TTOW 4

521 75 22
                                    

TTOW 4

Sam POV


  LUMIPAS ANG ilang araw at naging malambing sa akin si Justin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero masaya ako at naging ganon siya sa akin. Katulad na lang ng nangyari kahapon.


FLASHBACK

Nagtutupi ako ng mga damit namin sa kama ng maramdaman kong pumulupot ang braso niya sa aking bewang. Ang mainit nitong hininga ay tumatama sa aking leeg at tila nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.


Hindi pamilyar sakin ang mga ito at bago ko pa tanggalin ang pagkakakapit ng mga braso niya sa aking bewang ay naramdaman ko na ang malambot na bagay na dumampi sa aking balikat.


Dinampian niya ito ng halik paunti-unti hanggang sa papunta na ito sa aking leeg na nagpatindig sa aking mga balahibo.


'Ghad! Anong ginagawa mo sa akin, Justin?'

END OF FLASHBACK


Hindi maalis sa isip ko ang mga pangyayari kahapon. At oo, pagkatapos non ay may nangyari nga samin. Matapos ang ilang buwan ay ngayon na lang namin ulit nagawa ang bagay na iyon.


***


10:00 PM

Anong oras na at hindi pa rin siya umuuwe? Kanina pa ako hindi mapakali dahil nag-aalala ako. Dapat pagsapit pa lamang ng alas siyete o alas otso ay nakauwi na siya ngunit wala pa rin siya hanggang ngayon.


Bakit ganon? May nangyari kaya? Kinakabahan ako dahil kung ano-anong bagay ang sumasagi sa isipan ko.


Lumipas pa ang dalawang oras ng bumukas ang pintuan. Nang marinig ko ang tunog non ay dali-dali akong bumaba para sana salubungin siya kaya lang ay nilagpasan niya ako na para bang hindi niya ako nakita at umakyat ng deretso sa kwarto namin.


Hahabulin ko pa sana siya ngunit narinig ko na ng mabilisan ang pagsarado ng aming kwarto.


Napatigil ako sa aking kinatatayuan. Naestatwa ako sa hindi ko malamang dahilan. 'Bakit? Ano ba ang nangyare? Bakit hindi niya ako sinalubong ng halik at yakap?'


Batid kong hindi maganda ang naging araw niya ngayon kung kaya't ganon na lamang ang kaniyang iniasta.


Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala doon. Ang daming pumapasok sa isipan ko kung bakit ganon ang pakitungo niya sakin.


Hindi rin ako makatulog ng gabing iyon. Hindi niya ako kinibo nang makapasok ako sa aming kwarto at naabutan na lamang siyang tulog sa aming kama. Talagang bumagabag sa akin ang ginawa niyang iyon. Hindi ko maintindihan?


Masaya pa kami kahapon tapos ngayon? Parang may mali? Ay, hindi! May MALI talaga! Ano naman kaya ang problema niya. Hindi niya sinasabi sa akin. Sana ay hindi masama iyon.


Because I really am worried right now!


















A/N: Short UD


Edited.

The Temptation of Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon