SSML4.

670 13 2
                                    


"Lance is courting me..." seryoso nyang sabi at nakatitig lang sakin. Nangingilid yung luha ko dahil bakit yung pinakamalapit na tao pa sa buhay ko yung gusto nya? Napaka-awkward!

"Then if you like him Tony, why not to answer him?" payo ko. She breath heavily.

"He is caring and thoughtful Charm. I like him but everytime i wanted to tell him that, naaalala kita." simula nya. Naiiyak ako shet. "Alam kong matagal mo nang gusto si Lance at ayokong masaktan ka Charm." dagdag pa ni Tony. Bakit parang ako pa yung humahadlang sa istorya nila na una palang inakala kong istorya ko? Bakit parang ako pa yung humahadlang sa kasiyahan nila?

"Haha!" napatawa ako ng peke. "Ano kaba Tony! Crush ko lang naman si Lance. If you like him why not? Susuportahan pa kita! We're friends and that is forever!" masaya kong sagot pero ramdam ko yung kalungkutan.

"If thats the case Charm.... Thankyou! I promise you na aalagaan ko sya." sabi nya. Ngiti nalang ang isinagot ko sa kanya.

My night become sleepless. I cried all night. Nasasaktan ako! Pero wala akong magagawa at wala akong karapatan na hadlangan sila. Ang dapat ko lang gawin ngayon ay tanggapin at suportahan sila.

Wala akong pagpipilian. Kahit sobrang nahulog nako kay Lance, kahit sobrang mahal na mahal ko na sya hanggang dun lang yon. Bakit ba kasi ako umasa? Bakit ba kasi inakala ko na kaya malapit sya sakin ay dahil gusto nya din ako?

Pumasok akong walang tulog. Wala akong gana. Sobrang lungkot ko.

Habang naglalakad ay nagulat ako nang biglang may yumakap sa likod ko. Mahigpit yung yakap nya. Isang babae base sa laki ng braso at kamay nya.

"A-angela?" tanong ko para makompirma kung sya nga. Tinanggal nya yung yakap nya sakin at humarap. She looks sad habang nakatitig sakin.

"I know and i feel you Charm..." simula nya. "You dont look mad at all but you look really down and sad." dagdag pa nya. Biglang lumabas yung mga luha ko at biglang napayakap kay Angela. Iyak lang ako ng iyak. Wala akong pakialam kung may makakita samin. Gumagaan yung loob ko ngayon dahil alam kong may nakakaintindi sakin. Alam kong may kadamay ako.

"Sobrang sakit Ange! Wala akong mapagsabihan sa sakit na nararamdam ko ngayon! Thankyou for being here!" bulong ko habang yakap sya.

"I know, i know ssshhhhhh. Just let it go." sagot nya. Gusto kong magstay sa ganitong posisyon nalang. Yun pakiramdam ko may nakikinig at nakakaramdam sa lahat ng sakit na nararamdam ko.

Tuloy tuloy lang ako sa pagiyak kahit alam kong malaking sayang lang sa oras ang pagiyak ko at baka malate kami. Pero ito lang yung paraan para gumaan yung loob ko at panandaliang mawala yung sakit!

"Be ready Charm! Stop now at palapit na sila. Wipe off your tears!" alarma nyang sabi sakin at agad akong tumanggal sa pagkakayakap kay Angela. Pinunasan ko na yung mga luha ko.

"Tara na Ange. Hindi pa ako handang makita sila. Ayokong makita nila akong ganito." pag aya ko kay Angela but she just hold my hand tight telling me to face the reality and face my fears.

"This is the only way to make you strong Charm. Walang magagawa ang pag iwas mo." sagot nya sakin. Nakita kong papalapit na si Tony at Lance samin. Nanginginig yung tuhod ko. Sobrang natatakot ako dahil ayokong makita sila dahil hindi pako handa. Nakikita silang magkahawak kamay at nakangiti, ay parang tinatadtad akong ng isang milyong kutsilyo. Wasak na wasak yung puso.

"Hey! Bakit andito pa kayo?" biglang salita ni Tony ng makalapit samin. Masaya sya at nakangiti.

"Kakadating lang din namin and we decided na antayin ka na din." sagot naman ni Angela. Hindi ako makatingin sa kanila at nakayuko lang ako.

"Charm, whats with you may sakit kaba?" tanong ni Tony. "Okay ka lang ba?" dagdag pa ni Tony.

"Is tha the right question to ask Tony?" sabat ni Angela. Huminga ako ng malalim at hinarap sila.

"Yes! Im fine! Congratulations for both of you! Im happy seeing you both now happy." inipin ko lahat ng lakas ng loob ko para bigkasin ang mga salitang yan. Nakangiti ako pero alam kong peke lang yung ngiti ko. Ramdam ko na naman yung luha ko habang nakikita silang magkahawak kamay pero kailangan kong ipakita na ayos lang ako at hindi apektado.

"Thankyou Charm! You're the best! Let us go baka malate pa tayo!" Yaya ni Tony. "Babe lets go?" napatingin sya kay Lance.

"S-sure." sagot nito. Magkahawak pa din sila. Ang sakit talaga.

Tulala at wala pa din akong gana. Wala akong buong ginawa sa klase kundi tulala lang. Blankong blanko yung utak ko.

Lunchbreak na at naglalabasan na yung iba at tatayo na sana ako para lumabas pero bigla akong tinawag ni Tony. "Where are you going Charm? Sabay sabay tayo maglunch! Isasama ko si Lance!" sambit ni Tony.

"Uh eh..." nauutal ako at nagiisip ng paraan kung paano makakatakas.

"Okay lang naman diba Charm?" dagdag pa ni Tony. Ngumiti ako.

"Ofcourse! Tara na? Nagugutom na din ako." Pag aya ko kahit na ayoko. Tumingin ako kay Lance at nagtama yung mata namin kaya agad akong umiwas. Ang gwapo nya. Bakit ba hindi mawala yung pagmamahal ko sa kanya?

Sabay sabay kaming pumunta sa canteen at tabi kami ni Angela sa table. Umupo na si Tony at Lance. Kaharap ko si Lance! Ayoko nga syang makita pero bakit ba hindi ko maiwasan? Hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa kanya. Masaya silang nagkwekwentuhan ni Tony dahilan para sumakit yung puso.

Umorder na si Angela at Tony ng pagkain at kami yung naiwan ni Lance sa table. Tumingin ako sa kanya. Gusto kong magalit sa kanya dahil pakiramdam ko ginamit nya lang ako pero bakit hindi ko magawa? Ugh! Kahit hindi naging kami at magkaibigan lang kami, namimiss ko yung sweetness nya. Yung pagaalala nya at yung parang prinsesa ako na inaasikaso nya. Na parang ako yung babaeng bumubuo sa araw nya pero sadyang imahinasyon ko lang pala lahat yon at pagaakala. Ang tanga ko kasi.

Kahit wala akong gana kumain ay pinilit ko. Tahimik lang kaming kumain. Hindi kami nagpapasinan ni Lance. Naiilang ako. Awkwardness yung nararamdam ko. Kung pwede lang na lagi ko silang maiwasan, iiwas ako pero wala akong magawa.


Vote and comment naman po.

Silently, Shouting My Love. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon