SSML1.

1.2K 18 1
                                    



——
What was happen earlier still a shock. An arrange marriage with Lance. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi. Its an advantage because he will be mine but the thing is, alam kong hindi nya gusto. And he will never care at all. Hindi sigurado ang kasiyahan ko.

Pero dapat ko pabang intindihin yung nararamdaman ko? Nagawa ko ngang magmukhang tanga para lang mapansin nya kahit alam kong tanga na talaga ko. Bakit di nalang ako sumabay sa agos at hayaan nalang. Atleast i can make this situation para mas mapalapit ako kay Lance. Hindi naman masamang umasa sa baka sakali diba?

At alam kong mas pabor naman sakin ito eh. Dahil mas magkakaroon ako ng chance na ipakita kay Lance na totoo at mali sya ng pinili. Ipakita sa kanya na nagsasabi ako ng totoo. Malilinis ko na rin ang pangalan ko sa kanya at bumalik na yung dating kami. Matagal tagal na din kasi.

"Akin na nga yan! Wag nga kayong pasaway!" sigaw ko sa mga kaibigan kong si Angela at Tony habang pinilit na inaagaw ang diary ko sa kanila. Natatakot ako na mabasa nila yung nasa diary ko. Kami lang tatlo yung nasa loob ng room ng mga oras na yon.

"Hayaan mo na kasi kami Charmaine! Kami lang naman ni Tony makakaalam eh. Mapagkakatiwalaan mo kami!" pagkumbinsi nila sakin.

"Sige na nga!" sagot ko dahil napapagod na din ako sa pag agaw ng diary ko. "Walang makakaalam ha!" dagdag ko pa.

"Dear Diary," pagsisimula ni Tony sa pagbabasa. Malakas yung pagkakabasa nya. "Masaya pala magaral lalo na pag lagi mong nakikita yung inspirasyon mo at bumubuo ng araw mo."

"Hinaan nyo lang naman boses nyo oh! Baka may makarinig satin!" saway ko sa kanila.

"Tayo lang naman andito sa room Charm! Mamaya pa start ng class!" sabat naman ni Angela. Ang kukulit talaga! Alam kong wala nakong magagawa!

"Diary, sana dumating yung oras na masabi ko kay Lance yung nararamdam ko. Magustuhan nya kaya ako? Mahal ko na kasi si Lance eh. Mahal na mahal ko si Lance. Sya—"

"Sinong mahal na mahal? Ako?!" Napatigil si Tony pagbabasa ng biglang dumating si Lance at nagtanong.

"Ah—eh!" hindi makasagot si Tony. Halatang kinakabahan din sya.

"May gusto ka sakin Tony?" tanong ni Lance. Kinakabahan ako ng mga oras na yon dahil baka sabihin ni Tony na sa akin yung diary na binabasa nya. Hindi pa ako handa na malaman ni Lance na may gusto ako sa kanya. Hindi pa oras para malaman nya!

"Uhm—yes?" nagdadalawang isip na sagot ni Tony. Nabigla kami ni Angela sa sagot ni Tony. Hindi nya ako binuko.

"Seriously?" agad na tanong ni Lance. He seem so shock. Shock but glad inside. I dont know.

"Lets go girls!" aya ni Tony. At agad syang tumakbo palabas at sumunod kami. Napatingin pa ko kay Lance bago lumabas ng room. Ang gwapo nya talaga.

"Omy! What just happen?!" tanong ni Tony ng makalayo na kami kay Lance.

"Ikaw kasi Tony! Bakit binasa mopa ng ganong kalakas!" paninisi ni Angela.

"Im almost caught. Thanksgod you saved me Tony!" i said with relief. "Akin na nga yung diary ko! Pahamak talaga kayong dalawa!" sisi ko sa kanilang dalawa.

"Wait!" Tony stopped. "Naiwan ko ata yung diary sa room! Shet!"

"Ugh! Tony!" malungkot at bagsak kong salita. Paano nalang kung makuha at mabasa ni Lance lahat ng nakalagay sa diary ko? Paano nalang kung malaman nya!

"Sorry Charm! Lets go back! Im sure its still there!" Tony said.

"Yah, lets go!"

Bumalik kami sa room at andun na yung ilan namin mga kaklase. Hindi din namin mahanap yung diary ko. Hinanap na namin kung saan at naipagtanong pero wala talaga! Wtf! Bahala na nga! Wala na kong magagawa!
——

After that incident mas naging maingat nako. I dont know why. Natatakot akong malaman ni Lance na gusto ko sya. Natatakot ako na mareject nya.

Days passes when something came up and leads me to hope and thinks that i have a big chance,

"Class dismissed." agad na nagtayuan yung mga kaklase ko para tuluyan ng lumabas sa room para maglunch break na. Im about to leave kasama si Angela and Tony pero....

"Charmaine..." Lance said. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ang gwapo nya. Sobrang kinikilig ako habang kaharap ko sya. Bakit nya ako biglang tinawag? We are not close but why?!

"Y-yes lance?" utal kong tanong. Omg! What will going to happen.

"Im asking you for a lunch. Sabay na tayo?" tanong nya. Why is he suddenly asking me para sumabay sa kanya sa lunch? Shet ano ba talagang nangyayari! Kinikilig nako.

"Sabay sabay kasi kami nila Tony maglunch eh." pagtanggi ko. Masyado pa akong nahihiya.

"Can i join yo—" he cut.

"Sure Lance! Charmaine will join you sa lunch! May pupunta pa kami ni Tony eh." Biglang nagsalita si Angela.

"Ah—i see." Sagot ni Lance.

"Uuna na kami Charm! Bye!" tapos biglang hinila ni Angela si Tony and umalis na sila. Nakatingin lang ako sa kanila and halatang mas kinikilig pa sila sakin hahaha.

"So lets go? Charmaine?" Pag aya nya. I cant believe this is happening!

"Uh—yah sure!" nauutal kong sagot. This is pansit! Napapansin nako ni Lance! Ito na nga ba yung simula para mapalapit ako sa kanya? Ito na ba talaga?! Shet!

Sa Canteen kami kumain ni Lance and he treat me for my lunch. Tumatanggi ako pero he keep on insisting na okay lang. We have some funny conversation and medyo mas nakilala pa namin yung isat isa. Madali pala syang makaclose. Masayahin sya and madaldal kaya hindi ko maiwasang mas mafall sa kanya.

Iniisip ko tuloy na ito na nga kaya? Ito naba yung malaking pag asa? At hayaan ko nalang mahulog ako dahil sa ngayon sigurado akong sasaluhin nya ko. Kasiguraduhan nga ba?

Bahala na si batman!

——

Pacomment po and thankyou for reading!

Silently, Shouting My Love. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon