33 : So sick

1.2K 49 13
                                    

Dahyun.

I'm here sitting beside my daughter's bed.

Kasalukuyan padin siyang walang malay.

Umaga narin at magdamag siyang di gumigising.

The doctor said that she's just resting.

Nakauwi narin si Irly kagabi pa habang si Sana umuwi sa bahay para kumuha ng damit.

"Baby, wag mo ng pahirapan si Mommy. Wake up anak. Uwi na tayo." I whispered.

My child is too young to be expose here in the hospital.

Hindi naman siya sakitin pero sumobra na yata yung pagpapabaya niya sa sarili niya.

Ni minsan di namin siya isinugod sa ospital ngayon lang siya nagkaganito.

"Mommy.." napitlag ako ng marinig ko at nakita kong dumilat ang anak ko.

"Anak? What do you feel?" agad na tanong ko.

"T-thirsty.." she hardly said.

Agad ko siyang kinuhanan ng tubig na maiinom niya.

"Feeling good?" I asked as she drunk na water.

"Opo." she smiled a bit. "Kailan po ako uuwi?" tanong niya. Malat pa naman ang boses niya.

"We still don't know. Let's wait for the doctor." sagot ko sa kanya.

"Si Daddy po? Asan?" tanong niya.

"Papunta na yun dito. Nagpunta lang sa bahay para kumuha ng damit." sagot ko sa kanya.

"Si Irly po?" she asked again

"I think pumasok sa school yun ngayon." saad ko. "Magpahinga ka, wag kang mag isip ng kung ano." bilin ko sa kanya.

"Okay." Dana just plainly answered.

Maya maya pa bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang nurse.

"Mrs. Minatozaki, pinapapunta po kayo ni Doc sa office niya." saad nung nurse.

"Sige, I'll be there." sabi ko. "Dana, iiwanan muna kita dito. Wait for your dad." bilin ko sa anak ko.

Tumango lang siya kaya tuluyan na kong umalis ng kwarto niya patungo sa office nung doctor.

Pero bago pa man ako makarating dun nakasalubong ko si Sana na may dalang isang backpack.

"Oh, love? San ka pupunta?" tanong niya bago ako dampian ng halik sa labi.

"Sa office ng doctor ni Dana. Pinapatawag tayo." sagot ko.

"Okay, sige. Punta na tayo dun, sasama na ko." Sana just smiled as she held my hand.

Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa opisina nung doctor.

"Atty. and Mrs. Minatozaki andito na pala kayo." sabi nung doctor.

"Bakit niyo kami pinatawag?" pormal na saad ni Sana.

"It's all about your daughter's condition." monotone na sabi ng doctor.

"How's my daughter?" tanong ko.

"We got the test results a while ago and as I expected symptoms are here. Confirmation is what I need." sabi ng doctor at inilabas ang isang envelope tsaka iniabot sa aming mag asawa.

Walang alinlangang binuksan ito ni Sana.

At halos manlambot ako sa nabasa ko.

Acute Myeloid Leukemia

"Are you even sure about this? AML? Dana is too young!" di makapaniwalang sabi ni Sana.

"Calm down, Attorney." sabi nung doctor.

"Calm down? For pete sake! My daughter was diagnosed with Leukemia? Doc, I just can't believe about it." nanginginig na yung boses ko sa nalaman ko.

"The symptoms are showing, bruises, kung di niyo pa nakita yung mga pasa niya sa braso, I bet hindi pa nga then sabi ng kaibigan niya kagabi when I asked her kompleto naman ang daily meals niya pero anlaki ng binawas ng timbang niya at panghuli habang ino-obserbahan siya sa ER dinugo yung ilong niya, nasabi niyo din na nilagnat siya. At first in my mind it was just a primary infection or dengue but the results just say it all. You can look for the second opinion pero sigurado akong ganun din naman ang magiging resulta." nanghihinang yumakap ako sa asawa ko dahil sa narinig ko.

Bakit hindi ko napansing may sakit na pala yung anak ko?

"Maagapan pa naman diba doc? Gagaling din siya?" agad na tanong ni Sana.

"We can't say that she can survive or be cured. The normal life span of the person with AML can last at 12 months or a year. It's a very common type of leukemia and the treatments that she needs to undergo are chemotheraphy or bone marrow transplant. You only have 2 options in a row. You have to choose knowing that her sickness is near stages." nanlalambot ako sa nalaman ko. Halos hindi ko na makalma yung sarili ko.

"The easiest doc, anong mas madali? Para di na siya mahirapan." Sana just decided to speak up.

"Bone marrow transplant and we all know that the father of the child is the best donor. 60/40 ang chances para tuluyang ma-block at masave siya sa sakit niya. And about chemo 50/50 yun dahil depende sa kanya kung kakayanin ba ng katawan niya." the doctor just explained.

"Wala yung real dad niya, doc." Sana said.

"And then the chemotheraphy is the solution." the doctor replied.

"Tatanungin po muna namin siya kung kailan niya gustong umpisahan yung treatment." saad ko.

"Bilisan niyo lang, the more na lumilipas ang mga araw her sickness is getting closer to death." may simpatyang sabi ng doctor.

Pag alis namin sa opisina ng doctor ni Dana, akay akay ako ni Sana na dinala sa room ng anak namin.

Nang makita ko ang anak ko agad ko itong nilapitan at niyakap.

"Mommy what happened?" alalang sabi niya at hinaplos ang likuran ko.

"Sab, lalaban ka baby ah? Wag mong iiwan si Mommy." umiiyak na sabi ko.

"Daddy, ano pong nangyayare?" nilingon naman ni Dana si Sana kaya lumapit si Sana sa anak namin.

"Sabrina, promise to us that you will always fight." pakiusap ni Sana. Marahang tumango ang anak namin na tila hinanda ang sarili sa susunod na maririnig. "You are diagnosed with Acute Myeloid Leukemia." mahinang sabi ni Sana.

"R-really?" nakita ko namang namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Am I goin' to die early mom, dad?" she spoke.

"No, no.. of course no. Baby, lalaban ka diba?" pagpilit ko sa anak ko.

"Ano pong treatment ang gagawin? Gaano pa kahaba yung life span ko kapag di ko natalo yung sakit ko?" madamdaming tanong ng anak ko.

"Bone marrow transplant and Chemotherapy ang option natin." sabi ni Sana.

"And we're just left with no choice. Daddy, I don't have my real father and I will choose to undergo chemotherapy even if it's so hard and painful than finding the man who left my mom behind." my daughter replied.

"What if he's here? What if he's willing to donate you the bone marrow you need?" tanong ni Sana kaya tinignan ko ang mga mata ng asawa ko. Nasasaktan siya pero bakit pinipili niya pading magpaka-ama.

"No, daddy. Hangga't kaya kong i-survive yung chemo hindi ako hihingi ng tulong sa taong magiging dahilan ng ikasasakit mo. Kaya kong mabuhay ng kayo lang ni Mommy, wala ng iba. So please wag kayong hihingi ng tulong sa kanya hangga't kaya ko pa." pakiusap ni Dana.

"Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo, Sab. Kaya kong tiisin lahat para sa inyong dalawa. Kaya lumaban ka, wala akong hindi gagawin para lang humaba ang buhay mo." mahabang saad ni Sana.

Pagsubok lang naman siguro 'to diba? Hindi naman nila agad kukunin ang anak namin?

-----

Intoxicated|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon