SSML19.

511 9 0
                                    


—————

Sweet are made up of actions of romance. Tears are made up of actions by pains. Last, Worries are made of threats. Thats is Tony for me. I treat her as a threat samin ni Lance. Hindi ko alam pero hindi ko gusto yung nangyayari. May kakaiba akong nararamdaman lalo na sa mga kinikilos ni Lance kaya ang tanging pinaghahawakan ko lang ay yung mga salita nya na sana, totoo.

Pagdating namin ni Lance sa bahay ay napansin kong nakapark yung kotse ng parents ko saka yung kotse ng parents ni Lance. Ano kayang pag-uusapan nila? Sigurado akong tungkol na naman samin ni Lance ang mga yon.

Pagpasok na pagpasok namin ay nakita ko agad silang nakaupo lahat sa sala.

"Mom!!!!" galak na tawag ko sa kanya. Sobrang namimiss ko kasi ang mommy ko.

"Charmaine, imissyousomuch baby!" sagot naman ng mom ko.

"Imissyoumore mom!" sagot ko at agad ko din syang niyakap.

"Sya lang pala namimiss mo Charmaine no?" biglang nagsalita si Dad.

"Oh Dad! Imissyoutoo! Ikaw paba? Bakit ngayon nyo lang kami nadalaw?" tanong ko.

"We're busy lately dear. And also, we have something to discuss on both of you." sagot naman ni daddy. Napatingin ako sa parents ni Lance at agad akong lumapit sa kanila at nagmano.

"You look lovely Charmaine." nakangiting sabi ng mom nya at nakangiti lang yung dad nya sakin.

"Im happy that my son and you are going well. Wala kabang problema sa kanya? Tell me Charmaine." sabi ng dad nya. Napangiti ako.

"Lance and i are good po. Dont worry. Sasabihin ko po agad sa inyo pag naglolo si Lance." Biro ko dahilan ng tawanan nila. Pero hindi ko naririnig ang boses ni Lance. Tumingin ako sa kanya na parang blangko at hindi man lang nakikisaya samin.

"Lance, may problema kaba? Bakit ang tahimik mo?" tanong ng mom ko sa kanya.

"Sorry tita. Wala naman po." sagot nya at pilit na ngumiti. Nagkatinginan kami at agad din syang umiwas na parang naiilang.

Bakit ganito ang inaakto ni Lance? Ano bang problema nya? Gusto ko syang tanungin at malaman yung totoo. Kung may kinalaman ba to kay Tony. Pero natatakot ako sa magiging sagot nya.

"Well we gather here because we want to announce you that your wedding will be schedule next week. Get ready both of you." salita ng dad dahilan ng pagkagulat ko. Bakit ang bilis naman? Hindi ko inaasahan 'to. Pero malaking tulong sakin ang kasal na yon, makasarili na kung makasarili.

"D-daad..." sambit ko dala padin ng pagkagulat.

"Bakit napakabilis po? Hindi nyo man lang kami sinabihan." biglang salita ni Lance dahilan para lalo akong magtaka sa kinikilos nya. Akala ko ba okay na sa kanya at ayos na. Alam nya na dadating ang oras nato. Pero bakit ngayon parang nagiiba ang isip nya.

"Whats the matter Lance? I thought okay na sayo." sambit naman ng dad ko. "Dont tell me, ayaw mo?" Dagdag ni dad.

"No no! He knows it. Baka nadala lang sila ng gulat dahil sa naging biglaan." rason naman ng daddy nya.

"Good. He knows what is going to happen if hindi matuloy ito." my dads warning.

————

After what our parents said, hindi ko pa din alam yung irereact ko. Ofcourse im happy, but the thing is im worried. Lalo na sa ipinakita ni Lance. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

"Lance...." tawag ko sa pangalan nya. Nasa terrace lang sya at nakahiga na parang may iniisip.

"Uh...Bakit Charmaine?" gulat nyang tanong. Ngumiti ako ng pilit at hinarap ko sya.

"May problema kaba? You can tell me." diretsahan kong tanong.

"Anong ibig mong sabihin Charmaine?" kaswal nyang tanong ngunit hindi makatingin sa mga mata ko.

"Alam kong may iniisip ka Lance. Alam kong may problema ka. At alam kong tungkol ito sa pagbabalik ni Tony." sagot ko habang pinipigilan ang mga luha na bumagsak sa mga mata ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Charmaine. May kailangan pa kong asikasuhin." sagot nya na halatang umiiwas sa mga tanong ko.

"Umiiwas kaba sakin Lance?! Wag mokong gawin tanga. Hindi ako tanga Lance. Alam kong tungkol kay Tony to!" napalakas na yung boses ko.

"Napaparanoid ka lang. Please! Wala akong oras sa ganitong----" he stopped dahil mabilis ko syang nasampal. Hindi ko alam kung bakit masyado akong nagoovereact. Hindi ako ganto.

"Im sorry..." sambit ko at tuluyan nang bumagsak yung mga luha sa mata ko.

"Gusto mong malaman yung totoo? Oo, tungkol kay Tony lahat ito! Simula ng bumalik sya! Akala ko okay na lahat! Akala ko na pag nakita ko sya ulit okay nako! Pero hindi Charmaine... Mahal ko pa din sya kahit masakit." sagot nya at bumagsak yung mga luha sa mata nya. Nagulat ako sa sagot nya dahilan para mas maramdaman ko pa yung sakit sa damdamin ko.

"L-lance... P-paano a-ako?" utal kong tanong at nakatingin lang sa kanya.

"Kaya sobrang nahihirapan ako Charmaine, dahil alam komg nagbitaw ako ng mga salita.Dahil alam kong masasaktan kita. Hindi ko sinasadya!" sagot nya at nakatingin lang sakin. I slapped him again.

"Sinaktan mo na naman ako Lance." sambit ko at pilit kong pinunasan ang mga luha ko kahit na walang tigil ito sa pagbagsak.

"Sorry Charmaine.." hinawakan nya yung kamay ko. Agad kong binawi ang kamay ko at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Tama ako. Tama lahat ng akala ko. Akala ko panghahawakan nya yung mga salita nya at hindi sasayangin yung tiwala na binigay ko pero sa huli, ako pa din pala ang masasaktan. Sigurado akong magiging masaya si Tony pag nalaman na wala pa syang ginagawa, nasira na nya agad kami ni Lance.

________

Cheekiss011.

Silently, Shouting My Love. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon