Dahyun.
Nandito lang ako sa kwarto ko habang nagbabasa ng pocket book ng pumasok si Eomma.
"Dahyun, maligo kana nak. Sana and her dad will be here in any moment." tinignan ko si mommy sa mga nasabi niya.
Seryoso ba siya dun, bakit di man lang ako nainform eh.
2 days narin pala mula ng maamin ko kay Daddy yung kalagayan ko na buntis ako.
"Mom, bakit di niyo naman ako ininform agad?" agad na saad ko.
"Nawala rin sa isip ko. Maghanda kana, nagluto ako ng maraming ulam para pagsaluhan natin later." as just smiled as my mom talked.
"Sige ma, ligo lang ako tas sunod ako sa baba." I answered.
Nagpunta ako ng banyo para maligo, nagsuot ako ng simpleng blue dress bago tuluyang bumaba.
Pagbaba ko naabutan ko si Mom at Dad na nag uusap sa sala. Nginitian ko lang sila ng mapansin ako tsaka lang ako dumiretso sa kusina para magtimpla ng juice.
Umupo ako sa may center island dito sa kitchen at lihim na napaisip.
Nakakawindang isipin na itong bata pa ang nagkonekta sa akin kay Sana.
Sa isang iglap mga bagay na hindi binalak siya ang mananagot sa sanggol na dinadala ko.
Sa lalim ng pag iisip pansin ko ang pagbagsak ng mga luha ko.
Naalala ko si Vernon na nang iwan sa akin, masakit padin pero alam ko na lilipas ang panahon mawawala din ang sakit.
I wiped my tears as my mom entered the kitchen.
"Anak, andyan na sila Sana. Nakaupo sila sa may sala. Pumunta ka na dun hinahanap ka na nila." napabuntong hininga ako. Tumayo na tila walang bakas ng pag iyak.
Naglakad ako papuntang sala bumungad sa akin ang babaeng nakasuot ng maroon and white na stripes long sleeves plus white skirt na tinernohan ng white shoes.
She's wearing a formal expression, kasalukuyan siyang busy sa pakikipag usap niya kay Dad.
Maya maya narinig kong sinabi ni Eomma na papalapit na ko.
Biglang umangat ang tingin niya akin at nung magtama ang mga mata namin parang bumagal ang oras.
Nakikita ko naman siya sa TV eh, pero iba pala kapag sa personal mo siyang nakaharap.
"Sana, I would like you to meet Dahyun your fiancee." Uncle Steve stated.
"Nice to meet you." ramdam ko ang pagiging plain ng boses niya kahit alam mong cute ang tinig niya.
"Come here anak." yaya sa akin ni Mom at pinaupo sa tabi niya.
"We came here to formally talk about their wedding." mabilis na tugon ni Uncle Steve.
"I'm expecting that. So kailan ang kasal?" Dad just smiled. I know he's still dissapointed sa nagawa ko pero sabi ni Mom magiging okay din kami ni Dad. Lalo na kapag nakita niya yung bata.
"In 2 weeks? Kailangan lang natin ng mapadali ang lahat." sabi ni Uncle Steve.
"Biglaan naman ata." sabi ko.
"Hindi magiging biglaan kundi naman dahil sayo." saad ni Sana pero kalmado lang ang boses niya.
I felt guilty now. Nadadamay lang naman kase siya.
"Maybe, tomorrow aayusin natin ang kasal." singit ni Dad.
"Simple nalang muna siguro." sabi ni Mom.
"Tama, pero syempre kailangan parin namang maging proper ang lahat." Uncle Steve stated.
"Basta ako kung anong nasa plano niyo, susundan ko na lang." sabi ni Sana at matamaang tumingin sa akin na ikinatango ko.
"Sige, maiiwan na muna namin kayong dalawa dito sa sala, sa garden lang kami." paalam ni Dad sa aming dalawa ni Sana.
"Sige po, uncle." Sana just agreed.
As they leave naging awkward yung atmosphere.
"Buti pumayag ka sa kasal na 'to?" basag ko sa katahimikan.
"You know, nagtalo pa kami ni Appa because of this. I'm not even ready sa tatahakin ko, wala akong idea. Pero nangibabaw yung mga rason kung bakit kailangan ko bang pumayag." mahabang sabi niya at pilit akong nginitian.
"Thank you kase kahit alam mong disgrasyada ako pumayag ka. Kahit hindi iyo itong batang pinagbubuntis ko andyan ka lang pumayag padin." buong pagpapasalamat ko.
"Malaki ang utang na loob ko kay Tito Dan kaya way narin 'to para suklian siya. After the birth of the child balak ko naring magmasterals sa New York, yun ang agreement namin ni Appa." mahabang sabi niya.
"Paano yung profession mo? Sigurado ako maraming makikialam sa kasalang ito, isa pa biglan." saad ko.
"Pareho lang naman kasi tayo. Parehong may iniingatang name, hindi issue ang pagpapakasal natin dahil close fam natin." she smiled. Ang ganda pala niya lalo kapag nakangiti. Makalaglag panty. "Kaya wag kang mag alala madaling sagutin ang mga tanong ng mga press." dagdag niya pa.
Siya pala yung taong pinag iisapan ang bawat desisyon niya. Ano pa bang aasahan ko? She's a lawyer talagang magdidesisyon siya ng tama.
"To be honest kung anu ano ng rants ang nasabi ko sayo before ako mag agree kay Appa. Jinudge kita agad at kung anu anong masamang salita na ang nasabi ko." ramdam ko ang lamig sa pagkaseryoso ng boses niya.
"Halos isang taon lang naman 'to eh. Isang taon ka lang magtatiyaga." alo ko sa kanya.
"I know. Kase alam mo galit na galit ako sayo dahil sa pagkawala ng kalayaan ko. Pero ang sabi nila Uncle sa papel lang naman." seryoso parin ang pagsasalita niya.
"Sana.. In a year we can be friends." sabi ko sa kanya. "Para pareho nating panghawakan ang tatahakin natin hanggang sa magdivorce tayo, atleast after all these magkaibigan tayo." paalala ko sa kanya.
Mabagal lang siyang tumango.
"Sabi pala ni Dad, kailangan na nating makahanap ng bahay na titirhan natin in a year." Sana just spoke.
Bigla akong nahiya, wala pa akong ipon. Knowing na kakagraduate ko lang at isa pa di ako makakahanap ng trabaho dahil buntis ako kung nagkataon issue nanaman.
"Buti na lang nakapagpundar ako ng bahay sa 2 years ko ng pagiging abugado. 4km away sa Han River yung binili kong bahay at dahil isang taon lang naman magsasama okay lang sayo na doon nalang tayo tumira? Infact, alam ko namang wala ka pang ipon. Hindi ka din pwedeng magtrabaho na muna habang nagbubuntis ka." paalala niya bigla.
It's crazy na iniisip ko palang nasabi na niya. Lihim akong napangiti sa pag intindi ng sitwasyon ko.
"Okay lang naman sa akin. Walang kaso kahit saan, basta may matirhan tayo. Sorry pala kase i-invade ko pa yung bahay mo." paumanhin ko.
"Sabi mo sa akin, let's be friends. Kapag kaibigan kita, kapatid narin kita so sayo na din bahay na yun." ouch dun sa kapatid. Di kami bagay magkapatid, mag asawa na kaya kami soon.
Ang landi ko nanaman, sorry na. Kahit buntis ako ang harot ko leshe.
Pero ang mahalaga ngayon friends na kami ni Sana.
---
BINABASA MO ANG
Intoxicated|SaiDa
Fanfic"I was the girl who gets pregnant but the father of my child refused to marry me. So they forced her to marry me even if she's against with it." -Kim Dahyun