SSML10.

589 11 0
                                    


———

I still cant believe why did Tony did that to Lance. She has reasons but none of her reasons is acceptable. None! Lahat ng hahanapin mo sa lalaki na kay Lance na. He's goodlooking, kind, smart and caring. Wala ka ng hahanapin pa. Kumbaga, full package na si Lance.

"Ange, hindi ko kayang hayaan na magtanga tangahan si Lance. Niloloko sya ni Tony!" sambit ko kay Angela habang papasok kami sa room.

"Charm, alam mong wala tayong karapatan makialam! Tony and Lance, sila dapat yung umaayos ng gulo nila hindi tayo." paliwanag naman ni Angela.

Parang hindi kaya ng konsensya ko na makita si Lance na nagpapakatanga at umaasa na totoo si Tony sa kanya pero ang totoo, niloloko lang sya nito.

Wala nga ba talaga akong karapatan? Wala nga ba talaga ako sa posisyon? I treasured Lance as my everything before. Kahit paano may pinagsamahan kami kaya kailangan malaman nya ang ginagawang panloloko ni Tony sa kanya. Kailangan kong gumawa ng paraan.

Papasok kami ni Angela sa room nang makita namin si Tony at Lance na magkasama. Nakita nila kaming dalawa kaya agad naman kaming binati ni Lance.

"Hey Charm, Angela!" tawag nya samin. Nagkatinginan lang kami ni Ange. "Oh? Bakit parang pipi kayo? Ayos lang ba kayo?" tanong pa nito samin. Napatingin kami kay Tony na masamang nakatingin lang samin. Malalaman din ni Lance lahat! Kahit kaibigan kita Tony hindi ko dapat konsintinhin ang ginagawa mo!

"A-ayos lang kami l-lance..." utal kong sagot.

"Okay. Umupo na kayo dito." pagaya nya samin ni Ange kayat umupo na kami sa tabi nila ni Tony. Magkatabi kami ni Tony. Hindi kami nagpapansinan at tahimik lang din sya.

"She looks so scared." bumulong si Angela. Napansin ko nga din na mukhang may takot sa mukha ni Tony. Natatakot kaya syang malaman ni Lance ang panlolokong ginagawa nya?

"Teka, may problema ba kayo bakit hindi kayo nagpapansinan? Umamin nga kayo!" sambit ni Lance dahilan para magkatinginan kami ni Angela kayat napayuko nalang kami at hindi sya sinagot. Siguradong napansin nya din yung pader na humaharang samin nila Tony. "Babe? What is it?" tanong nya kay Tony.

"Wala babe. Masama lang pakiramdam ko kaya—" napatigin si Tony nang biglang pumasok yung prof namin. What an excuse para hindi pansinin ang tanong ni Lance. Im not still sure kung ano ba ang sasabihin ko. Kung sasabihin ko ba ang totoo o itataho nalang at hayaan syang sya ang makaalam ng totoo? Pero kung ganon naman ang gagawin ko, parang niloko ko na din si Lance.

———

The class ended and ready na lahat para maguwian. Kami nalang apat nila Tony,Lance at Angela sa room. Hindi ko na kaya. Kailangan malaman ni Lance yung totoo. Ayokong sobra syang masaktan kaya dapat ngayon palang alam na nya yung totoo.

Badyang aalis na silang dalawa pero bigla ko silang pinigilan. "Sandali lang!" pigil ko. Napatigil naman sila sa paglalakad. Wala na akong pakialam sa mangayayari! Lance deserve to know the truth.

"Whats the matter Charmaine?" Tanong ni Lance na may pagtataka.

"May kailangan kang malaman Lance!" lakas loob kong salita dahilan para hawakan ako ni Angela na parang pinapahiwatig nya na magdahan dahan lang ako at pagisipan muna ang gagawin ko pero kailangan kong gawin to. Kailangan malaman ni Lance yung totoo!

"Charmaine, nagmamadali kami ni Lance, pwede ba sa susunod nalang yan?" mataray na sagot ni Tony. Huminga ako ng malalim at,

"Sabihin mo na kay Lance yun—"

Silently, Shouting My Love. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon