TTOW 13

407 45 21
                                    

TTOW 13

Sam POV


     MAAGA AKONG nagising kaya naman matapos kong iligpit ang aking pinaghigaan ay nag-ayos naman ako ng sarili. Pagkatapos ay naghanda ako ng almusal at kumain mag-isa.


Natapos ko nang hugasan ang pinagkainan ko kaya naman ay naisipan ko ding linisan ang bahay. Bakit? Wala lang hehe... feel ko lang maglinis ngayon. Sinisipag ata ako eh.


Gusto ata ng katawan ko na maging productive ang araw na ito kaya naman mabilis ko lang nalinis ang mga gamit dito sa taas kaya naman napagpasyahan ko ng bumaba upang doon naman maglinis.


Nakaka-tatlong hakbang palang ako ng may kamay na dumikit sa aking likuran at tinulak ako. Hindi ko nabalanse ang katawan ko kaya naman nahulog at nagpagulong-gulong ako sa hagdanan.


A-ahh... ang s-sakit... ang sakit ng tiyan ko. My baby!


Tumingin ako sa aking tiyan ngunit napansin ko ang aking hita at mayroon iyong dugo. Dumarami ang dugong lumalabas. Aaaahhhhh!!! N-noooooo!!!


Kumirot ang aking tiyan at unting-unting sumakit at doon ako napadaing ng husto. Namilipit ako sa sakit at hindi ko alam kung anong gagawin. S-sobrang sakiiiiiittttt!! HEEELLLLPPPPP!!!


"Ma'am Sam, okay lang po ba kayo? Ano pong nangyari sa inyo?" Tumakbo palapit sa akin si Mang Isko at napatingin siya sa aking binti at nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang ang daming dugo ang nagkalat sa sahig.


"N-naku ma'am! D-dinudugo po kayo! D-dadalhin ko na po kayo sa hospital!" Natataranta niyang ani sakin habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa aking mukha at sa aking binting puno ng dugo at tsaka niya ako binuhat at mabilis na idinala sa kotse.


Nanginginig pa ang kaniyang kamay ng isuksok niya ang susi roon.


Kinabahan ako at napapikit ako sa sakit ng maramdaman kong humilab muli ang aking tiyan. Oh gosh! A-ahhhhhh!!


P-please baby.. kapit ka lang.. huwag kang susuko para kay mommy. H-huwag kang bibitaw please... Nagmamakaawa ako...


At hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari... Ang huli ko na lang matandaan ay ang paglapag sa akin sa stretcher bago ako lamunin ng kadiliman.


Diyos ko! Kayo na po ang bahala sa aming mag-ina! Huwag niyo po kaming pababayaan..







I'm sorry baby...















A/N: Short ud ✌



Edited.

The Temptation of Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon