Sana.
Busy ako sa paghuhugas ng pinagkainan ni Dahyun hanggang mapansin kong pumunta na pala siya sa may sala.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan pinuntahan ko siya sa sala aba naman. Yung bata nanonood ng Spongebob Squarepants nanaman.
"Dahyun, kamusta naman kaya ang personality ni baby kung yang si Spongebob ang lagi mong pinanonood?" pang aasar ko sa kanya tsaka umupo katabi niya sa may sofa.
"Pake mo ba?" sabi niya at nanood na lang.
Dalawang cartoons lang naman ang lagi niyang pinanonood. Ang We Bare Bears at Spongebob Squarepants nagpabili pa nga yan ng CD sa akin. Ewan ko na lang talaga.
"Ang cute ni Spongebob no? Tas medyo tanga at lampa gaya mo." walang preno niyang sabi.
Napasimangot na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. Mga kalokohan niya eh ako nanaman ang nakita.
"Pasalamat ka buntis ka." bubulong bulong nalang ako baka kasi marinig at magwala.
"Ano?" tanong niya.
"Wala nood ka na lang dyan. Punta akong kwarto ko. Bala ka dyan." sabi ko pero bago pa ko tumayo umupo siya bigla sa lap ko ng paharap sa akin.
"Dito ka lang. Wag mo kong iiwanan." nagulat naman ako sa way niyang magsalita. Parang nang aakit ng di mo alam.
Hindi naman ako nagrereklamo sa pagkakakandong ko sa kanya eh di naman siya kabigatan.
Kaso lang talaga iba ang topak netong babaeng 'to ngayon.
"Oo na di na ko aalis. Umupo ka nalang ng maayos." sabi ko sa kanya.
"Ayaw ko. Dito muna ko." parang batang sabi niya. Kundi 'to buntis mapagkakamalang may saltik na eh
Wala na kong nagawa kundi umupo na lang ng maayos para di ako mangalay.
Sumandal ako sa sofa at siya naman sinandal niya ang ulo niya sa chest ko, busy pang nanonood. Ang hirap parang nag aalaga ako ng bata neto.
Niyakap ko na lang siya bilang suporta at ng di siya mahulog.
Tuwang tuwa talaga siya sa yellow na sponge na yun. Pambihira.
Inangat niya naman ang ulo niya at tumingin pa sa akin. Mukha pa kamo siyang inosente.
With my instincts I kiss her forehead. Nakasanayan ko narin namang gawin yun sa kanya.
Akala ko mahihirapan akong ihandle ang buhay mag asawa pero everyday lalo kong napapatunayan na masaya palang magkaroon ng pamilya.
"Wag mo kaming iiwan." nagulat ako sa paglambot ng ekspresyon niya. Epekto parin ba 'to ng pagbubuntis niya?
Tumango lang ako at nginitian siya.
I gave her a peck on the lips pero di ko alam san ko nakuha ang lakas ng loob ko na yun pero hihiwalay na sana ako ng panggigilan niya ang labi ko. Kinagat kagat niya pa.
"Woooy!" napahiwalay na lang si Dahyun ng magbukas ng pintuan.
Niluwa nito ang siyam na lalaking alam ko namang mas bata sa amin eh.
"Uso kumatok." sermon ko.
"Eto na yung pinabibili mong kimchi." sabi ni Jisung.
Pinaalis ko na muna si Dahyun sa pagkakaupo niya sa lap ko na agad niyang sinunod.
"Thanks boys." sabi ko sa kanila at kinuha yung paper bag at nilagay sa may center table.
"Hi Dahyun noona." bati nila kay Dahyun.
BINABASA MO ANG
Intoxicated|SaiDa
Fanfiction"I was the girl who gets pregnant but the father of my child refused to marry me. So they forced her to marry me even if she's against with it." -Kim Dahyun