TTOW 20

452 39 17
                                    

TTOW 20

Sam/Nancy POV

     MAYA-MAYA lang ay nilapit niya ang mukha niya sakin at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Hindi agad ako nakakilos sa mabilis niyang kilos pero nang gumalaw ang labi niya ay tinugon ko ito ng walang pag-aalinlangan.

Kinagat niya ang labi ko at nagulat ako roon dahilan para mawalan ako ng lakas at tila nakakapanghina ng mga tuhod. Mabuti na lamang at nakupo ako ngayon.

Lumalim ang mga halik niya at naglakbay ang mga kamay niya sa aking katawan at dahil don ay naitulak ko siya ng biglaan. Hinabol ko ang aking hininga at ganon din siya.

"I'm sorry..." sabi niya at lumabas ng kwarto.

What was that? Huh? Nancy! Ano bang nasa utak mo at tinugon mo ang mga halik niya ahh?

Napailing na lamang ako at nagbihis na rin pagkatapos ay humiga na sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Ngunit hindi mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina lang. Napahawak ako sa labi ko. Never pa namin nagawa iyon ni Ivan hanggang kiss lang at hindi na umabot sa mas malalim pa don. Ngayon lang nangyari! As in! Hayst!

KINABUKASAN

Nagising ako ng saktong alas-sais ng umaga. Tumayo ako at nag stretch bago nagtungo sa banyo at ginawa ang aking morning routine doon.

Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kwarto. Pero nung lumabas ako ay ang tahimik ng paligid at naisip na baka sobrang maaga pa nga kaya wala pang tao.

Bumaba ako nang hagdanan para sana pumunta sa kusina ngunit nang nasa pang anim na baitang na lang ay dumulas ang kaliwang paa ko at nagpagulong-gulong ako sa hagdan at napasalampak ako sa sahig.

"You may now kiss the bride."  at itinaas ni Justin ang belo na nakatakip sakin at unti-unti niyang nilapit ang kanyang labi sa akin at hinalikan ako.

"My wife, Ilan ba ang gusto mong anak? 10? 20?" nakangising sabi ni Justin sa akin at dahil sa mga sinabi niya ay nahampas ko siya sa braso na ikinatawa niya.

"J-Justin, can we talk?" Nagmamakaawa kong sabi sa kanya at hinawakan siya sa braso pero tinanggal niya lang iyon at umalis.

Sinugod ako ni Jessica ng siya ang sumulpot sa harap ko at wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak nang umiyak.

"Tandaan mo Sam! Akin lang si Justin huh!" At nandilim na ang aking paningin.

Nagising ako sa imaheng yon at lumuluha habang nakaupo sa sahig na siyang kinalaglagan ko.

Naalala ko na! Naalala ko na ang lahat lahat! Kung sino ako! Kung anong nangyari sakin! Lahat-lahat ay alam ko na!

Kung paano ako tinalikuran ng asawa ko nang dahil sa babaeng iyon at kung p-paano ako napunta dito.

Naalala ko na ang lahat.. Hintayin niyo ang aking pagbabalik! Sisiguraduhin kong magbabayad kayo sa lahat ng nangyari sakin. Kung paano ninyo ako pinagtabuyan at sinaktan! Lahat ay gagawin ko para maghiganti!






























































Edited.

The Temptation of Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon