TTOW 6

481 62 29
                                    

TTOW 6

Sam POV


    NAPABALIKWAS AKO ng bangon ng maramdaman kong may humuhukay sa tiyan ko at mukhang naduduwal ako.


*blukk.. blukk*


Ughh.. Shit! Hindi ko ma-explain kung ano itong pakiramdam nato. Bago ito at hindi ko maintindihan.


Hinang-hina ako ng matapos kong iluwa lahat. Ilang saglit pa ay binuksan ko na ang faucet at sinahod doon ang dalawang kamay at inilapit sa aking bibig upang magmumog at para na rin mahilamusan ang aking mukha.


Tinitignan ko ang aking repleksyon sa salamin at nakita ko don ang pagiging maputla ng aking mukha.


Ilang araw na akong ganito madalas sumuka at mahilo. Ngunit hindi ko alam ang dahilan.


Lumabas ako ng banyo at naglakad patungong walk in closet upang kumuha ng damit pagkatapos ay bumalik ulit sa banyo para naman maligo.


Matapos kong maligo ay nakasuot ako ng asul na dress. Hapit ito sa aking katawan kaya makikita agad ang curve ng body ko.


I have a good body bonus pa don yung maganda kong mukha. HAHAHA Taas ng self-confidence!


After kong mag-apply ng light make ay bumaba na rin ako at gumayak. Gusto kong magliwaliw para makalimot panandalian sa sakit na naramdaman ko kahapon.


***


I went to the mall at exactly 11 o'clock in the morning.


Kumain ako sa isang Italian Restaurant at nang matapos ay nanood ako sa sinehan ng "Kita kita" dahil yun ang bagong palabas ngayon.


Nakakaiyak nga yung movie dahil feeling ko parang ako yung si Leah don eh. Wala lang feeling ko lang. HAHAHA... chos!


Pagkatapos kong manood at maggala saglit ay lumabas rin ako ng mall pero bago pa ako makalabas ng tuluyan ay naramdaman ko ang init ng singaw mula sa labas.


Kaya napaatras ako saglit at ilang minuto lang din ay napagdesisyunan ko nang lumabas.


Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa aking noo gamit ang aking panyo. Kalahating minuto na ata akong nakatayo dito ngunit wala pa ring dumadaang sasakyan.


Init na init nako dahil tirik pa man din ang araw ngayon at wala akong masisilungan.


Nang matanaw kong may papalapit na kotse ay hindi na ako nag-atubaling pumara subalit bago pa makarating ito sa aking harapan ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko.


Huli ko na naramdaman na may bumuhat sa akin bago ako tuluyan mawalan ng malay.


***


Namulat ko ang aking mga mata ng maalala ko ang nangyari sa akin kanina.


Bumungad sa akin ang kulay puting kisame at dingding. Maging ang kagamitan ay pamilyar dahil makikita itong lahat sa loob ng isang Hospital.


"Gising kana pala? How are you feeling?" sabi ng isang lalaki sa gilid ng kamang kinahihigaan ko.

 

Hindi ko siya kilala.


"Uhm... Who are you?" nakakunot-noo kong sabi sa kanya.


He giggled before he spoke "Nahimatay ka kanina and I saw you lying on the floor so dinala kita dito sa Hospital. Maybe because I thought may something bad happen to you." he said.


Napatulala ako sa kanyang mukha dahil ngayon ko lang natitigan ng matagal ang ganyang kagwapong mukha. Shet!


Ang gwapo niya hindi lang gwapo. As in 'Super Gwapo' niya. May tao bang ganito ka-perpekto ang itsura?


"Hey! Quit staring." as he snap his fingers at my face.


"Uh... Sorry! Hehe."  awkward na ngiti kong sabi sabay peace sign sa kanya. Iling-iling siya sa aking reaksyon at natawa matapos.


Napatingin kaming dalawa sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang isang doktor. May kasama itong isang nurse at nakasunod ito sa kaniya.


"So... Miss Santos. Anong nararamdaman mo?" ani ng doktor.


"Okay naman po Doc, medyo nahihilo lang po sa ngayon." I honestly said.


Tumango siya matapos kong sumagot at tumingin siya sa hawak niyang mga papeles.


"Don't stress yourself anymore. And be sure na palaging healthy na ang mga kakainin mo, I also recommend na mag take ka ng vitamins from now on." pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang maliit na papel na mukhang reseta.


Nagtataka man ay inabot ko pa din ang binigay niya. At bigla na lang nanlaki ang mga mata ko sa mga sumunod niyang sinabi.




I'm... What?















Edited.

The Temptation of Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon