EPILOGUE

950 11 8
                                    


----

"Lets have a grouphug!!! Na-miss ko 'tong ganto!" sigaw ko dala ng kasiyahan. Mahigpit namin niyakap ang isat isa. Nagkaayos din si Tony at Angela. Kahit na matapang si Angela, malambot pa din ang puso nya at alam kong nakita nya na seryoso and sincere si Tony sa lahat kayat mabilis nyang napatawad si Tony.

"W-wait!" Napahiwalay kami lahat sa pagkakayakapan dahil sa sinabi ni Ange.

"Whats wrong Ange?" nagtatakang tanong ni Tony.

"Charm, Its already 6pm! You should not be late! Magkikita pa kayo ni Lance!" Turan ni Ange. Oo nga pala.

"So, lets go! Kami ni Ange bahala sa outift mk for tonight! Yeaaaaay!" sabi ni Tony at agad kaming umakyat sa kwarto ko.

I dont want to look so excited for meeting you Lance, but i just cant. Gusto kita. Mahal pa din kita kahit anong sakit yung naramdaman ko. Now, hopefully, maayos natin lahat.

-----

Si Lance. Napako ako habang nakatanaw lang sa kanya. Sobrang namimiss ko sya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa kanya. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Sobrang kaba yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay hindi ako handa.

"C-charmaine..." napatayo sya nang mapansin akong malapit na sa kanya. Mas nakaramdam ako ng kaba. Wala nakong dahilan para umatras. Kaharap ko na sya. Yung lalaking nagpapakirot ng puso ko ngayon pero habang pinagmamasdan ko yung mukha nya, kakaibang saya yung nararamdaman ko. "Maupo ka muna. What do you want? Coffee, juice? Just order, ako na bahala." He added. Umupo ako kaharap lang sya pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Naiilang ako.

"Anything will do." sagot ko. "L-lance, ano ba 'yung dapat natin pag usapan?" lakas loob kong tanong.

"1 coffee, and 1 honey lemon juice please." Sambit ni Lance at agad naman umalis yung waiter.

"C-charmaine..." banggit na naman nya sa pangalan ko dahilan na naman para makaramdam ako ng kakaibang kirot sa puso lko. "Madaming nangyari. I've caused you too much pain and heartbreaks. Ako lahat ng dahilan ng mga luha mo. Its all my fault! A-and-- im really sorry for that! Sobrang naging duwag at tanga ako." malumanay pero may diin nyang sabi. Ramdam ko yung sakit sa bawat salita nya. Na sobrang apektado rin sya. "I really do love you Charmaine. I do! But i dont know if that sorry and love will keep you stay with me. I dont know if i can please you. Dahil alam kong ayaw mo akong makita pero andito ka ngayon, pinapakinggan na naman ako." Lumalabas na yung totoong emosyon sa bawat salita ni Lance. Hindi ko namalayan na bumabagsak na pala yung mga luha sa mga mata ko.

"Hindi ako nagpapa-awa Charmaine. Gusto ko lang na sa huling pagkakataon pakinggan moko kahit alam kong galit ka sakin. Hindi ko naparamdam sayo yung pagmamahal na kailangan mo. Hindi ako yung naging tunay na lalaki habang kasama mo dahil duwag ako. Hindi ko alam yung totoong nararamdaman ko. But Charmaine, nandito ako ngayon. Gusto kong ipaalam sayo na sigurado ako sa nararamdaman ko sayo. Na mahal talaga kita. Na takot akong mawala ka sakin. Na gusto kong maayos tayo pero hindi ko alam, kung kaya mopa..." bitaw na salita ni Lance. Patuloy pa din sa pagbagsak yung mga luha ko habang nakikinig lang sa kanya. Natutuwa ako dahil alam kong totoo sya sa mga sinasabi nya pero nalulungkot ako dahil nasasaktan si Lance dahil sobrang sorry sya sa lahat ng nangyari. Natutuwa ako na sinabi nyang mahal na mahal ako, na gusto nya kong makasama pero natatakot ako sa tanong nya, na kung kaya ko pa ba? Hindi ako sigurado. Kahit mahal ko si Lance, andito pa din yung sakit.

"Whatever happens after this night. Kakausapin ko ang parents natin. Ipapatigil ko yung kasal. Ayokong humarap ka sa altar nang nasasaktan ka. Nang may takot ka. Na alam kong ihaharap kita sa altar dahil kailangan ng pamilya ko. Gusto kong iharap ka sa altar na sigurado ka, na masaya ka, na handa ka. Na alam mong mahal talaga kita, na mabuksan yang puso mo sa dadating na oras at maramdam mong totoo ako sa mga sinasabi ko lalo na't sinasabi kong Mahal talaga kita Charmaine." Pagtapos ni Lance.

Silently, Shouting My Love. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon