TTOW 12
Sam POV
KAKAUWE KO lang ng bahay dahil galing ako sa pamimili nang groceries. Naabutan ko sa sala si Justin kasama si Tita at ang babaeng hindi bago ang mukha sakin.
Napansin siguro ng babae ang presensya ko kaya lumingon ito sa gawing kinatatayuan ko maging si Justin at Tita din ay napabaling sakin ang kanilang atensyon.
Nakataas ang kilay ni Tita nang tumingin ito sakin. Si Justin naman ay walang ekspresyong makikita sa mukha at yung babae naman ay nakangiti.
Bakit parang peke naman yung ngiti niya?
Napailing ako sa aking nasabi sa isipan. Erase, erase... Kung ano-ano ang iniisip ko! Hindi maganda yan Sam, tumigil ka!
Dug dug. Dug dug. Dug dug.
Ganoon na lang ang gulat ko ng hilahin nung babae ang braso ni Justin at hinalikan ito sa labi, maging si Tita ay nabigla din sa ginawa nung babae.
Nagulat si Tita sa una pero bigla itong ngumisi at tumingin sa akin. Tinitigan niya ang mukha ko at tila nag-aantay kung ano ang magiging reaksyon ko.
Nanigas ako sa aking pwesto. Hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin? Kung tatakbo ba? Pupuntahan sila at susugurin ang malanding iyon? o mananatili na lamang sa kinatatayuan ko? Bakit ganito? Nasasaktan ako!
Ang tanging paraan na naisip ko ay ang tumakbo mula sa kanila. Hindi ko kayang makita iyon ng matagal. Napahagulgol na lang ako dito sa swing sa may parke malapit sa bahay namin.
Natatandaan ko na yung itsura nung babaeng yun! Siya rin yung kahalikan ni Justin noong isang araw. Sa mismong office niya!
Pakshet! Bakit hindi ko agad nakilala? Huhuhuhu..
Lord? Bakit po ganon? Bakit kailangan ko po itong pagdaanan? Bakit mo po ako pinapahirapan? May nagawa po ba akong kasalanan sabihin niyo naman po kasi hindi ko po talaga alam eh! Ang sakit-sakit na.
Kaunti na lang at parang susuko na ako. Manhid nga ata itong puso ko dahil kahit ang sakit-sakit na ng paulit-ulit.. mahal na mahal pa rin kita!
Napahawak ako sa aking tiyan may kaunti na itong umbok dahil magda-dalawang buwan na siya.
Hindi ko alam kung hanggang saan pa aabot itong pagtitimpi at ang pagpapasensya ko sa mga ginawa sa akin ni Justin? Hindi ko alam...
I felt so betrayed and alone at the same time.
I feel so hurt and broken! Yet here I am no one can comfort me at this situation. No one can understand how I feel right now!
I shivered when the cold winds blow. Hinimas ko ang aking balikat at nagpalipas pa ng ilang minuto doon bago napagdesisyunang umuwi ng bahay.
Edited.
![](https://img.wattpad.com/cover/141313366-288-k897274.jpg)
BINABASA MO ANG
The Temptation of Wife [COMPLETED]
Romance"Kill them with SUCCESS, and bury them with a SMILE.", sabi nga ng isang sikat na Kpop Star na si GD or G-Dragon na kung tawagin nila. Isang paghihiganti ng isang asawa.. Madadala nga ba sa isang tukso ang dating minahal? Magtagumpay kaya ang mga pl...