days of confinement naka uwi na sya, bumalik na din ang mommy nya sa U.S. hindi naman na nauwi sa Typhoid fever ang mataas na lagnat nya.
Nung mga panahon naman na naka confined sya, hindi naman pumalya sa pagbisita si Eanna, lalo na sina Yuan at Zassy silang dalawa rotational na nagbabantay kay Kiellum, pag minsan nga sabay pa si Tyler at Eanna, dahil si Tyler ang doctor na naka assigned sa kanya, kahit na nasasaktan pa din si Kiellum, unti unti naman na nyang natatanggap na hindi talaga para sa kanya si Eanna, at hindi sya ang makakapag pasaya kay Eanna, kundi si Tyler lang.
Pero nag iba na ang ugali ni Tyler after nun, bumalik sya sa pag gimmick gimmick, kung dati hindi na sya nasama sa mga pag ba bar hopping nina Yuan at Zassy, ngayon sya pa ang nagyayaya sa dalawa.
Sa araw ay busy sya sa pag mamanage ng company na binigay sa kanya ng daddy nya, sa gabi naman ay balik sa dating buhay nya nung sa U.S. pa sya nag e stay, mag bar hopping, uminom, mambabae.
Naging instant playboy na naman si Kiellum in a blink of an eye, siguro yun ang defense mechanisms nya against to the pain that subsides in his heart.
Nagbago lang naman sya dati ng makilala nya si Eanna.
"Good morning Mr. Smith, nasa H.R. na po ang mga applicants for secretarial position, papapuntahin ko na po ba isa isa para ma interview nyo na?" tanung ng temporary secretary ni Kiellum, kadadating lang kasi nya.
"Okay, just give a couple of minutes, I'll scan their resume first, then I'll tell you if mag interview na ko."
"Okay sir."
Enzo Bryle's PoV
Nakaka boring naman, anu ba pwedeng gawin?
Na accomplished ko na yung kay Sofia.
Ah, alam ko na, makapag bar hopping na nga lang ng may magawa ako ngayong gabi.
Mabuti pa yayain ko na lang ang aking mga best buddies, sina Piolo Patrick, Cess Pilicarpio and Aleckxia Garcia, mga friends ko sila dito, at kapwa pinoy din.
(Hello, oh watzup Enzo?) — Piolo.
"Piolo, tara bar tayo tonight, tawagan mo na din sina Cess at Alex."
(Sige, game ako dyan, see you tonight, sa dati lang ba?)
"Oo."
(Sige, bye.)
Sofia's PoV
Ang tagal naman ng dalawang yun, sinasabi ko na nga ba, pag hihintayin na naman ako dito, masyado kasing mga obsessed sa mga desingns ng signature brand na A/M.
Dumiretso na ako sa counter at umupo sa high stool at umorder ng tonic, mataas naman ang alcohol tolerance ko, kaya alam ko na hindi ako ka agad malalasing.
Nakaka limang shots na ako, wala pa rin ang dalawa kong kaibigan kung sino sino na nga ang lumapit sa akin para makipag kilala pero inisnob ko silang lahat, bahala silang mahumaling sa alindog ko, bwahahaha wala akong oras para sa kanila.
Bago ko pa mainom ang pang anim na shot ko, sa wakas ng panahon dumating na din ang dalawa kong kaibigang ay ewan.
"Oh Sofia kanina ka pa ba?" — Roselle.
"Hindi, hindi kakaupo ko pa lang mga one hour pa lang akong nakaupo dito." kakainis *insert sarcasm.
"Sorry naman sis, traffic kasi." psh, ako pa ang palusutan nitong si Diacin, hindi naman kapani paniwala.
BINABASA MO ANG
Yesterday, Today, and Tomorrow
RomanceSa kasalukuyang buhay natin ngayon, mahirap ng maniwala sa love lasts forever, pero hindi natin aakalaing sa titagal tagal ng panahon simula pagkabata hanggang sa present time ay may isang tao na patuloy pa ring nagmamahal sa isang babae na nag ngan...