TTOW 23

403 25 22
                                    


TTOW 23

Third Person


     KINAKABAHAN ANG lahat kung sino nga ba ang taong matagal na nilang pinakaaabangan at ano kaya ang itsura nito? Maganda? Matanda?


Nagpalakpakan ang lahat ng lumabas sa pulang kurtina ang isang napakagandang babae na nakasuot ng isang silk off-shoulder dress with a touch of blue, pink and green ang kulay nito at floral ang tanging designs rito.  Sinamahan pa ito ng isang white stiletto sa kaniyang panyapak. Napakakinis at nakakaakit ang kaniyang ganda kung kaya't namamanghang hinangaan agad siya ng mga naroon.


Sa kabilang banda, ay gulat naman ang makikita sa mukha nina Justin at Jessica nang makita ang babaeng lumabas sa kurtina. Hindi maipinta sa kanilang mukha ang kaba at tila hindi makapaniwala sa nakikita sa kanilang harapan.


"Good evening, Ladies and Gentlemen! Let us all welcome the CEO of S Incorporation. Let us all give her a round of applause to Ms. Nancy Song" masayang bati nung host.


Gulat at nagtataka ang dalawa nang marinig ang pangalan ng huli, hindi nila inaasahan na makikita ulit nila ang babae at sa pagkakataon pang ito.


"Hello everyone! Thank you for the warmth welcome, It felt so great! Thank you for coming in this special event, let us all have fun!" nakangiti niyang ani sa harap at nagpalakpakan muli ang mga tao.


Nakaka-overwhelm! Ayan ang nasa isip ni Nancy habang nakangiti at nakatingin sa napakaraming tao. Pagkatapos na pagkatapos din niyang magbigay ng speech ay napagpasyahan na niyang bumaba sa stage at naglakad,  sinalubong siya agad ni Jessica habang nakahawak naman ang babae sa braso ni Justin.






Nancy POV

Pagkatapos ng speech ko na yon ay bumaba agad ako sa stage at naglakad. Malayo pa lamang ako ay nakikita ko na sila. HAHAHAHA.


Bakas sa mukha nila ang gulat at tila naguguluhan mula pa kanina. At dahil doon ay mas lalong lumawak ang ngiti sa aking mga labi. Bakit ganyan ang mga inaasta niyo? Hindi ba kayo makapaniwalang magbabalik ako? Huh!


Kinakabahan at excited ang nararamdaman ko ngayon habang papalapit ako sa kanila.


Sam you can do it! N-no ikaw na si Nancy at hindi si Sam, you better go and make them feel your revenge for what they've do to you! Don't be stupid Nancy you can fight back but in a good way!


"Hello! Mr. Santos and Ms. Madrid. Thanks for coming. I appreciate your effort even though you're both busy." I smiled as I said that to them. And they're still shock standing in front of me. HAHAHA! What a face! 


Makalipas ang ilang minuto ay mukhang naka-recover na sila dahilan ng muling pagkapit ni Jessica sa braso ni Justin at napatingin ako dahil doon ngunit bumalik ang aking mga mata sa kanilang mukha. Si Justin ay naka-poker face lang habang yung bruha ay naka-smirk sakin at lalo pang idinikit ang katawan kay Justin. Napaismid ako.


"Well, it's nice to meet you Ms. Song finally! I thought hindi ka na magpapakita at magtatago na lang dahil ngayon ka lang nagpakilala at marami ring curious about you." mataray at may pagka sarcastic na saad ni Jessica.


"Hmm... Actually, I am a very busy person and I had a lot of works na dapat pang unahin, because it was way more important, that's why!" Sinabi ko yon at nakita ko sa aking peripheral vision na umangat ang kilay ni Justin ngunit ibinalewala ko din agad iyon.


"Ah.. Ms. Song, did we met before? Because you look like my wife and her name is Samantha Santos. Well, you're both different in some ways but your face... is very similar." sabat naman ni Justin sa akin at tila talagang tutok na tutok ito sa bawat galaw ko.


"Oh! Is that so Mr. Santos, I'm sorry  don't think nagkita na tayo before, but I remember I saw you sa isang Magazine that's how I knew you." nakangiti kong ani sa kaniya.


Nagulat ako ng may humawak sa aking bewang at ipulupot ang braso niya don. By the smell of his scent ay nakilala ko agad ito kaya naman nawala ang kabang nararamdaman ko. Lumingon ako kay Ivan at ngumiti nang napakatamis.


"Hey baby! Can we go home now? I don't think I feel well. Please?" malambing niyang sabi sakin. Agad uminit ang mukha ko sa iniasta niya.


Naku! Dito pa talagang umastang parang bata ang dami-daming tao. Nakakahiya!


"Yeah sure! Let's go! Magpaalam muna tayo kay Mommy bago tayo umalis okay?" 


Ngumiti siya sa sinabi ko at tumango. HAHAHA. Natutuwa talaga ako sa ginagawa niya. Hay! Ang cute niya grabee!~













Edited.

The Temptation of Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon