SSML5.

602 15 2
                                    


Days always been like that. Kahit ayokong makasama silang dalawa at kahit anong gawin kong iwas hindi ko magawa. Pag umiwas ako baka isipin nilang hindi ko pa tanggap at hanggang ngayon nasasaktan ako. Kailangan ko lang tuluyan na magpretend at ipakita sa kanila na ayos lang ako at masaya.

Kahit masakit kailangan ko tiisin dahil ako din naman ang may kasalan kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Umasa kasi ako.

"May bagong bukas na bar near our school why not we drink later?" biglang nagyaya si Tony habang magkakasa kaming kumakain.

"Yes. Pwede ba akong sumama?" nagsalita si Lance.

"Oo naman babe. You are part of us." sagot ni Tony. "Hey Charmaine! Lets drink? Matagal na din tayong hindi nakakabonding!" pagaya sakin ni Tony. Hindi ko alam sasabihin ko.

"Sure." wala akong nagawa at pumayag nalang ako. Ganon naman lagi eh kahit na ayoko hindi ako makatanggi.

"How about you Angela?" baling na tanong ni Tony kay Ange. Ange is quite off lately to Tony.

"Ill go." mabilis na sagot nito. I know that Ange is not like this and i know that Tony knows that too hindi lang nya pinapansin. I know why Ange is being like that. Masama loob nya kay Tony because she give Lance a yes and also she feels that Tony being innocent and pretend that everything is normal. You know what i mean? Yung pilit na ipinakikita ni Tony na okay lahat but the truth is not. Kahit ako naman pinipilit ko pero if i see them everyday and be with them always i dont know how can i get over them.

——

"Whoa! Ang saya dito!" sigaw ni Tony. Napangiti nalang ako dahil talagang masaya naman dun sa bar. Medyo nahihilo nako at alam kong may tama na dahil sa dami nadin ng nainom ko.

"Ange sayaw tayo!" yaya ko kay Angela then she stand up at pumunta kami sa dancefloor. Sayaw lang ako ng sayaw na dahilan para lalong magpahilo sakin pero ang saya! Kahit papaano ay napapawi yung sakit na nararamdaman ko nitong mga nakaraan. Nang medyo napagod kami ni Ange ay bumalik na kami sa table. Wala si Tony at Lance don. Siguro sumasayaw din sila.

"Why are you pretending Charm? I know you are still in pain everytime you see them." kahit na maingay ay klaro ko pa din na narinig yung sinasabi ni Angela. Naalala ko na naman lahat. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako.

"Because i need to." mabilis kong sagot kay Ange. "I dont want to ruin everything. The love and the friendship. As long as i can be like this ganito nalang ako. I will Silently yet Shouting my Love for Lance. Na kahit na masakit magiging tahimik nalang ako kahit na hanggang ngayon ang sinisigaw ng puso ko si Lance." dagdag ko pang sagot nang....

"What about Lance?" biglang tanong ni Tony. Dumating pala sya. Narinig nya kaya lahat ng sinabi ko?

"W-wala Tony. Its jus—" i stop nang bigla pang nagsalita si Tony.

"Do you still love him?" may diin nyang tanong. Tumigil yung mundo ko sa biglang tanong na yon ni Tony. Napatahimik ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Oo mahal ko pa si Lance pero nasayo na sya Tony. Yan yung gusto kong sabihin pero diko magawa.

"What if mahal nya pa si Lance, Tony?" biglang sumabat si Angela. "Why do you keep acting like that Tony? Like everything is fine and normal? You know una palang sobra na yung pagmamahal ni Charm kay Lance. But Charm dont want to lose you. The friendship. Kaya sana be aware Tony, she love and care for Lance before you. Dont act too sweet when shes infront. Kahit yun nalang sana. Pakikisama!" i was shocked sa biglang sinagot ni Angela. Biglang tumulo yung mga luha ko. Lahat ng sinabi nya totoo. Awang awa na siguro sakin si Ange. Hanggang ngayon tahimik lang ako. Natatakot akong magsalita. Natatakot akong sabihin yung totoong nararamdaman ko.

"So you are saying that it is my fault? Kasalanan ko bang ako pala yung gusto ni Lance? Kasalanan ko ba na naging tanga si Charmaine at umasa? Tell me!" sagot ni Tony. Nagulat nalang ako ng biglang sampalin ni Angela si Tony. Napahawak si Tony sa pisngi nya dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Angela sa kanya. Nakita ko sa mga mata nilang dalawa yung luha na bumabagsak isa isa. Ito na yung kinakatakot ko. Na baka unti unting masira yung binuo namin pagkakaibigan at tiwala.

"Sumosobra kana Tony! Wala kang kwentang kaibigan!" sigaw sa kanya ni Angela.

"Please stop! Its my fault! Kasalanan ko lahat! Please ayokong masira tayong tatlo! Im really fine please im really okay." umiiyak kong pakiusap sa kanila habang hawak yung kamay nila. Natatakot ako na masira kaming tatlo dahil sa isang lalaki. Mas mahal ko silang dalawa kesa kay Lance. Sila yung dalawang tao na nagmahal sakin ng totoo bago ko makilala si Lance kaya wala ako balak at takot ako na mawala yung pagmamahal namin sa isat isa.

"You know what Charmaine? Stop pretending that you are the victim. Hindi ko kasalanan na ako yung ginusto ni Lance and nagustuhan ko din sya. Dont put the blame on me." sabi ni Tony.

"Whats happening here?" dumating si Lance. "Why are you all crying?" walang nagsasalita samin. Hindi kami makatingin kay Lance. Sya yung dahilan kung bakit kami ganito ngayon.

"Isa ka pa Lance! Why do keep on being sweet to Charmaine before then after all hindi naman pala sya ang gusto mo!" sigaw ni Angela.

"Please tama na Ange! Wag kana makisali dito!" saway ko kay Angela. Napatingin sya sakin.

"I just want to help you Charmaine kesa manatili kang tahimik at itago nalang lahat ng gusto mo iparamdam at sabihin!" sagot ni Angela.

"You dont need to. Kaya ko to! Just stop!" nasigaw ko sya. Napatingin sakin si Angela na parang nagtataka.

"Concern lang ako sayo Charm and if you dont want me to do this, sure! Sorry. Im just your friend at hindi dapat ako makialam!" sagot ni Angela.

"It looks like this is the night of truth and revelation. Well, i suggest magkanya kanya na muna tayo!" nagsalita si Tony.

"No! Hindi ako papayag!" sambit ko.

"That is my choice! Goodbye!" she walked out tapos mabilis syang sinundan ni Lance. Kami yung naiwan ni Angela sa table. Napaupo nalang ako at biglang yumuko sa lamesa at nagiiyak. Nangyari na yung kinatatakutan ko!

May umupo sa tabi ko at nagsalita. "Sorry Charm hindi na dapat ako nakialam." sabi ni Angela. Wala akong ibang nagawa kundi yumakap nalang sa kanya at umiyak ng umiyak.

————-

Silently, Shouting My Love. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon