——Remembering those memories brings a lot of pain into my heart. I lost two important person in my life. Alam nyo kung ano yung masakit? They both mad at me. I hope everything happened before is just a nightmare but i need to face the reality. Wala na sila, binura na nila ako sa buhay nila pero sila, nakatatak pa din sa puso ko. Hindi mawawala yung mga alaala.
Tony, hindi na sya nagpakita samin. I heard nasa state na sya with her parents and dun na nya tinuloy yung pagaaral nya. While Lance, we still see each other, we are close to each other but yet far. Alam kong galit sya sakin. Ako pa din yung sinisisi nya sa lahat. Kung bakit wala si Tony ngayon at iniwan sya. Ang tingin pa din nya sakin ay sinunghaling. Ang babaeng sumira sa kanila ni Tony.
But, these arrange marriage happen. Wala akong magagawa, ito yung gusto ng parents ko and if i refuse, siguradong isa rin akong mawawalan. I look at his situation as a favor to me, baka sa pagkakataon na ito malinis ko na yung pangalan ko kay Lance. Mas mabuting kami yung magkaayos, kesa alahanin ko pa yung nasirang pagkakaibigan namin ni Tony. Na alam ko naman na hindi talaga nya kami itinuring na kaibigan ni Angela.
"Is that for real Charm?!" gulat na tanong ni Angela ng malaman nya ang tungkol sa mangyayaring arrange marriage samin ni Lance. Tumango lang ako. "Bakit parang hindi ka masaya?" dagdag nya pang tanong.
"How can i be happy? Alam mo naman na sobrang galit sakin ni Lance. He thought, i destroy their happiness." paliwanag ko.
"Yun lang. Mahal na mahal nya si Tony. Masyadong nabulag si Lance. Pero, atleast you will have your opportunity to clean the mess he thinks you've done. Right?" sambit ni Angela.
"Yeah youre right and i hope mangyari yan!" sagot ko at ngumiti ng peke. Sana lang talaga.
Lumabas na kami sa canteen ni Angela at naglakad pabalik sa room nang may biglang humawak sa braso ko ng mahigpit dahilan para makaramdam ako sakit. "Ouch!" saad ko at tumingin ako kung sino yung may kapit sa braso ko. I was shocked at natulala ako ng makita ko si Lance. He looks so serious and angry. Even though, ang gwapo pa din nya sa paningin ko. Bumilis yung tibok ng puso ko pero kinakain ako ng kaba at takot, halatang galit si Lance at ano kaya ang dahilan?
"Lance, nasasaktan ako...." sambit ko.
"Let her go Lance! Ano bang problema mo?" Pagtatanggol sakin ni Angela. Tinignan lang sya ni Lance.
"You planned all about this right?! Na kailangan mo pang gamitin yung family matters ko para lang makasama mo? Ganon kanaba kadesperada Chamaine?!" galit nyang sambit sakin. Hindi pa din nya binibitawan yung braso ko dahilan para bumagsak na yung mga luha sa mata ko. Bakit nya ba iniisip na ako ang nagplano nito? Bakit ba nya inaakala na masama akong tao?
"Lance nagkakamali ka! Wala din akong alam di—" he cut me.
"Fvck Charmaine!" Sigaw nya sakin. "Hindi kana ba nakuntento na ginawa mo ng miserable yung buhay ko nang iwan ako ni Tony dahil sayo, ngayon ito naman?!" dagdag pa nya.
"W-wala talaga akong alam Lance. Matagal na kong nagsasabi sayo ng totoo Lance." pakiusap ko pero alam kong wala syang balak na pakinggan ako.
"Hindi mo ko maloloko Charmaine..." bigkas nya. "Kung akala mo na makukuha moko dahil magpapakasal tayo, sinasabi ko sayo ngayon palang na hinding hindi kita mamahalin Charmaine! Ipaparamdam ko sayo lahat ng sakit na ginawa ko sakin noon!" He said at binitawan yug braso ko at agad na umalis. Im about to call him again but wala akong lakas ng loob. Gusto ko ulit subukan magpaliwanag pero wala, hindi nya ko papakinggan. Ano bang pwede kong gawin para maniwala na sya sakin at malaman na nya yung totoo?
——
Nasa kwarto lang ako habang iniisip lahat ng nangyari kanina. Gusto kong magkaayos kami ni Lance pero parang wala talaga syang balak at sobrang galit yung nararamdaman nya sakin which hurts me so much.
BINABASA MO ANG
Silently, Shouting My Love. (COMPLETED)
RomanceI am Charmaine Cruz, I always hide my true feelings about him. I always keep this inside me. I silently, shouting my love for him. For Lance Latriz.