38 : Process

1.1K 45 9
                                    

Sana.

"Kamusta naman si Dana?" tanong ni Irene unnie sa akin.

"Ayun, nireready na siya for the transplant this weekend." simpleng sagot ko at uminom ng beer na hawak hawak ko.

"Bakit wala ka dun?" tanong ni Seulgi unnie.

"Kapag nandun ako mas malaki ang chance na di pansinin ni Dana si Vernon." sagot ko.

"Sigurado ka talagang isusuko mo ang karapatan mo sa anak na tinaguyod mo sa mahabang panahon?" tanong ni Irene unnie.

"Matagal kong pinag isipan ang bagay na 'to. Nagdesisyon ako hindi para sa sarili kundi para sa anak at pamilya namin ni Dahyun." siguradong sagot ko.

"Lalong tumaas ang pagtingin ko sayo bilang magulang pero maiba tayo. Naaawa narin ako sa anak namin, halos araw araw tinatanong niya kung magiging okay pa ba sila ni Dana." biglang sabi ni Seulgi unnie.

Hindi nga pala alam ni Irly yung sitwasyon ni Dana.

"One of this day unnie, bago ang transplant ako mismo magsasabi kay Irly sa sitwasyon ni Dana." sabi ko sa kanya.

"Buti naman. Sa wakas makakakuha na siya ng mga kasagutan sa mga tanong niya." sang ayon ni Unnie.

"Kung ako lang naman ang masusunod una palang sinabi ko na sa kanya kaso nakiusap si Dana eh." sagot ko.

"Kahit mga bata palang sila ngayon, alam ko na yung nararamdaman nila para sa isa't isa. Alam ko na kung saan sila mauuwi, kaya sana when the time had comes maging handa ka baka maging Minatozaki yung anak namin ni Seulgi." biro ni Irene unnie.

"Correction, baka Chwe. Diba nga hindi na Minatozaki ang apelyido niya?" naiiling na sagot ko.

"Edi hindi na pala ako boto kay Dana kung yun lang apelyido ng hayop na yun ang makuha ni Irly." natatawang sabi ni Irene unnie.

"Ewan ko sayo unnie, uwi na. At ako pupunta na munang bahay para maligo bago bumalik ng ospital." naiiling na sabi ko.

Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil mag gagabi narin at may pamilya din siyang uuwian.

Habang ako nagmaneho pauwi sa bahay namin ni Dahyun.

Bigla namang nagring yung phone ko, tumatawag si Dahyun.

On The Phone

"Hon?"

"Hm?"

"San ka?"

"Pauwi po ng bahay. Why?"

"Balik ka ng ospital, ayaw uminom ng gamot ni Dana hangga't wala ka."

"Si Vernon andyan?"

"Andito siya pero di padin siya kinikibo ng anak mo."

"Sige na, pupunta na ko dyan after ko maligo. Bye, I love you."

"I love you more, hon."

Call Ended.

Napabuntong hininga ako dahil alam kong may sama ng loob padin si Dana kay Vernon kaya ni kausapin o kibuin man lang yung totoong tatay niya di niya magawa.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho ko hanggang sa makarating na ko na bahay namin.

Hindi magulo pero kita kong naging malungkot ang bahay na 'to sa mga nakaraang buwan.

Maalikabok na ang mga estante dito kahit ang center table at sofa.

Napailing nalang ako dahil naiisip ko kung kailan maaring maibalik ang dating sigla ng pamilya ko.

Nagpunta ako sa may estante para tignan yung mga family pictures na nandito.

Mga pictures naming mag asawa, pictures na kasama si Dana at mga solos namin.

Napadako ako sa picture naming dalawa ni Dana. It's her 7th birthday in this photo at hawak hawak niya yung guitar na niregalo ko sa kanya.

Wala sa loob ko na namuo ang mga luha sa mga mata ko.

Sana normal nalang ang lahat, yung wala siyang sakit yung masaya lang kaming tatlo.

Napahawak ako sa sentido ko sa labis na pag iisip.

Binitawan ko ang frame at madaling pumasok sa kwarto naming mag asawa para maligo na.

Matapos ang halos isang oras nakaligo at nakapagbihis narin ako.

Tinignan ko ang pigura ko sa salamin at napailing sa itsura ko ngayon.

Alam kong naglose weight na ko, nagkaeyebags at mas deep ang mga stares ko.

Lumabas ako ng bahay at ini-lock ito. Pinasibad ko ang sasakyan ko papunta sa ospital.

Nang makatungtong ako sa ospital, dumiretso ako ng kwartong kinalalagakan ngayon ni Dana.

Sinalubong ako ni Dahyun na tumayo mula sa sofa. Niyakap niya ko kaya hinalikan ko siya sa noo.

"How is she?" bulong ko.

"Kanina pa hindi kumikibo mula ng umalis ka." matamlay na sagot niya.

Nilingon si Vernon na nakaupo ngayon sa kabilang sofa katabi si Nayeon unnie na napakasama ng tingin sa kanya.

"Okay, hon. I got this, ako na bahala sa anak natin." I whispered.

Kumalas ako sa yakap ni Dahyun para tumungo sa nakatalikod sa gawi naming si Dana.

Hinawakan ko ang balikat niya bago ako tuluyang magsalita.

"Princess, daddy's here." marahang sabi ko.

Agad naman siyang humarap para mabilis akong sunggaban ng yakap tsaka naramdaman kong humihikbi na siya.

Ang bilis pero kasalukuyan na siyang umiiyak.

"Daddy, why is he here? Paalisin mo siya, ayoko siyang makita. Daddy, sabi niya hindi na ko Minatozaki. Hindi naman po totoo yun diba?" ramdam ko ang pagmamakaawa ni Dana sa magiging kasagutan ko.

"Anak, diba pinag usapan na natin yun? He's here to longer your life, to make you stay with us. He's your real father, sweetheart. He's here to take over his responsibility as your father." pag aalo ko sa anak ko.

"I hate him, he will never be deserving to be called father, daddy." puno ng hinagpis na sabi ng anak ko.

"Anak, calm down. He's here, please have some respect for what are you saying." pakiusap ko.

Ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko at patuloy na umiyak.

"Vernon, lumabas kana muna. Hindi maganda sa lagay ng bata na makita ka sa mga oras na 'to." pakiusap ni Nayeon unnie.

"Sige, uuwi narin muna ako. Babalik ako bukas dahil icoconfine na ko para sa operation." sagot ni Vernon tsaka tumayo. "Sana, yung papeles." baling niya sa akin.

"On going na, after transplant Chwe na ang gamit niya." I mumbled.

"Dapat lang." he smirked as he left.

"Daddy, ano yon? Bakit pinapalitan niyo po yung last name ko? Ayaw niyo na po sa akin?" sa itsura ni Dana ngayon nanghihina din ako. Nasasaktan dahil alam kong apektado nanaman siya ng panibagong mabigat na sitwasyon.

"It's his condition, but... it doesn't mean di na kita anak kahit di kana Minatozaki. Ikaw lang yung anak namin ni Mommy mo. Hindi mababago yon, basta gawin mo lang lahat para humaba yung buhay mo yun ang pakiusap ko." litanya ko.

"Wag niyo kong ibibigay sa kanya, Daddy, Mommy." nabahala ako ng umiyak na siya ng tuluyan, dali dali ko siyang hinagkan at hinalikan sa kanyang noo.

"Shhh, just trust the process anak. Di kami mawawala ni Mommy sa tabi mo. Live longer, that's what I want and I promise that we will be with no matter what." bulong ko sa kanya na tinunguan niya lang.

Sana maayos na.

-----

A/N : yes, I'm back. mga may crush sa akin umamin na kayo habang maaga, magiging straight na ata ulit ako. Charot alam kong wala. May readers pa ba?

Intoxicated|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon