Sana.
"Take care of our daughter." Uncle Dan said bago niya iabot kamay ni Dahyun sa akin.
Today is the wedding day, it's not a church wedding. Judge bale ang nagkakasal sa amin.
Tsaka na lang daw ang formal wedding kung sakali. Alam ko namang wala ng ganun isang taon lang naman kaming magsasama.
Mga magulang lang namin at ibang kaanak lang ang nandito. I wonder anong reaksyon ng mga kaibigan ko kapag nalaman nilang kasal na ako.
"You look beautiful." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Same as you." she smiled.
She's so damn beautiful in her simple white dress.
Nagstart ang kasal ng nanlalamig ang mga kamay ko.
Alam kong kasunduan ang lahat at hindi ko ginusto pero di ko lubos maisip at maintindihan bakit ganito yung nararamdaman ko.
"I do." sabi ko ng ako na ang tanungin.
Nung sinabi ng judge na pwede ko na siyang halikan nginitian niya lang ako.
Hudyat yun para ipaubaya niyang halikan ko siya.
As I kiss her I felt the connection na ngayon ko lang naramdaman.
"I know pronounce you, man and wife." the judge stated.
Matapos ang kasal may simpleng handaan sa bahay namin.
Matapos ng simpleng selebrasyon yun, sabay kaming nagpunta ni Dahyun sa bahay na naipatayo ko.
Dun na kami titira gaya ng usapan. Bago ako umalis andaming bilin ni Dad sa akin na alagaan ko daw siyang mabuti.
Hindi ko inakalang ganito ang kahahantungan ng lahat.
Nanatili ako dito sa may roofdeck ng bahay. Hawak ang isang can ng beer habang naiisip ang maaring mangyare sa araw araw.
Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako sa panahong 'to. Hindi ko pa yata tanggap ang sitwasyon at hindi ako handa na maging pamilyado pero anong magagawa ko?
Ilang oras din akong nag isip isip bago magpunta sa kwarto ko. Oo, hindi kami matutulog sa iisang kwarto nag insist ako para hindi na niya kailangan pang mag adjust.
Nang mapadaan ako sa veranda andun siya, hindi pa siya natutulog kahit medyo late na ng gabi.
"Bakit gising ka pa?" tanong ko ng makalapit sa kanya. Nakatalikod siya sa akin at tinatanaw niya ang Han River na makikita mula dito. "Alam mong buntis ka kaya dapat maaga kang nagpapahinga, baka makasama sa bata." dagdag ko pa.
Pero hindi siya sumagot bigla nalang niya kong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pag iyak niya.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.
"Naguguilty ako. Kase nakikita ko yung lungkot sa mga mata mo dahil pinakasalan mo ko." sabi niya kasabay ng paghikbi niya.
"Wag mong isipin yun. Wag kang maguilty, aalagaan kita hanggang sa mailabas mo si baby. Sapat na yung nakikita ko yung relief mo kase kahit buntis ka wala na silang ibang masasabi sayo." pag-aassure ko sa kanya.
Hindi ko alam baka epekto lang ng moodwings niya kase buntis siya. Pero parang merong kung ano akong nararamdaman na ayaw kong nalulungkot siya.
Umupo kami sa may sofa dito sa veranda, nakakandong siya sa akin at nakasandal siya sa chest ako. Hindi siya nagsasalita ramdam ko ang pagyakap niya sa akin.
Hanggang sa lumalim ang paghinga niya. Nakatulog na pala siya, para siyang bata at nakatulog pa sa bisig ko tsaka ko naman naalalang buntis pala siya.
It's my first time to take care of a pregnant. Hindi lang talaga ako sanay, binuhat ko siya at inihatid sa kwarto niya.
Kinumutan ko lang siya at ginawaran siya ng halik sa noo bago ako lumabas ng kwarto niya.
It's our first night together but I don't understand what I feel right now. I'm melting because of her, hindi naman ako ganun kadaling ma-attach. Malaking tulong rin siguro ang pagiging malambing niya dahil sa pagbubuntis niya.
Hindi na nga rin siguro masama. Kahit alam kong mahal niya padin at nalulungkot siya dahil sa daddy nung batang dinadala niya hindi naman siguro masamang manataling nakaantabay sa kanya. Kase bukod sa mag asawa kami sa papel magkaibigan narin naman kami.
Pumunta ako sa kwarto para makapagpahinga at ng makatulog na.
Kinabukasan pasado 10am narin pala akong nagising. Sa sobrang pagod rin siguro sa okasyon kahapon.
Bumaba ako sa may sala ng abutan ko si Dahyun na natutulog sa may sofa. Aba naman, naka-on pa yung TV at wow Spongebob Squarepants pa ang pinanonood.
Hindi pa ata 'to nakakakain at talaga namang nanood pa ng ganito.
Kinuha ko yung hawak hawak niyang remote bago ako tumuloy sa kusina.
Damn. I really don't know how to cook. Buti na lang talaga marunong akong magluto ng breakfast.
Nagluto lang ako ng bacon and omelet tsaka fried rice nagtimpla narin ng isang coffee at hot choco.
Inihain ko lang yung sa may lamesa bago ko ginising si Dahyun.
"Wake up, sleepy head." sabi ko at bahagya siyang inalog.
"Hmm.." mahinang daing niya.
"Ang aga mong nagising dahil sa Spongebob na yan kaya ka nakatulog. Breakfast is ready, gutom na si baby." gising ko pa sa kanya.
Doon naman siya nagmulat ng kanyang mga mata. Kinusot kusot niya pa yung mga mata niya bago yumakap sa akin.
"Buhat mo ko." parang batang saad niya.
"Bigat bigat mo eh." reklamo ko.
"Edi di ako kakain." pagsusungit niya.
"Aish. Kundi ka lang buntis." sabi ko at agad siyang binuhat papuntang kusina. Nadadala ko naman siya, hindi naman siya kabigatan idagdag mo pang mas matangkad ako sa kanya.
"Sana, I want ampalaya." napatanga ako sa food cravings na sinabi niya habang nag uumpisa sa pagkain ng breakfast.
"Seryoso ka?" tanong ko.
"Mukha ba kong nagbibiro? Fried ampalaya, I want it now Sana." nagdadabog na siya kaya wala na kong nagawa.
"Fine, I'll cook for you." sabi ko.
"Yey! May mayonaise ah!" para talagang bata eh.
Kakamot kamot ako sa ulo ko ng tumayo ako para magluto. Nyeta, yan pa lang yung cravings niya ah sana wala ng ma lalala pa.
"Nagdadabog ka yata eh!" puna niya.
"Hindi po ah. Happy nga ko na ipagluto ka eh." nakakalokong sabi ko habang hinahanda yung kawali tsaka hinugasan at hiniwa yung ampalaya.
Pagkatapos kong magluto inilapag ko sa kanya at ang saya saya eh.
Niligpit ko na lang yung naunang kinain namin pagkatapos bago ko hugasan yung plato pinanood ko lang siyang kumakain.
"Tikman mo." saad niya na tila sarap na sarap sa kinakain niya.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Huta anong lasa nun.
"Wag na, kaw na ubusin mo na yan." tanggi ko.
"Titikman mo 'to o lalayasan kita?!" triggered nama ngayon kaya wala akong nagawa kundi kumagat sa pagkain niya. Aish, ang panget ng lasa.
"Masarap diba?" parang batang sabi niya.
"Oo, masarap nga." pabalang na saad ko.
Napapailing na lang ako dahil nagpatuloy siya sa pagkain niya ng pinaluto niya.
Ang cute niya lang. Ang aga aga pero parang nabuo na ata ang araw ko ng makita ko siya.
Kung sa araw araw na ginawa ng Diyos siya ang makikita at makakasama ko, I don't mind.
----
BINABASA MO ANG
Intoxicated|SaiDa
Fanfiction"I was the girl who gets pregnant but the father of my child refused to marry me. So they forced her to marry me even if she's against with it." -Kim Dahyun