TTOW 3
Sam POV
KAKATAPOS LANG namin kumain ng hapunan at ganon rin ang mga nahugasan kong pinggan ay tapos na.
Nagpunas ako ng mga kamay sa tuyong bimpo malapit sa pwesto ko at pumanhik na sa aming kwarto dahil nauna na nga si Justin sa taas kaya ako na lamang ang aakyat mag-isa.
Pagkabukas ko ng pinto ay siya ding pagbukas ng pinto ng CR at iniluwa nito ang aking asawa nang nakatapis lang ng tuwalya sa kaniyang bewang.
Napalunok ako ng wala sa oras at isinara ang pintuan sa aking likuran nang hindi hinihiwalay ang paningin ko sa kanyang katawan.
Oo! Aaminin ko may abs si Justin at ganitong-ganito rin ako ka-kabado ng gawin namin yung 'you know' at yun ang first time ko, I mean first time pala namin. Hehe.
"Do you want to touch it? Come here! This is all yours." nakangisi niyang sabi na tila natutuwa sa aking reaksyon.
Wattdaheck! Ramdam kong pinamulahan ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
Oh Lupa! Magbukas ka at kainin mo na ako ngayon din! Oh shet na malagkit. Bakit ganyan ka makatingin sa akin?
Humakbang siya papalapit sakin ngunit umatras ako. Humakbang ulit siya ng isa pa at umatras muli ako pero huli na ang lahat dahil na-corner na niya ako sa pintuan ng ganon kabilis. Waaaaahhh! Tukso. Layuan mo ako! Huhuhu..
Napayuko ako para hindi niya makita ang mukha kong kasing pula ng kamatis at ipinikit ang aking mga mata. Juice colored.
Ilang sandali lang ay inangat niya ang baba ko gamit ang kanyang kaliwang kamay at ngayo'y nga ay nagtama ang aming mga mata.
Tinitignan niya ko na para bang nakikita niya pati ang kaluluwa ko maging ang atay at balun-balunan ko sa loob. Eww. Yuck! Ano ba'tong pinag-iisip ko. Kadiri!
So ayun na nga at nagtitigan kami ng ilang minuto at nakita kong dahan-dahan niyang binaba ang mga mata niya sa ilong ko at nakatingin na nga siya ngayon sa aking labi. OMG! Nahigit ko ang aking hininga sa mabagal niyang pagkatitig roon.
Unti-unti niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin at naramdaman ko na lang ang paglapat ng aming mga labi kasabay ng pagpikit ng aming mga mata.
Tumagal iyon ng isa.. dalawa.. tatlo.. ay hindi sampung segundo! Oo, bilang ko yun! Wag kayong ano!
Humiwalay siya sakin. Mapupungay na mga mata ang bumungad sa akin at batid kong ganon din ang akin.
Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mamula-mulang labi kaya ako ay nahawa at napaangat na rin ang aking labi na naging isang ngiti na rin.
Marami siyang nanakaw sa aking halik bago niya ko bitiwan. Hay! Ito talagang kissing monster na ito oh!
***
Natapos ko na ang pagpapatuyo ng buhok dahil nakaligo rin ako sa wakas. Pagkatapos kasi ng nangyari ay heto ako at nakahiga sa aming kama.
Yumakap ako sa kanya habang naka-unan naman ang ulo ko sa kanang braso niya at hinapit niya pa lalo ang aking bewang upang yakapin ako ng husto.
"Good night, my wife." bulong niya sa aking tenga. At tila hinehele ako ng kaniyang tinig kaya biglang bumigat ang talukap ng aking mga mata.
"Good night din, asawa ko." mahinang ani ko.
He planted a kiss on my forehead before we sleep. Smile flastered on my face as I close my eyes and fell into the dreamland with the man I loved.
I wish we were still together hanggang sa tayo ay tumanda. At magkasama pa rin magpakailaman.
Sana huwag matapos itong kasiyahan nato. Kung maaari ko lang ihinto ang oras para lang makasama siya ng masaya at walang problema ay talagang gagawin ko iyon.
Makasama lamang siya sa piling ko.
Edited.
BINABASA MO ANG
The Temptation of Wife [COMPLETED]
Romance"Kill them with SUCCESS, and bury them with a SMILE.", sabi nga ng isang sikat na Kpop Star na si GD or G-Dragon na kung tawagin nila. Isang paghihiganti ng isang asawa.. Madadala nga ba sa isang tukso ang dating minahal? Magtagumpay kaya ang mga pl...