Sana.
Kagabi nakatulog ako sa kwarto ni Dahyun dahil ayaw niyang magpaiwan.
Natrauma na nga yata sa nangyare kagabi.
Kung nagtataka kayo kung bakit di ako nag alinlangang harapin yung sumugod sa bahay eh dahil sanay na ko.
Madalas ganyan, madalas akong matutukan ng baril odi kaya muntikan ng patayin.
Matagal ko ng tanggap na kapag abugado ka hindi buo ang kaligtasan mo.
Na minsan magugulat ka na lang may papatay sayo.
May times pa nga na nasa bar ako reresbakan ako pero dahil maagap ang mga pulis o kahit sinong tumutulong sa akin sa awa ng Diyos walang nangyayareng masama sa akin.
Akala ko okay lang. Kase noon mag isa lang ako sa buhay ko pero ngayon may pangamba narin ako na.
Ayokong mamatay kase ayoko siyang iwan.
Wala naman akong kinakatakutan noon pero mula ng dumating siya dumami.
I'm taking care of her no matter what. Dami niya pang sinusurvive na i-build up sa life niya.
Ang pag momove on sa ex niya na nakabuntis sa kanya at ang tiwalang gusto niyang maibalik sa sarili niya.
Tinutulungan ko siya, alam ko ilang buwan na lang aalis na ko. Haharapin ko ang buhay na hindi na siya kasama.
After all nandito kami para sa isa't isa pero alam ko namang panandalian lang ang lahat.
Tinignan ko ang babaeng payapang natutulog sa bisig ko.
Medyo tumataba narin siya pero hindi ko alam maganda parin naman siya.
Sa lahat ng magiging nanay na siya lang ata ang nakita kong hindi pumangit.
Nilingon ko ang oras sa wall clock. 7am na pala. Hahayaan ko na muna siyang matulog mamayang ala una na lang ako magyayayang umalis.
Napuyat rin kami kagabi dahil iyak siya ng iyak.
Nakaapekto pa yata sa pagbubuntis niya kaya kagabi ganun na lang ang reaksyon niya.
Dahan dahan akong umalis sa tabi niya para magluto ng almusal para sa kanya.
Hinalikan ko siya sa noo bago ako pumunta sa kwarto ko at maligo.
Pagkatapos maligo agad akong bumaba para magluto.
Fried rice, eggs, bacon, fruit salad at fresh milk ang ginawa kong breakfast para sa kanya.
Alam kong ano mang oras bababa na siya.
Lumabas na lang muna ako sa may gate ng bahay para kunin ang deneliver na dyaryo.
Nagtimpla na lang ako ng kape at simpleng nagbasa nito.
Nagvibrate naman ang phone ko sa bulsa ko kaya agad kong tinignan. Si Momo pala.
From : Hirai Momo
Squirrel, may sumugod daw sa inyo kabgabi? Ano kamusta?
To : Hirai Momo
Ayos na. Nakakulong na yung nanugod. Pakitawagan na lang muna si Mina, tell her I need security here.
From : Hirai Momo
Sige, fren. Ingat ka.
Si Mina kasi may sarili silang security agency.
Hindi man yun ang hawak niya atleast madali akong makakahingi ng tulong dahil appa niya ang may ari nun.
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng dyaryo hanggang sa mapansin kong bumaba na si Dahyun.
BINABASA MO ANG
Intoxicated|SaiDa
Fanfiction"I was the girl who gets pregnant but the father of my child refused to marry me. So they forced her to marry me even if she's against with it." -Kim Dahyun