TTOW 9
Sam POV
NAKAPAGLINIS NA ako ng buong bahay dahil nagsabi si Justin na darating daw si Tita, ang Mommy niya!
Una pa lang ay hindi na boto sakin ang parents niya, I mean ang Mommy niya lang pala pero dahil mahal namin ang isa't-isa kaya natuloy pa rin ang pagpapakasal naming dalawa.
This is my third time na makikita ko ulit ang Mommy niya at talaga namang sobra akong kinakabahan ngayon, maging ang mga palad ko ay nanlalamig sa sobrang kaba.
Ilang oras na lang ay darating na siya. Si Justin naman ay hindi pa makaka-uwi sa ngayon dahil may dalawa pa daw siyang meeting na mga foreign investors kaya malamang late na yun makakauwi.
Hindi ako mapakali kaya chineck ko ulit ang mga hinanda kong mga pagkain sa lamesa at inayos ng kaunti ang mga utensils. Para may magawa lang.
Nakarinig ako ng mga yapak ng sapatos na nanggagaling mula sa aking likuran. Hindi ako mapakali at tila mauubusan ako ng hininga dahil alam kong nariyan na siya. Hindi nga ako nagkamali nang ito ay aking nilingon, nandito na ang Mommy ni Justin.
Nakasuot ito ng isang red silky dress with a pearl accessories on it. Hindi mo masasabing nasa late 40's na ito dahil sa kinis ng balat, postura at pananamit nito ay masasabi mong nasa mid 30's lang ito.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. At doon muling bumalik ang kabang nararamdaman ko.
"Where's my son?" nakataas ang kilay na ani niya sakin.
"M-meron pa po siyang dalawang meeting this afternoon sa mga foreign investors pagkatapos po ay u-uuwi na siya ng bahay." hilaw na ngiti kong sabi habang nauutal sa kaba.
Tinaasan niya lang muli ako ng kilay at tumalikod na.
"Where's my room? Did you clean it?" mataray nitong sabi habang naglalakad.
"Y-yes po t-tita. Kaninang umaga pa po. Sa may second floor po sa left side." I nervously said.
"Good. Magpapahinga muna ako. I'm really tired and don't disturb me! Understood?" dere-deretso nitong sabi paakyat ng hagdan.
"Yes po." tumatangong tugon ko.
Pagkatapos ay sinundan ko ito ng tingin hanggang sa ito'y pumasok sa guest room kung nasaan ang kanyang kwarto.
Doon lamang ako napabuga ng hangin nang tuluyan itong makapasok sa loob. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ganon na lang ang takot at kabang nararamdaman ko sa tuwing kami ay magkaharap.
Para akong naubusan ng lakas at napaupo na lamang sa sofa na malapit sa aking kinatatayuan.
Napasulyap ako sa malaking orasan sa itaas at nakitang medyo matatagalan pang makauwi ang aking asawa.
Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na ito. Gusto kong libangin ang sarili habang nasa loob pa ng kwarto ang mommy ni Justin. Gusto kong sulitin ang ilang oras bago ito bumaba at saluhan kaming maghapunan.
Dedicated to VHope_0325Rocel Thank you so much dear sa pag-votes. (finger heart) :*
Edited.
![](https://img.wattpad.com/cover/141313366-288-k897274.jpg)
BINABASA MO ANG
The Temptation of Wife [COMPLETED]
Romance"Kill them with SUCCESS, and bury them with a SMILE.", sabi nga ng isang sikat na Kpop Star na si GD or G-Dragon na kung tawagin nila. Isang paghihiganti ng isang asawa.. Madadala nga ba sa isang tukso ang dating minahal? Magtagumpay kaya ang mga pl...