----
"What brings you here Charmaine? Bakit dala mo yang mga gamit mo?" bungad na tanong sakin ni Mommy pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bahay.
"I just missed the house, specially kayo ni dad. Thats why i decided na dito muna mag stay." pagkukunwari kong sagot dahil hindi naman talaga iyan ang dahilan ko kung bakit umalis ako sa tinitirhan namin ni Lance.
"Fine. As of now, okay ba kayo ni Lance?" dagdag nyang tanong. Ngumiti ako ng peke at tumango nalang.
Dinala ko na yung mga gamit ko sa kwarto ko. Agad akong humiga sa kama at bigla nalang tumakbo sa isip ko si Lance.
After all what happens, mas marami yung sakit na naramdaman ko habang kasama si Lance. Sobrang tanga ko kung hahayaan ko na magpatuloy sa pagiging tanga at umasa na magiging okay kami ni Lance. Gusto ko ng magising sa katotohanan at magsimula ng panibago at tuluyan ng alisin si Lance sa puso at isip ko.
Simula ngayon.
---
"Bakit ka nakikipagpalit sakin ng upuan Charm?!" pangungulit na tanong sakin ni Ange.
"Basta. Dyan kana lang!" mabilis kong sagot. Ngumit sya na parang nangaasar.
"Nag-away kayo ni Lance, no?" usisa nya. Ngumiti lang ako.
"Ayoko nang pag usapan sya Ange. Tapos nako sa pagiging tanga. Ayoko nang umasa." sigurado kong sagot. Buo na yung loob ko.
"I dont think so, Charm. You loved him so much na kahit buong buhay mo kaya mong ibigay. I dont think you'll fulfill your words." naging seryoso bigla si Ange, so do i.
"Not this time. Pagod na pagod nako. He already chooses Tony over me." sagot ko.
"What?! Ano ba talagang nangyari Charm. It looks really serious. Parang hindi simpleng tampuhan ang nangyari sa inyo, na dahilan para bumalik ka sa mansion nyo." ngumiti lang ako. Makulit talaga 'tong si Ange.
"Long story Ange. Im done with Lance, im really--" i stopped when someone interrupt.
"Whats with my boyfriend, ex-bestfriends?" si Tony. Napatingin ako sa kanya na nakangiti lang habng nakatingin samin ni Ange.
Si Lance. Napatingin din ako sa lalaking kasama nya habang magkahawak sila ng kamay. Naramdaman kong kumirot na naman yung puso ko at badyang naluluha na naman ako dahil sa nakikita ko. Bakit? Bakit napakabilis? Bakit ang bilis nyang nakipagbalikan kay Tony? Its just one day that passed pero bakit hindi man lang nya naisip na masakit pa din sakin lahat, na hindi agad mawawala yung sakit. Hindi man lang ba nya inisip na yung sugat sa puso ko na syang dahilan, andito pa din at sinusubukan kong kalimutan?
Gustong gusto kong magalit at saktan si Lance pero ayokong manaig sakin yung emosyon at nararamdaman ko, gusto kong ipakita sa kanya na hindi na ko apektado, pero habang patuloy ko syang nakikita, alam kong mahihirapan ako.
"Nothing with him Tony." mataray na sagot ni Ange sa kanya.
"But i just heard his name, paanong wala? Hahaha." parang nang-aasar na tanong ni Tony. "Anyway, just want to tell you, nagkabalikan na kami. Wont you guys congratulate me?" dagdag nya pa.
"Stop it already Tony. Maupo na tayo." sabat ni Lance. Gustong gusto ko nang umiyak. Sobrang nasasaktan nako.
Naramdaman kong biglang hinawakan ng mahigpit ni Ange yung kamay ko para patibayin yung loob ko.
---
Nang matapos yung klase ay agad akong tumakbo palabas at dumiretso sa cr ng campus. Eksatong walang tao sa loob kaya agad kong nilock at Pumasok ako sa isang cubicle at doon na lumabas lahat ng emosyon at sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit sakin na makita na ang bilis kalimutan ni Lance yung lahat. Na parang napakadali lang sa kanya na magpatuloy habang ako hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung paano.
"Charm! Charm! Andyan kaba? Buksan moto, andito naman ako eh!" narinig kong sigaw ni Ange mula sa labas. Masaya ako na sa mga ganitong sitwasyon ng buhay ko, may kaibigan akong matatakbuhan.
Agad akong lumabas sa cubicle at naghilamos. Napatingin nalang ako sa salamin at sinabi ko sa sarili ko na matatapos din lahat ng 'to. Lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Nung pakiramdam ko na okay nako ay agad akong lumabas at sumalubong sakin si Ange at agad ako niyakap. "Okay ka lang ba?"
"Oo naman!" sagot ko habang may pekeng ngiti.
"C-charmaine..." nagulat nalang kami nang makita namin si Lance na hingal na hingal na para bang galing sa pagktakbo. Nakita ko na naman sya.
"Lets go Ange." pagyaya ko pero agad syang nagsalita.
"Okay ka lang ba?" tanong nya. Napatawa ako at napatigil.
"Gago kaba Lance?! Ang laki laki mong manhid at tanga!" bulyaw sa kanya ni Ange. Agad akong humarap kay Lance. Inipon ko lahat ng lakas ng ko para harapin sya ulit.
"Im not okay! Masakit Lance. Sobrang sakit. Na parang pinamumukha mo pa sakin na okay na kayo ni Tony. Isang araw lang lumipas pero ngayon, kayo agad ni Tony makikita ko? Na nagkabalikan kayo! Wag kang magtanga tangahan lang. Hindi kaba nagsasawa? Lagi mo nalang akong ginaganito!" sermon ko sa kanya at yung mga luha na akala ko hindi na ulit lalabas ay isa isang bumagsak.
"Sorry, Charmaine.." sambit nya.
"Sorry na naman? Sinusubukan kong kalimutan ka Lance, na kahit sobrang hirap kinakaya ko pero kung ganyan ka at ipapamukha mo sakin na wala lang ako sayo at parang wala lang sayo yung mga pinagsamahan natin, paano ako magpapatuloy? Please Lance, stop it. Pagod na pagod nako." sambit ko at balak sanang lumakad para makalayo na sa kanya nang bigla nya kong hinila at hinalikan.
Yung labi ni Lance. Anong ginagawa nya? Ano bang pumapasok sa isip nya? Ano bang gusto nyang mangyari? Bakit sobra nya kong pinapahirapan?!
Agad ko syang tinulak at binigyan ng malakas na sampal. Napahawak nalang sya sa pisngi nya habang nakatingin sakin.
"Gago kaba talaga Lance?!" sabay tulak sa kanya ni Ange. Sobrang nagulat pa din ako sa ginawa nya kaya hindi kaagad ako nakapagsalita.
Hinarap ko ulit si Lance. "Inuulit ko Lance, pagod na pagod nako." sambit ko.
"Ayoko na, tama na please." pakiusap ko at tuluyan nang naglakad palayo s lalaking dahilan ng sakit ng puso ko.
-----
Sorry, pinilit ko lang po magupdate. Please respect.
Cheekiss011 ❤
BINABASA MO ANG
Silently, Shouting My Love. (COMPLETED)
RomanceI am Charmaine Cruz, I always hide my true feelings about him. I always keep this inside me. I silently, shouting my love for him. For Lance Latriz.