TTOW 7
Sam POV
NAKATULALA LAMANG ako habang nakaupo sa kama. Kaya ba ganito na lang yung nararamdaman ko tuwing umaga? Kaya ba madalas akong mahilo?
Ito ba yung mga signs? Bakit hindi ko alam? Kung hindi pa siguro ako na hospital malamang ay hindi ko rin malalaman.
Haysst.. Paano ko ba ito sasabilhin sa kanya eh hindi nga kami nagkikita dito mismo sa bahay.
Napangiti ako ng maalala ko ulit yung sinabi ng Doktor.
FLASHBACK
"Don't stress yourself anymore. And be sure na palaging healthy na ang mga kakainin mo. I also recommend na mag take ka ng vitamins from now on." pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang isang papel na mukhang reseta.
"Miss Santos... You're two weeks pregnant. So you must not forget ang lahat ng binilin ko sayo. Understood?" he said.
"Y-yes po , Doc." tumatangong ani ko sa kaniya.
"Okay. If you may excuse us, mayroon pa akong pasyenteng pupuntahan." nakangiti niyang sabi at tumalikod na sa amin. Kasama ang nurse sa kaniyang gilid.
END OF FLASHBACK
Nagsuot ako ng Pink na dress with ribbon siya na parang neck tie. Napagdesisyunan ko kasing pumunta sa company at mabuting sabihin kay Justin itong good news.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa sinabi kong address. Tumango ang driver at maingat itong bumiyahe.
Binati ako ng mga empleyado pagkapasok ko pa lang ng building. Alam nilang kasal at mag-asawa na kami ni Justin and everyone in this company knows it.
Ngumiti lang ako sa lahat nang bumabati sa akin.
Pinindot ko ang numerong twelve sa elevator kung saan naroroon ang office ni Justin.
*ting*
Lumabas ako at naglakad patungo sa dulong pintuan. Dito kasi sa floor na ito si Justin lang ang gumagamit at bawal ang basta-bastang pumasok ng walang pahintulot mula sa ibaba.
Nadaanan ko ang pwesto ng secretary niya ngunit hindi ko ito nakita roon. Nakibit-balikat na lamang ako.
Sabagay hindi ko na kailangan pa magpaalam dahil dati naman akong nagpupunta dito.
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla ng matapat ako sa pintuan ng office ni Justin.
May pakiramdam akong may masamang mangyayari kung sakaling buksan ko ang pintuang ito. Ngunit iwinaglit ko iyon sa aking isipan.
*Inhale. Exhale*
Unti-unti kong binuksan ang pintuan at ganoon na lamang ang gulat ko sa aking nasaksihan.
May kahalikang babae si Justin habang nakakandong ito sa kaniya at ang mga kamay nito ay tila hindi mapakali at naglilikot sa buong katawan ng babae.
Doon nagsiunahan tumulo ang mga luha ko. Hindi nila napansin ang presensya ko at ilang minuto bago ako bumigay ng husto ay nakita nila akong nakatayo doon at humihikbi.
Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko at tila kakapusin ako ng hininga kaya tumalikod na ako at tumakbo paalis.
Edited.
BINABASA MO ANG
The Temptation of Wife [COMPLETED]
Romance"Kill them with SUCCESS, and bury them with a SMILE.", sabi nga ng isang sikat na Kpop Star na si GD or G-Dragon na kung tawagin nila. Isang paghihiganti ng isang asawa.. Madadala nga ba sa isang tukso ang dating minahal? Magtagumpay kaya ang mga pl...