27 : Little Things

1.5K 56 14
                                    

Sana.

"Love, pakibilisan naman ang pagbibihis!" sigaw ni Dahyun mula sa kwarto. Andito lang naman ako sa may CR nagbibihis.

It's Dana's birthday at kakaasikaso lang namin ng mga bagay na dapat asikasuhin sa baba.

Naligo lang ako kase ang dungis ko na mula kanina. Sa dami ba naman ng gawain?

Si Dana naman nasa baba kasama ang mga grandparents niya.

Kaming mag asawa umakyat lang para mag ayos ng sarili.

Sinuot ko yung Spongebob shirt na kapareho ng kay Dana and I bet suot narin ni Dahyun yung kanya.

Lumabas na nga ako sumalubong sa akin pagka-ganda gandang babae na kinahuhumalingan ko.

"Ngina mo, Sana. Ganyan nanaman mga tinginan mo. May anak ka na, stop eye fucking me." matalim na sabi niya.

"Excuse me, Mrs. Minatozaki. Hindi ba pwedeng nag-appreciate lang ng kagandahan mo? Wag kang masyadong perv mag isip at baka maikama kita ng wala sa oras." I warned.

"Gago, shut up." namula siya eh. Nahiya tas nagsungit. The usual moodswings of my wife.

Nilapitan niya lang ako at hinawi ang iilang buhok na kasalukuyang tumatabing sa mukha ko at isinukbit sa may tenga ko.

"Dana is so happy, hindi kumpleto ang mga bisita pero super hyper na niya." sabi niya sa akin.

"Mas iingay yan kapag dumating si Irly at Ego." sabi ko naman.

Si Irly, 3 year old baby ni Irene unnie at Seulgi unnie while Ego a 4 year old baby of Solar unnie and Moonbyul unnie, just so you know Ego is also a girl.

Tanginang pangalan kasi yan. Ego amputa parang panlalaki.

Hindi pa sila nami-meet ni Dana, si Ego kakauwi lang galing Canada last week kase dun sila tumira ng family nila and si Irly hindi naman taong labas yung batang yun. Kahit ako nga di ko pa alam ang itsura ng batang yun.

Ewan ko ba sa mga Kang itinatago ang pagkaganda gandang baby.

At kung magtataka naman kayo kung bakit may anak sila kasi nga iba ang technology ngayon. Via Invitro fertilization kung alam niyo kung paano yang procedure na yan.

Balak nga naming sundan si Dana soon eh, basta siklet na kung kailan.

"Ewan ko lang kung kausapin yan ng anak mo, fully charge yan, oo sa mga matatandang gaya naten. Pero sa mga ka-age niya? Ewan ko na." saad ni Dahyun.

She's right, she maybe savage and energetic when it comes to us but she's growing as an introvert person.

"Kapag medyo tumanda na yan, love. Masasanay rin siya, hayaan mo na lang muna." sabi ko kay Dahyun.

Tumango lang siya at nagkibit balikat. Magkahawak kamay lang kaming bumaba at naabutan namin ang mga bisitang nagkakasiyahan.

"Oh, andyan na pala yung mag asawa eh." pansin sa amin ni Nayeon unnie.

Silang pito palang naman ang nandito kasama nila Appa at ng parents ni Dahyun.

"Si Dana?" tanong ni Dahyun dahil wala nga anak namin.

"Kasama ni Hyunjin at Seungmin bibili daw ng ice cream. Tsaka susunduin daw yung ibang mga kaibigan nila." sabi ni Momo.

"So nagpasundo pa si Jisung? Loko yon ah, may sariling kotse nakikisiksik." sabi ko.

"Hayaan mo lang, galing trabaho eh." sabi ni Appa.

Umupo nalang ako sa may sofa katabi si Dahyun.

Inantay namin ang pagdating nila Dana pero naunang makarating ang mga inaasahang bisita.

"Seulgi unnie." bungad ni Dahyun tsaka lumapit kay Seulgi unnie kasunod si Irene unnie.

Lumapit naman ako kay Irene unnie na may buhat na bata.

I bet si Irly na yun.

"Unnie," sabi ko tsaka humalik sa pisngi niya.

Hinarap naman niya sa akin si Irly at halos manlaki yung mata ko ng mamukhaan ko yung bata.

Yung bata na kinuhanan ng shots ni Dana yun sa Subic.

"Nag-Subic kayo?" agad na segunda ko.

"Oo last month. We're at the same place nun kaso di tayo nagtagpo nasa kabilang hotel building." sabi ni Seulgi unnie.

Kinapa ko naman yung bulsa ko para makuha yung phone ko.

Agad kong pinakita sa mag asawa yung kopya ng shot ni Dana.

"Luh, si Irly yan ah?" takang sabi ni Irene unnie.

"Ahuh, hindi tayo nagkita sa Subic pero sila ni Dana, oo." sabi ko.

"Tignan nalang natin ang maging reaksyon ni Dana kapag nakita niya si Irly." sabi ni Dahyun.

"Bakit ako po?" inosenteng sabi ni Irly.

"Wala baby, puntahan mo muna si Ego." sabi ni Irene unnie at binitawan si Irly para tumakbo sa kinaroroonan ni Ego which is nakina Solar unnie na andito nadin.

Agad naman tumakbo si Irly sa kinaroroonan ni Ego.

Mukhang close na pala talaga sila.

"Ang ganda ng shot ni Dana, I swear may future sa photography gaya ng nanay." sabi ni Seulgi unnie.

"Speaking of Dana, where is she?" tanong ni Irene unnie.

"Kasama nila Hyunjin pero pabalik narin sila. Kain na muna kayo." yaya ni Dahyun.

Sumunod naman sila kay Dahyun at itong asawa ko naman ay nagpaalam na mag aasikaso ng mga bisita at pakakainin na muna sila.

Umupo lang naman ako sa may sofa at nakipagkwentuhan kina Chaeyoung.

"Mag a-asawa na pala, magready ka dyan. Mahirap intindihin ang pananahimik niyan." bulong ko kay Chaeng.

"Matagal narin naman kami unnie. Alam ko na lahat ng takbo ng pag uugali niya. Mahal ko eh, sa simpleng pag intindi maipakita ko man lang na ganun siya kahalaga." proud na sabi ni Chaeng.

Magpapakasal narin kasi sila soon, sabi nila sa amin ni Mina noong nakaraan.

"Sunud sunod narin naman kayong nagpapakasal eh. Ang balita ko bukod sa inyong dalawa, sila Sowon at Sinb na barkada niyo nila Dahyun noon ikakasal na." sabi ko.

"Si Sowon unnie, na ex ni Eunha? Yep, magsesettle narin yun nakahanap na ng deserve niya eh." sabi naman niya.

"Tumatanda narin naman kasi tayo. Kung iisipin, kahit mas maaga kaming ikinasal halata naman sa edad nating lahat na kailangan na nating magsettle down." sabi ko.

"Maraming couple sa mundo na ang ideal eh yung love story ninyo ni Dahyun." singit ni Nayeon unnie.

"Aba gumawa sila ng sarili nilang kwento. Walang katulad yung amin." ungot ko.

"Kung tutuusin, simpleng lang naman yung love story niyo. Nag uumpisa pa lang kayo kasi bata pa yang anak niyo. Marami pang hirap na haharapin." sabi ni Irene unnie.

Tama nga naman siya. Makita mo mang simple lang ang lahat na parang walang problema pero ang totoo maraming kaakibat ang lahat.

Hindi rin kasi biro ang pag uumpisa namin ni Dahyun, nagbuntis siya ng maaga.

Nagpakasal sa taong sa una'y di niya mahal.

Maraming hinarap na pasakit.

Mga hindi pagkakaintindihan na nasolusyunan naman.

Andaming nangyare, mga simpleng bagay kung sabihin.

Mga problemang akala mong dadaanan lang pero ang totoo mahirap talaga.

These are the little things that makes us stronger.

----

Not edited.

A/n : Nakabalik na ko. Are you still there?

Intoxicated|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon