Sana.
"Momo just texted me, pupunta daw sila dito. Mga walang magawa sa buhay." sabi ko kay Dahyun na abala sa pagbabasa ng libro.
Nasa sala lang naman kami at Monday ngayon pero di ako pumasok.
Naglalambing 'tong isa ayaw nanaman akong paalisin.
Nasakto namang libre ang mga baliw ngayon at mapapadpad naman sila ngayon dito sa bahay namin.
"Pakisabi kay Nayeon unnie gusto ng Milk Tea. All flavors." sabi ni Dahyun ng hindi man lang ako nililingon.
Langya, ayan nanaman. Waldas pero nanaman tayo.
Nagtext agad ako kay Nayeon unnie para mabili na yung pinabibili ni Dahyun.
Maglilimang buwan na yung bata sa sinapupunan ni Dahyun and sa next na pagbisita namin sa doctor we will know the baby's gender.
Ang bilis nga ng paglipas ng mga araw. Lumalala rin ang moodswings niya.
Pero gaya ng sabi ko noon wala akong gagawin kundi intindihin at alagaan siya.
Paulit ulit lang ako neto pero sana naiintindihan niyo. Hirap mag alaga ng buntis no.
Tinigilan nga niya si Spongebob pero lagi naman siyang nagbabasa ng libro.
Well, mas okay na yun. Lagi na lang akong pinabibilhan ng CD eh. Mahirap maghanap lalo na lahat yata ng episodes napanood na niya.
Hinawi ko ang mga kurtina sa mga bintana para pumasok fully ang liwanag ng magmukha ng maaliwalas ang bahay.
Matapos nun umakyat ako sa kwarto para magpalit ng tshirt.
Pagbaba ko busy parin si Dahyun sa binabasa niya.
Uminom lang ako ng tubig hanggang may nagdoorbell na.
Andito na sila Momo. Lumabas ako para buksan ang pintuan.
Andami nilang dalang pagkain. Grabe lang.
"Tara pasok kayo." yaya ko sa kanila at sinundan naman nila ko.
"Oy oy oy! Kamusta Dahyun unnie?" tanong ni Chaeng at tinabihan siya.
"Ayos lang." tipid na sagot ni Dahyun. "Nayeon unnie! Yung milk tea ko!" agad na usal niya.
"Ito na oh. 12 flavors bahala ka na dyan." sabi ni Nayeon unnie.
Umupo na lang sila sa may sofa at itong si buntis nilalantakan na yung milk tea.
"May dala kaming foods! Hahaha. Party na 'to!" hyper na sabi ni Jungyeon unnie.
"Tzuyu, Mina samahan niyo nga ko lagay natin sa kusina yung mga pagkain." yaya ni Jihyo unnie sa dalawa na agad naman nilang sinunod.
"Kamusta naman ang pag aalaga ng buntis?" tanong sa akin ni Jungyeon unnie.
"Nakakapagod pero nawawala rin agad kapag nakikita ko siyang masaya." agad na sagot.
"Nakalimang buwan kana nga. Nakatagal kana." sabi ni Momo sa akin.
"Pag naman nilayasan ako niyan di na niya ko makikita." sabi naman ni Dahyun.
"Yabang eh." sabi Jihyo na papunta na dito.
Kumuha na lang ako ng pizza tsaka kumain.
"Teka, 5 months na pala yung baby. Paano yan? Kailan ang untrasound niya?" tanong ni Mina.
"Sa Wednesday." sabi ni Dahyun.
"Ay bet. Pa-Gender Reveal party kayo." suhestiyon ni Nayeon unnie.
BINABASA MO ANG
Intoxicated|SaiDa
Fanfiction"I was the girl who gets pregnant but the father of my child refused to marry me. So they forced her to marry me even if she's against with it." -Kim Dahyun