SSML20.

555 11 7
                                    

-----

Akala ko totoo na lahat. Akala ko totoong mahal nako ni Lance. Umasa at nagpaka tanga na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Bakit ba kasi ako naniwala sa mga pangako nya? Bakit ba nagpakasigurado ako n mas pipiliin nya ko kay Tony na una nyang minahal? Pero, hindi man lamg ba nya ko naisip? Hindi man lang ba pumasok sa isip nya na mas maapektuhan ako, na mas ako yung gulong gulo at madaming gustong malaman at tanong?

Hindi mawala sa isip ko yung nangyaring sagutan namin ni Lance. Nasaktan ko sya, pero hindi ako nagsisisi don. Kulang pa ang mga sampal na yon sa lahat ng sakit na dinulot nya sakin. Pinagmukha nya kong tanga na panandaliang binigyan ng kasiyahan pero sa huli, sasaktan din pala.

Niloko sya ni Tony, ginawang tanga. Ang daming masamang ginawa si Tony sa kanya, at sakin na din pero bakit mas nagawa nyang patawarin at ako yung balewalain. Gusto kong masagot lahat ng tanong ko, at sa magmula sa kanya mismo yung sagot pero natatakot akong mas lalong masaktan.

Lance, bakit hindi nalang ako?
-----

Nagising ako at agad kong tinignan yung oras, maaga pa pala kaya naisipan ko na bumaba muna at maghanda ng kakainin ko pero pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ay sya rin labas ni Lance sa kwarto nya. Nagtama yung mga mata namin kaya agad akong umiwas. Pakiramdam ko maluluha ako nung nakita ko yung maamong mukha ni Lance, pero sa likod ng maamo nyang mukha sya yung lalaking sobrang nagpaparamdam sakin ng sakit.

Agad akong naglakad pababa pero napatigil ako ng bigla nya kong tawagin... "Charmaine..." yung boses ni Lance. Yung pagbanggit palang nya sa pangalan ko, doon palang kumikirot na yung puso ko.

Nagpatuloy ako sa pagbaba. Hindi ko sya pinansin. Napatigil nalang ako ng may biglang kumapit sa mga kamay ko. Bumilis bigla yung tibok ng puso ko.

"Kausapin moko, Charmaine." sambit nya. Nararamdaman ko yung mga luha ko na nagbabadya na naman sa pagbagsak. Hindi ba kayo nauubos?

"Wala tayong dapat pag-usapan Lance." hindi ako makatingin sa kanya. Alam kong pag nakita ko lang sya, tuluyan ng babagsak ang mga luha ko. Magpapatuloy sana ako sa paglakad pero mahigpit nyang hinawakan yung mga kamay ko.

"Charmaine..." pagsambit nya ulit sa pangalan ko. Inipon ko lahat ng natitirang lakas ng loob ko at hinarap sya.

"Lance, ano pa bang kailangan mo? Hindi kapa ba masaya na nasasaktan ako? Kulang paba sayo na nakikita akong nahihirapan? LANCE ANO PABANG GUSTO MO?!" at tuluyan ng bumagsak yung mga luha ko. Hindi ko na napigilan yung emosyon ko. Sobrang sakit na. Inagaw ko agad yung mga kamay ko. "Kulang paba lahat ng mga luha ko?"

"Akala mo ba madali sakin lahat ng 'to Charmaine? Napalapit nako sayo, alam kong mali ako. Kaya gusto kong magkaayos tayo, at patawarin moko." sambit nya. Patuloy lang ako sa pag iyak, at dahil sa mga sinabi nya, ngumiti ako ng pilit.

"Tingin mo ba madali lang yon Lance?! Madaling sabihin, OO! Dahil hindi ikaw yung nasasaktan ngayon." sambit ko sa kanya. "Gusto kong paulit ulitin sayo Lance, paano na yung mga pangako mo sakin?! Pinanghawakan ko 'yun! Bakit si Tony  pa din? Alam natin dalawa kung ano yung mga bagay na nagawa nya, pero bakit sya pa din Lance, bakit hindi nalang ako?! MINAHAL MO BA TALAGA KO NUNG MGA PANAHON NA WALA SI TONY, O GINAWA MO LANG AKONG PAMPALIPAS ORAS DAHIL AKO YUNG OPTION MO?! MAHAL KITA LANCE! KAHIT NA MASAKIT, TINITIIS KO KASI MAHAL KITA. NI MINSAN BA NAPANSIN MO YUN?!" sigaw ko sa kanya. Sobrang dala ng emosyon at sama ng loob ko kay Lance. Sobrang sakit yung nararamdaman ko.

"Patawarin moko, Charmaine. Bigyan moko ng oras." sambit nya kasabay ng mga luhang bumabagsak sa mga mata nya. Noon, nang makita ko yung mga luha ni Lance, nasasaktan ako pero ngayon hindi ko alam kung papaniwalaan ko paba yung mga luha na hindi ko alam kung totoo ba.

"Sapat na 'yung oras na binigay ko sayo Lance. Hindi kita minadali, ikaw mismo yung nagpasok sa sarili mo sa ganitong sitwasyon. Ikaw yung nagpadali sa oras mo, na basta ka pumasok sa sitwasyon na hindi mo naman alam kung ano ang magiging apekto sa iba. Ayokong ipilit yung sarili ko sayo dahil alam kong kahit anong gawin ko, si Tony at si Tony padin yung pipiliin mo. Ayokong mahalin moko dahil kailangan mo, ang gusto kong pagmamahal, mahal ako kung sa kung sino ako, hindi yung kung anong meron ako. Yung pagmamahal na totoo, na alam kong hindi mo kayang ibigay." salita ko. Pinunasan ko lahat ng luha ko at pilit na ngumiti. Tinignan ko sya, na kasalukuyang nakatingin din sakin. "Yung kasal at plano ng mga magulang natin, wag ka magalala, tutulungan pa din kita. Para kahit sa huling pagkakataon, naipakita kong mahal kita. Pinapalaya na kita Lance." pagkatapos ng mga salitang yon ay agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko at muli, lumabas yung mga luha na akala ko hindi na ulit babagsak.

Pinapalaya ko na si Lance, ayokong ipilit yung sarili ko sa kanya. Siguro nagising na din ako at narealize ko na walang permanente sa mundo, lahat may katapusan. Lahat panandalian lang. Yan yung mga bagay na dahil kay Lance, ganyan ang ibinigay kong kahulugan.

Mas ako yung nangangailangan ng oras. Oras para muling tahakin yung buhay na hindi ko iniisip si Lance na wala sya sa tabi ko. Na sanayin ko yung sarili ko na kahit kailan hinding hindi nako magpapakatanga at aasa sa kanya. Na tapos na lahat ng sakit. Na ito na yung huli na sakit na ipaparamdam nya sakin.

Hindi mo alam Lance, kung ano yung mas malaki at higit na sinayang mo.

--------

°CHEEKISS011 STORIES°
To be continued.
Wait for another 12355539 years bago makauodate hahhahaha!

Silently, Shouting My Love. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon