TTOW 19
Sam/Nancy POV
After 2 Years
PAGKALAPAG NG eroplanong sinasakyan namin ay inayos namin agad ang mga gamit at siniguradong wala kaming nakalimutan o nakaligtaan kahit isang bag.
"Welcome back to the Philippines!"
Maligayang pagbati ni Mang Nestor, isang personal driver ng mga Song at malapit sa pamilya. Bungad saamin nang makalabas kami ng paliparan at napangiti na lang dahil sa kasiglahan ng matanda.
"Nako! Ikaw na po ba yan ma'am Nancy? Ibang-iba na po ang itsura niyo ah! Mas gumanda po lalo kayo!" namamanghang ani ni Mang Nestor sa akin.
"Nako! Mang Nestor wag po kayong bolero diyan... HAHAHA" nahihiyang tugon ko sa kausap.
"Yeah! I agree with Mang Nestor you look different... I mean you look surprisingly beautiful." naka ngiting sabi sakin ni Ivan at dahil don hindi ko namalayang nag-init ang aking pisngi na siyang ikinatawa nila.
"Oo nga pala, iha... This coming September I want you to handle our company in Manila and by October ipapakilala ka na namin sa lahat because you know it naman na diba?" at hinawakan ni Tita Macy ang mga kamay ko at pinisil iyon.
Tumango na lamang ako sa kaniya at ngumiti ng tipid dahil sa biglang kabang aking nararamdaman. Hindi ko mawari kung matatanggap ba nila ako. Ayaw kong mapahiya si Tita Macy lalo na si Ivan kaya gagawing ko ang best ko para lamang maging successfull ang event na iyon.
Si Tita Macy ay ang Ina ni Ivan at Nancy, si Nancy ay nakababatang kapatid ni Ivan but unfortunately she was died at a car accident so nung makita ako ni Ivan sa beach at dinala sa bahay ayun ang ibinigay nila saking pangalan because I can't remember the past anymore at ang sabi nila ay nagkaroon daw ako ng Amnesia.
Dahil nga nawala sa kanila ang tunay na Nancy ay tinuring ako ni Tita Macy bilang anak niya at ginawa akong Nancy Song para mawala sa isipan niyang nawalan siya ng anak sa katauhan ko at pumayag naman ako don.
Pumasok ako sa aking kwarto at humiga roon sa kama... Grabe! Namiss ko to...
Matapos ang limang minuto ay tumayo ako at pumasok na ng banyo para makapaghalf-bath.
Hinubad ko ang suot kong dress at sinunod ang mga under garments ko at humiga na sa bathtub. Masarap sa pakiramdam dahil sa pagod ko kanina kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko at umidlip sandali.
Nang mag-kalahating minuto na ay napagpasyahan ko ng tumayo at nagbanlaw matapos ay inikot ko sa aking katawan ang tuwalya at lumabas na nga ng banyo.
Nang makalabas ako ay ganon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang nakita ko roon si Ivan sa aking kama, nakaupo at tila naghihintay sa akin. Nang maramdaman niya panigurado ang aking paglabas ay lumingon siya sa gawi ko at matamang ngumiti.
Naglakad ako papuntang closet at ramdam ko ang titig niya sakin habang naglalakad patungo roon. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at ang matagal niyang batid kong paninitig sa akin.
"What are you doing here, Ivan?" I nervously asked.
"Hmm... I just want to talk with you." nakangiti ani niya as I faced him at tila amused siya sa kaniyang nakikita.
"Tungkol naman saan?" at umupo ako sa kama ngunit malayo sa pwesto niya at nagpahid ako ng lotion sa aking balikat at kamay.
Hindi siya nakasagot kaya naman lumingon ako sa pwesto niya at nakita kong matamang nakatitig lamang siya sa aking ginagawa maging sa aking mukha.
Maya-maya lang ay nilapit niya ang aming distansiya at nilapit ang mukha niya sakin. Nagitla ako nang maramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Hindi agad ako nakakilos sa mabilis niyang kilos pero nang gumalaw ang labi niya ay tinugon ko ito ng walang pag-aalinlangan.
Edited.
![](https://img.wattpad.com/cover/141313366-288-k897274.jpg)
BINABASA MO ANG
The Temptation of Wife [COMPLETED]
Lãng mạn"Kill them with SUCCESS, and bury them with a SMILE.", sabi nga ng isang sikat na Kpop Star na si GD or G-Dragon na kung tawagin nila. Isang paghihiganti ng isang asawa.. Madadala nga ba sa isang tukso ang dating minahal? Magtagumpay kaya ang mga pl...